Kapag Valentines Day...
1. Box-office ang mga motel.
Kawawa 'yung mga walang malulugaran upang maidaos ang kanilanglibog pagmamahalan. Kailangang nilang magtiyaga sa loob ng kotse, sa talahiban o kaya naman sa Luneta.
O mas masaklap, sa kwarto ng mga magulang nila.
***
Isipin mo...
Sabay-sabay na nag-uungulan ang mga tao sa loob ng mga motel. Isabay mo pa ang sabay-sabay na pag-squeak ng kani-kanilang mga kama...
Puta parang 'di ako makakatulog mamaya a.
2. Nagkakaroon ng panic buying ng Ferrero Rocher.
Kawawa 'yung mga walang malulugaran upang maidaos ang kanilang
O mas masaklap, sa kwarto ng mga magulang nila.
***
Isipin mo...
Sabay-sabay na nag-uungulan ang mga tao sa loob ng mga motel. Isabay mo pa ang sabay-sabay na pag-squeak ng kani-kanilang mga kama...
Puta parang 'di ako makakatulog mamaya a.
2. Nagkakaroon ng panic buying ng Ferrero Rocher.
Tuwing Valentine's Day, hindi pupuwedeng hindi ka makakakita ng mga lalaking may dala-dalang Ferrero Rocher. Ito na yata ang "official Valentine's Day chocolate" ng Pilipinas.
Parati kong tinatanong sa sarili ko kung bakit parating Ferrero Rocher ang chocolate na pinangre-regalo sa ating mga katalik na kaibigan samantalang marami namang iba. Andyan ang Flat Tops, Curly Tops, Serge, Nips, Chocnut at La-La.
Siguro kaya gusto ng lahat ang Ferrero Rocher ay dahil sa malutong na mani na makakagat mo sa gitna....
Bukod sa pagkakaroon ng masarap na mani, maganda rin ang lalagyanan ng Ferrero Rocher--gintong palara. Kaya kung sakaling magtrip ang mag-syota na mag-pot session pagkatapos kumain ng Ferrero Rocher, MALUPET!
Pero kung ako ang tatanungin, ang pinakamagandang chocolate na ipangregalo ay Hershey's Chocolate Syrup.
Kailangan mo lang alamin kung paano gamitin 'yung syrup nang tama...
Hehehe.
Nga pala, kung balak niyong regaluhan ng chocolate ang mga nanay niyo sa darating na Valentine's, inirerekomenda ko 'yung pinakamalaking Toblerone para puwede niyang gawing palo-palo ng labada.
***
Nanuod ako sa YouTube ng mga commercial ng Ferrero Rocher at napag-alaman kong maraming acceptable na pronunciation ang Ferrero Rocher.
Sa Italy, (Ferrero Ro-ker); sa France (Ferrero Roh-shi); sa USA (Ferrero Row-shay) at sa Pilipinas naman (Ferrero).
Hangga't may Valentine's Day, hindi malulugi ang Ferrero Rocher.
3. Naso-sold out and mga condom.
Tangina, dapat lang.
Baka nga naman imbes na mga anghel na kumakanta ng Hallelujah sa langit ang marinig niyo, e kampana ng simbahan ang kumalembang.
Lalong kailangan ng condom kapag magmo-motel ang mag-syota.
Aba, maawa naman kayo sa mga maglalaba ng mga punda ng unan at sapin sa kama.
Pati na rin sa mga magpupunas ng kisame.
32 Comments:
i hate balentayms.
parang na-curious ako dun ah.. parang gusto kong pumasok ng motel sa balentayms pero walang kasama, gusto ko lang marinig kung anu ang magiging harmony ng sabay-sabay na pag-ungol ng lahat ng tao sa motel.. ayos yun ah..
kaya nga ba ayoko ng ferero eh.. mas masarap ang choc-nut
ay na'ko poli. Walang kwenta yang valentine's na yan pag single ka. Hahaha. Like Me. O well, anjan naman ang mga kaibigan eh.
Anyways, na'koo.. Ferrero kamo??? Haha. Nagkalat dito sa Canada ang Ferrero na yan. Hahaha. Na'kooo. magsawa kayong lahat. (ako nga nagsasawa na eh.. ) Pero mas okay parin ang curly tops, flat tops, at choc-nut para saken. Syempre kasi bihira ko na un nakakain dahil bihira kaming makabili ng mga philippine products dito.
Pero okay naman. Once in a while eh nakakakain paren.
