Sunday, April 6, 2008

Makipag-chat kay Rosa Macamay

Kapag nakakita ang Pinoy ng isang computer na may internet connection, hindi pupuwedeng hindi siya mag-log in sa YM at makipag-chat kahit ang taong gusto niyang kausapin ay nasa tabi lang niya. Wala lang. Masabi lang na nakikipag-chat siya.

Alam kong guilty kayo. 'Di bale, pare-parehas lang tayo. Hehe.

Talaga namang bahagi na ng ating kultura ang pakikipag-chat (gawa-gawa ko lang 'to). Kahit sino marunong nang mag-chat. Magugulat ka na lang na mas marami pang online friends kaysa sa'yo ang katulong o yaya mo. Magugulat ka na lang na isang araw, makikipag-EB ang nanay mo sa food court ng SM Megamall--malapit sa skating rink.

Pero kung may isang aspeto ng ating buhay ang naapektuhan ng lubusan ng internet chatting, ito ay ang sex pag-ibig.

Yihee!

Isipin mo na lang kung gaano karaming kalalakihan na laging basted sa totoong buhay ang nagkaroon ng sandamakmak na online girlfriends gaya nina "hORnyBiTCh" at "sWeeT_titZ."

Isipin mo na lang kung gaano karaming sawi sa pag-ibig ng napaligaya ng simpleng "Poli, 19, M, Pasig" at "Yolanda, 52, F, Garden of Eden."

At higit sa lahat, isipin mo na lang kung gaano karaming Pinoy at Pinay ang naiahon ang sariling mga pamilya sa kahirapan pagkatapos makapangasawa ng isang matandang foreigndyer.

Talagang napaka-tempting. Kaya ang iba ay gagawin ang lahat para lang maka-attract lang ng mabibiktima. Andyan ang pagpapakita ng katawan at ang maseselang bahagi nito (siyempre hindi kasama ang mukha...mahirap na), ang paggamit ng mga malalaswa at pamatay na username at ang paggamit ng profile pic ng bestfriend mo na ninakaw mo pa sa friendster account niya.

Talagang na-inspire ako sa mga tao at pangyayaring ito kaya nuong pinagawa kami ni Sir Eros Atalia ng tugmaan (para siyang tula pero hindi tula, na kailangang nagtataglay ng rhyme scheme at pantay na dami ng syllables) para sa klase namin sa Retorika, ay ito ang aking napiling paksa.

Iniaalay ko ang tugmaang ito para sa lahat ng mga chatters ng na walang ibang hinangad kungdi ang maghilom ang kanilang mga pusong sugatan at sa mga chatters na gustong lang namang magkaroon ng mas maginhawang buhay. Hehe.


Rosa Macamay


Pumasok sa YM para mag-chat,
Maghahanap lang ng masisipat.
Tanging kailangan ng pusong wasak,
Ngalan at ASL na tunay na swak.

Pinili ko si "Rosa Macamay,"
Mukhang sa kama'y napakahalay
Ako'y bumanat nang walang tangan,
Totoy Mola ang aking pangalan.

Agad lumandi si Rosang kanti,
Kanya raw ipapakita, yaong mani.
Teka lang, sandali. Parang ang bilis,
Ika’y hindi pa nakikitang bihis.

Siya’y nagpadala ng kanyang litrato
Ako nama’y naghintay na parang aso.
Nang aking nakita yaong hitsura,
Putaragis ‘yan, ako’y napamura.

Ang buong akala’y, bebot si Rosa,
Ayun pala ay mukha siyang kakosa.
Ang monitor tinakpan ko ng kumot,
Baka sa pagtulog ako’y mabangungot.

***

Kung Rosa Macamay ang iyong pangalan, peac tayo. Hindi ko sinasadyang gamitin ang pangalan mo. Hehe.

37 comments:

  1. haha!

    mas gusto ko yung flash fic mo!

    XDXD

    ReplyDelete
  2. hahaha! tang ina! tawa ko ng tawa dito...- jana**

    ReplyDelete
  3. "Andyan ang pagpapakita ng katawan at ang maseselang bahagi nito (siyempre hindi kasama ang mukha...mahirap na)"


    Haha!

    Winner 'to.




    Lover

    ReplyDelete
  4. hahaha! Retorika! La kami ganyan ata! Si Ampil yung Fil ko e

    ReplyDelete
  5. naks.
    true to life ba yan?haha


    -airin

    ReplyDelete
  6. nyahahahaha! aliw aliw to the maximum level na to!

    Apir-apir!

    ReplyDelete
  7. shet! saktaong-sakto! sa may skating rink ako nakikipag-EB noon..

