Saturday, November 17, 2007

Mukhang Manyak

Sa dalawa't kalahating taon kong pag-aaral sa Maynila, isang bagay ang aking napagtanto.

Mukha akong manyak.

Tuwing dumadaan ako sa Isetann-Recto (papuntang LRT-2) kapag uwian, lagi na lang akong naaalok ng mga promoters ng Apollo Angels, isang "patay-sindi" katabi ng Isetann, na pumasok ako sa loob. Paminsan-minsan naman, e ang Exotic Amazonas naman ang nakaka-tiyempo sakin. Bukod diyan, e madalas rin akong maabutan ng mga flyers para sa mga "patay-sinding" na nag-o-offer ng serbisyo kung saan pwede mong sabunin ang mga babae habang gumigiling sila hawak ang mga poste.

Nung una ay natatawa lang ako. Iniisip ko na lahat naman ng mga lalaking dumadaan doon ay nakokorner at naaabutan din ng mga flyers. Kaya naman nang tiyempong naalok na naman ako, e lumayo ako at pinanuod ko si kuya kung manghaharang at mag-aalok din siya sa iba. Anak ng....ang tagal ko ng nanunuod pero wala siyang nilalapitang iba.

Tae, mukha ba talaga akong hayok sa laman? Hindi naman tumutulo ang laway ko kapag napapadaan ako sa tapat ng Apollo Angels. Sa katunayan nga, e ayokong tumingin sa mga pictures ng mga babae sa parang bulletin board nila dahil siguradong hahagalpak ako sa katatawa. Hindi rin naman ako nagkakamot ng yagbols at hindi rin naman ako kumakambyo (primera, segunda, tercera o reverse?)--bad kasi yun. Bwahaha!

Bukod sa mga "patay-sindi," e may nag-aalok rin sa akin ng mga live show o toro.
Kuya: Psst, boss! Live show, live show.
Ako: (Dire-diretso lang sa paglalakad
Kuya: Sige na, libreng silip!
Ako: (Titigil sa paglalakad) Ay, oo nga pala! Sabi nga pala ng prof ko namin e kailangan naming gumawa ng documentary tungkol sa mga live show. Pag-aaralan po kasi namin ang mga sex positions bagay na isinasakripisyo ng mga torero't torera para kumita lang ng pera.

Siyempre biro lang yung sagot ko na yun. Ang totoo niyan e, binibilisan ko na lang ang lakad ko.

Isa rin akong malaking target sa Hidalgo Street sa Quiapo (Isang haven para sa mga mahilig sa mga pirated na DVDs lalo na kung mahilig ka sa anime. P35 lang ang isang DVD. Nakakita na nga ako ng Maskman na tagalog dubbed pero ang labo e. Punta kayo dun. Oo, pina-plug ko ang Hidalgo).

Kanina lang, e pumunta ako doon para bumili ng anime movies gaya ng Perfect Blue (na out of stock) Grave of the Fireflies, Spirited Away, Princess Mononoke at Millenium Actress. Basta mga pelikula nina Satoshi Kon at Hayao Miyazaki. Siyempre, ang mga kuyang "fixers" sa labas, hala, lapitan sila sa akin--para silang nakakita ng artista.
Kuya: X? Hentai?
Ako: ...
Kuya: Ano ba gusto mo? Barely Legal? Scandal? Orgy? Man to man? Mga hayop?
Ako: (nagulat) Mga hayop? Nagbebenta na rin kayo? (tatawa)
Kuya: Oo! Gusto mo?
Ako: Hindi ayoko. Nakakadiri.
Kuya: Ano ba kasi hanap mo?
Ako: Meron ba kayong Dora the Explorer Gone Wild at Deep Throat Dora?

Muli, sana kaya kong sabihin kay kuya yan. Hehe! Pero hindi. Kapag ganyan ang nangayayari, e puro supot na palusot ang mga binibigay ko. Kesyo tapos na akong bumili, na hindi naman talaga ako bibili at ang pinaka-classic sa lahat--wala akong pera.

Kailangan ko na lang siguro tanggapin na mukha talaga akong manyak kahit anung mangyari at mananatili akong ganito hanggang matutong manahimik ang mga pusa kapag nagtatalik.

Pero basta kapag nakakita kayo ng mga Dora na sinasabi ko, ipaalam niyo agad sa akin ha?

25 Comments:

Blogger the_fallen said...

nung una naman kitang makita nung 1st year e di ko naman inisip na manyak ka. baka sadyang lumalapit lang talaga sa'yo ang mga makamundong pagnanasa.. hehe.

taena Dora the Explorer Gone Wild at Deep Throat Dora. hmm.. mainit! XD

November 18, 2007 at 1:38:00 AM GMT+8  
Anonymous Molly said...

Gusto ko ng Strawberry Shortcake... ORGY.

Ba't ako hindi iooferan ng man to man!! Eh ako tong naghahanap eh!

November 18, 2007 at 8:05:00 AM GMT+8  
Blogger redlan said...

dorabox hehehe. lakas ng sex appeal mo kasi at mukhang maraming datung kaya lapitan ka ng mga bugaw. lol. joke!

November 18, 2007 at 8:34:00 PM GMT+8  
Blogger joice said...

haha, ayus ah. di kaya ginogoyo ka lang ng mga "kuya" na nag-aalok sa yO? at ang totoo pala eh sila ang may gusto manyakin ka?! :D

pati si dora... hahahaha...

November 18, 2007 at 9:12:00 PM GMT+8  
Blogger KC said...

Hindi ka naman siguro mukhang manyak...baka talagang "bugaw" magnet ka lang Poli. Haha!

..tapos nga oh, isang araw bigla kang abutan ng Dora the Explorer Gone Wild at Deep Throat Dora. :D

November 18, 2007 at 9:15:00 PM GMT+8  
Anonymous Szusza said...