Haha. MGa Motel. tsk tsk tsk. Tyak maraming magkasintahan ang magchcheck in ngayon valentine's. Hahaha.
parang di ko yata kayang paabutin sa kisame?! Hahaha!
LOL!
Happy balentyms poli! alam ko nman masaya ang balentyms mo eh..hehe
iwasan mo ang motel...haha
ahahaha. masasabi ko lang.. hindi lahat ng motel eh soundproof ang mga dingding. ehe =3
masarap ang ferrero! kahit hindi balentayms at single ang isang tao! *bitter* ehe :D
tangina, maling type pa ng name ko.. paula yan. hindi palula. XD lol
Aba, maawa naman kayo sa mga maglalaba ng mga punda ng unan at sapin sa kama.
-talagang naawa ka sa kanila?wala din naman silang silbi kung indi sila maglilinis..kaya hala.!dumihan ang punda at mga unan ngayun 14!!!lols
haha! nasa mga punda ang ebidensya..yaan mo na sila maglinis..trabaho nila yun eh ang importante mag enjoy kayo at masulit ang ibinayad nyo..sandalian lang naman yung pagstay.
ayos toh ah, haha. ^_^ pati kisame?
huwaw! tsk tsk , naknangtokwa oh, kelangan pala ferrero bilhin ko para kay kumander..
pero mas trip ko yung syrup, paturo kung paano gagamitin yun? napapaisip ako eh. haha. ^_^
about sa motel at condoms. wala akong kaalam alam dun eh, so di ako makarelate. hayaan mo at pag malaki na ko, baka makarelate pa ko.
masarap kasi ang ferrero eh. kaya nung nakita ko picture na nilagay mo naglaway ako bigla. hahaha.
Sorry di na natuloy yung pagpunta namin ni Icheal diyan Poli. Bigla kaming ginulat ng acads. ;__;
I plan on spending Valentine's Day reading books. Nyaahahahahah
ma-traffic tuwing v-day. hay. buti bumalik ka. pero hanggang v-day ang putukan no? na kapag may butas ang condom, lulubo.
^_^ hahaha! natawa naman ako dun sa "Ferrero!"
ahahahah!
weeeee!!!
mas masarap ang barnuts! fufufu!!
pati p b sa kisame???
huwaaaT!
mas masaya na lang ma2log pag valentine!
para makabawi sa puyutan noong exams!!!
hayyyyyyyyyyyyyyy
funny ... but all true! :D
kisame? gaano kataas na kisame? it depends ;P
hahaha... bakit pati kisame?! Scary movie?!
valentine is just an ordinary day, it just happen that it was on February 14 hehehe
Wag na rin kalimutan, ang bulaklak sa Dangwa na parang 10 kilo ng shabu ang presyo...kapartner ng Ferrero Rocher.
dumating at dumaan ang balengtayms.... hindi man lang ako kinalabit. hehe :)
Hahaha! Ganun pala pagka-pronounce ng "Rocher" sa Ferrero Rocher? Hindi ko alam!!! = P
Ako din, di ko kaya paabutin sa kisame. Nyahaha! = D
single awareness day. lol
Nakakatakot naman yung sa kisame.
Siguro ung syo umaabot ng kisame no?
haha
Tado ka Allan! Tawa ako nang tawa! Malibog ka talaga.
-bitch3
I really don't get the love Ferrero chocolates get. Masarap naman siya, pero ewan. Mas gusto ko pa yung mga chocolate soccer balls sa mga sari-sari stores eh, murang-mura pa.
Nakakatawa ang post na itetch.
nakakatuwa. tama ka dude. bakit kaya yung chocolate nayun ang madlas ibigay?? hehhee
bakit kailangn ng maglilinis ng kisame pagkatapos gamitin ung kwarto? naguguluhan ako. chaka masarap ferrerro rocherr sino nagsabing hinde? kung tigmamiso lang yan pinutakte ko na yan kaso ang mahal eh
gragihan 2!!! sbrang laf3p kmi ng bastfriend ko!!! aius n aius..pnagkaiba nio lang ni bob ong hnd xa ngmumura sa mga post nia...hahaha...pro stig! sbrang nkakatawa...apir apir!
masaya yun mga advice mo ha! pero mas masarap ang toblerone pag kinakain.;) Invite ko lang po kayo sa bagong website ng Toblerone Pilipinas. http://www.toblerone.com.ph Spread the Sweetness po! :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home