    ReplyDelete
  8. wahahaha! the best si Rosa Macamay!
    oist, post mo rin yung mga flash fictions mo. hehe
    add kita sa link ko, parekoy. :D

    ReplyDelete
  9. POLI.

    Naks. almost 1 month na rin yung last post mo ha..

    at ayos ikay muling nagbalik hehehe

    WB :)

    ReplyDelete
  10. haha! ayos ah beteranong beterano sa pakikipagchat..poli m. pasig lols! sabay 52f na yung kasunod..

    ayos yung obra mo ah! lupit mo!

    ReplyDelete
  11. ayos to ayos!! astig na astig!!!

    ReplyDelete
  12. panalo si rosa macamay! hahaha, ilan na nga ba ang nabiktima ni Poli,19,M,Pasig ?!?! hahaha

    nice one dude!

    ReplyDelete
  13. huwaw!
    ang galing tula!
    panalo sa tawa!

    rosa macamay! para namang napakamakamandag nya!

    sang-ayon ako sa mga sinabi mo tungkol sa chat chat na yan!

    nakakalungkot isipin na ginagamit na rin ito sa napakaewan na bagay na amp! ah basta un nga!

    ReplyDelete
  14. hahaha! tawa ako ng tawa!! ang tindi naman ni rosa macamay :lol:

    ReplyDelete
  15. pokengena!
    astig!
    galing!
    weee!

    rosa macamay.. hahaha
    idol talaga kita.. weee

    ReplyDelete
  16. Lolz.

    Yung pinsan ng friend ko, may nakilala siyang taga-Spain. Hayun, pinadalan siya ng laptop, roses tsaka mga mp3 players! Nakabingwit siya ng malaking isda! Haha.

    ReplyDelete
  17. Mahusay! Nakakatuwa ang iyong ininulat!

    Ipatuloy mo ang pagsusulat!

    Peace

    ReplyDelete
  18. haha, nakakatawa naman to.

    ako nga pala si Mirrah, 19, F, secret.

    hahaha.

    at....


    maganda nga pala ako. hehe

    ReplyDelete
  19. lol astig ka talaga poli! ang kulit nun ah! totoo nga. basta may computer na may internet, hinding hidni ko palalagpasin ung time na makalog in ako sa ym ko. Hahahaa.. pati kaibigan ko ganun din. astig! :)kakatawa nung poem.

    ReplyDelete
  20. heheh kakatawa.. ano kaya comment ng prof mo jan?

    ReplyDelete
  21. Haha! Panalo ang tula. Napapaghalataang frequent chatter ka. Lol.

    ReplyDelete
  22. Haha! Panalo ang tula. Napapaghalataang frequent chatter ka. Lol.

    ReplyDelete
  23. lintek ikaw pala yun! haha. mahusay poli!

    ReplyDelete
  24. wahaha.

    panalo toh dude.
    galeng

    ReplyDelete
  25. Madalas na din akong madale ng mga kung anu-anong gimik nun sa internet tungkol sa pakikipagchat. Bata pa kasi ako nun, mapusok at pabugso-bugso kaya makakita lang ako ng magandang litrato na laspag na pala dahil kalat na sa internet eh naglalaway na agad ako.

    Rosa Macamay, isa kang huwad
    dapat sayo'y pinatutuwad
    at pinapasakan ng pinya sa puwit
    at mabigyan ka ng malupit na sakit

    ReplyDelete
  26. haha... akala ko Tina Moran ang ipapangalan mo eh. ayus sa tula, ay hindi pala ano. hehe. namiss ko dito. weee...
    teka.. may mga ganung chatters parin ba? 3 yrs ako alam ko yan at nakakakita ako sa mga rums ng ganyan pero ngayon.. puro blogger ka chat ko eh. hehe.

    ReplyDelete
  27. yung pinsan ko kinasal din sa foreigndyer na nakilala nya sa chat. wahaha!

    ReplyDelete
  28. ei kuya poli!
    nitaG PO KITA!!

    http://eloiski.wordpress.com/2008/04/29/nasubukan-mo-ng-tagtagin-ng-tags/

    ReplyDelete
  29. Susubukan ko nga ring mag-chat habang nasa office. Baka ako 'yung maging mani. Nyehehe.

    RAKENROL!

    ReplyDelete
  30. wahaha. natawa ako dun ah. biktima ka brader, gusto mo ba ng resbak ng mabanatan na yang si rosa macamay? wahahaha..

    tsk tsk tsk.

    at mukhang inspirado este desperado, nagawan pa ng tula si rosa macamay! yiihesss! wahaha. ^_^

    (paupdate brader ng link ko, thanks)

    ReplyDelete
  31. ngaun lang ako nakadaan...puta si rosa.kaylandi.at si totoy mola...kay kati..wahehe

    --- aura XD

    ReplyDelete