I bet the kuya who approached you will never stop in his quest to find your Dora x-rated films.

Just you wait, my young padowan. xD

November 18, 2007 at 10:55:00 PM GMT+8  
Anonymous gasti said...

haha! dati pag pumupunta rin akos a Quiapo para bumili ng mga dvd kasama kapatid ko..nagulat na lang ako ng bigla sya hilain nung fixer sa bodega na puno ng triple x movies...taena! tawa ako ng tawa nun...masyado sila aggressive.

sa mga patay sindi naman bihira ako mapadaan saka hindi rin ako lumilingon para iwas pusoy kasi karamihan sa kanila eh mukhang bading.

November 19, 2007 at 9:27:00 AM GMT+8  
Anonymous sharif_mardan said...

tsk tsk tsk, kamusta naman yung iniisp mong Dora the Explorer Gone Wild? Haha. @_@

ang lakwatserang negra eh magiging negrang pariwara na, tsk tsk tsk..

i can't believe it, haha. @_@ tapos pati yung casting nila na sila boots, benny, map, and troll eh join dun? wahaha. amsagwa..


pero exotic un panigurado! haha. ^_^

ayos lang yan, di bale ng mukhang manyak, wag lang manyak. haha. ^_^ (pede na ba yun?)

November 19, 2007 at 11:31:00 AM GMT+8  
Blogger pusa said...

hahaha so mukha ka palang manyak! hmmm di nga? mukha lang? LOL biruin mo naisip mo pa un Dora the Explorer Gone Wild?

anyways promote mo yun blog mo for the lafftrip! sana tuloy2 na maayos yang pc mo!

November 19, 2007 at 12:55:00 PM GMT+8  
Anonymous gyk said...

mukha ka palang manyak. takot pa naman ako sa mga mukhang manyak..

hehehehe

November 19, 2007 at 6:21:00 PM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

ndi k nmn mukang manyak.. then again, hindi pa pla kita nkikita! lol

November 19, 2007 at 10:38:00 PM GMT+8  
Blogger zerovoltage said...

ha ha meron din ako similar experience na kaka-relate ako sobra, napaka sigasig talaga yung mga kuyang naglalako at naghahanp ng customer. kahit umayaw ka e parang mga langaw na sunod ng sunod, nakakahiya tuloy.

November 20, 2007 at 3:42:00 AM GMT+8  
Blogger k said...

alam ko merong "threesomes with dora and her monkey" hehe

November 20, 2007 at 10:54:00 AM GMT+8  
Anonymous paolo@khoops said...

gago ka!

mula 2nd paragraph hindi nako tumigil sa kakatawa!

November 20, 2007 at 10:55:00 AM GMT+8  
Blogger Paula said...

yun lang.

oi kapag meron ka nang dora gone wild sabihin mo rin sa akin! pahiram! XDD

November 20, 2007 at 10:48:00 PM GMT+8  
Blogger Abad said...

Boss salamat po sa pag-plug niyo sa dibidis namin, Inporm ko po kayo kung may Dora na, sino po ba yun?

-DVD vendor sa Hidalgo

Haha, funny blog! I'll link you.

November 21, 2007 at 8:00:00 PM GMT+8  
Blogger amicus said...

san ba yang mga lugar na yang pinupuntahan mo? (at matambayan) haha :) wala paring kupas! more power!

November 22, 2007 at 9:06:00 PM GMT+8  
Blogger trixie said...

hahahahahah :P
gago ka, Dora the Explorer Gone Wild at Deep Throat Dora

manyaaaaaak

November 23, 2007 at 9:10:00 AM GMT+8  
Anonymous caranijuan said...

kaya pala ang tagal mong nawala dahil kung saan-saan ka naglalakwatsa.

mas bagay yatang title sa'yo ay poli the explorer.

November 23, 2007 at 6:50:00 PM GMT+8  
Anonymous padre salvi said...

dora the explorer ba? haha.

[naging instant porn director]pad

November 24, 2007 at 2:39:00 PM GMT+8  
Blogger july said...

wow. picture lol

November 25, 2007 at 6:59:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Bakit hindi ka pumasok sa Exotic Amazonas?

Andon ako sa loob. Hinihintay kita.




Lover

November 25, 2007 at 8:10:00 PM GMT+8  
Blogger Jake The Miserable said...

Ayuuuu. So hindi lang pala ako ang mukhang manyak e. :D

Classic trip to Quiapo talaga 'yan. Daming akong memories diyan. Mula sa paghahanap ng Holy Grail ng mga anime at old-school shows, hanggang sa paghatid-sundo sa ex ko dati.

Nasubukan ko na ring tumingin du'n sa may mga bar du'n sa Isettan. Nasuka muna ako bago natawa. =))

Pare minsan masaya magkaroon ng pagmumukhang manyak. Take it from me. Gyahahaha.

November 27, 2007 at 4:06:00 AM GMT+8  
Anonymous utakgago said...

Sabi naman nila, mukha DAW akong malinis. Pero mga 24 years old na ang itsura ko. :P Kaya pwede nang pumasok sa mga bar-bar..

Hindi pa ako naaalok ng ganyan. Naalok lang ako minsan ng 2500 pesos. Indecent proposal.

Haha kumain ka sa foodcourt ng Farmer's Plaza - malay mo yumaman ka!

November 28, 2007 at 10:45:00 AM GMT+8  
Anonymous chillidobo said...

yang mga CD sa hidalgo at quiapo eh pang-kapus-palad. As in kinapos na ang palad sa tindi ng pagka-adik. hehe. ingat ka parekoy, baka hindi tao yang mga nasa Apollo haha.

November 28, 2007 at 1:53:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home