Takte! Dalawang araw na akong inuubo, nilalagnat at sinisipon!
Napakadalang ko lang magkasakit kaya naman kapag napagdiskitahan ako ng mga kaibigan nating viruses at bacteria e daig ko pa ang mga matatandang naghihingalo. Akala mo kung anong nakakamatay na sakit ang dumapo sakin.
Nagsimula ang lahat sa simpleng pamamaga ng lalamunan noong kinagabihan ng Martes. Siyempre, hindi ko ito pinansin at sige pa rin ang laklak ko ng iced tea na may ga-batong yelo. Kaya naman pagkagising ko kinaumagahan, e parang mini-waterfalls ang ilong ko. Yun nga lang, imbes na tubig, e malabnaw na uhog ang rumaragasa mula dito.
Pumasok pa rin ako kahit masama ang aking pakiramdam. Pinangako ko kasi sa aking sa sarili na magiging good boy ako ngayong semestre. Hindi na ako aabsent kapag walang silbi ang mga rason gaya ng kung may laban si Federer o may laban si Hingis.
Pagpasok ko sa silid-aralan e nahalata agad ng aking katabing si Adie na mukha nga raw akong may sakit. Sabi naman ni Christine (Hagrid), e mukha raw akong adik. Mangilan-ngilang tao rin ang lumapit sa akin at nagtanong ng, "Bakit parang malungkot ka ngayon? May problema ka ba?" Gusto ko sanang magtatatawa kaya lang pinigilan ko dahil siguradong uubuhin at maluluha na naman ako.
Bago umuwi, e dumaan muna ako sa bahay ng aking iniirog. Nagkwentuhan kami habang pasinga-singa ako sa bimpo ko na naging kulay gray at green dahil sa sipon. Kapag nakita niyo ito e hindi kayo maniniwala na dati itong kulay pink na may mga larawan ng kabute. Ang kyut no? Bimpo kasi ng nanay ko yun. Ubos na ang mga bimpo at panyo ko. Inuhugan ko na lahat.
Bukod sa pagkukuwentuhan, e binigyan niya rin akong strepsils. Hang swit ano? Whanepshyet! Hindi na rin ako nagtagal at umuwi na rin ako.
Pagdating ko sa bahay e bagsak agad ako sa kama at alas-onse na ng umaga nang magkaroon ulit ako ng malay. Eto na ngayon ang masaklap, paggising ko, e naramdaman kong punum-puno ng nanigas na uhog ang ilong ko o sa madaling salita, puno ito ng kulangot. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit kada hugot ko e may sumasamang buhok galing sa ilong! O KAY SAKIT!
Pagkatapos ng aking kalbaryo, e parang nakipag-eksena ako kina Ate Vi at Ate Guy. Drama siyempre! Gago, hindi threesome!
Ngayon naman ang aking kalbaryo e ang pagpili ng gamot na iinumin. Tuseran ba o Decolgen? Idol ko sina Maverick and Ariel kaya gusto ang Decolgen. Gusto ko rin naman ang Tuseran dahil ini-endorso ito ng Diyosa ng Alindog--si Judy Ann. Hirap no?
Tsk, ano nga ba ang mas epektib?
"may problema ka ba?"!!!nakakakuha din aq ng ganyang remarks kpg nagkakasakit ako kc xiempre ntthimik aq at bka tumulo ang.. alam mo na..
ReplyDeleteaba.. parang wala na aqng karapatang maging tahimik! ahehe! gus2 mo b ng payo ng isng ex-nurse!? :D
que baboy naman ng panyo mo!
Ang swit ko nga dito!
ReplyDeleteBinigyan kita ng Strepsils!
Lover
hahahaha!
ReplyDeleteui, nababanggit na ah.:) inantay mo lang ata si szusza e! hahahahaha!
pagaling ka, hindi ako sanay ng nananahimik ka.
at bait-baitan ka ngayon ha! hehehe! maganda yan! poli perfect woohoo! hahahaha!
WHOOOO!!!!
ReplyDeleteINAMIN NA NIYA!!!!
YESSSS!!!
Tang ina mo, Poli!
Ako pare, isa sa mga childhood hero ko si Ilong Ranger. Kaya du'n ako sa Decolgen.
ReplyDeletePagaling ka, pards.
buti pa, para walang away. mag biogesic at vics ka na lang.
ReplyDeleteget well soon
pare konting himas lang yan :D
ReplyDeletemag biogesic ka...ingat!
**comment mo s blog q*** :D
ReplyDeletendi anu k b?! YONEX NANOSPEED SERIES:9000/8000/7700
qng baga s cellphone n nokia, N SERIES: 93/90/70
ndi un price! :D
tuseran ka na lang.. kung yung fitrum nga na ineendorse ni juday ehh mukhang epektib. XDD
ReplyDeletetuseran talaga para jan. nagkaproblema decolgen dati e, kasama ng neozep. nakakaadik daw tapos nakakapatay ng brain cells.
ReplyDeletesa tuseran, pati lagnat tanggal!
-bitch3
Hahaha!
ReplyDeleteOo nga, (refering to Szusza's comment) umamin ka na sa 'iniirog'. Hala! Magagalit ang mga taga-CHE! Hehehe... XD
Bioflu ka na lang. Yun epektib para sa akin. Ma paniniwalaan mo ba yung idols mo? Reyna ng alindog? O ang mataba mong kaibigan? Oso na di ba?
- Bear
decolgen..
ReplyDeletebasta maverick and ariel eh...
haha, depende na yan kung saan ka ba talaga hiyang... decolgen ako ever since eh, intensified by the fact na endorser na nila si mav and ariel...
ReplyDeletenapanood mo ba dati yung misadventures show nila sa abc5? :P
wala lang... :P
yihee! ^____^
ReplyDeleteengk! decolgen ka na lang, may no-drowse pa, o di ba? ^_^
poli, subukan mo yung nasathera. okay na pang-decongest ng ilong na puno ng uhog.
ReplyDeleteokay ka a, nagpapaka-good kid ka na. pero alalahanin, ang mga laban ni federer at hingis ay hindi walang silbi. umabsent ka naaah! haha, joke lang. mabuti ang ginagawa mo. kelangan nang magpakaseryoso sa pag-aaral.
however, sakto lang naman ang schedule ng wimbledon. sa gabi natin napapanood, di mo kailangang umabsent :D
and i say "natin" because i'm in baguio and therefore, have cable! wimbledon, here i come!
magpagaling ka, kid.
hehe.. pati to ngayon ko rin lang nagets.. tae.. x)
ReplyDeleteI HATE that stuffy, sleepy and headache-y feeling you get because of a fever and flu. I would have stayed home and never gotten out of bed! hehe!
ReplyDeletePero ang dilemma mo sa gamot ay mahirap sagutin. I use Tuseran, pero nakakatawa nga sina Ariel at Maverick. Decolgen nalang! Hehe!