Thursday, February 7, 2008

Lugaw

Walang kinalaman ang title sa mismong blog entry. Paglalarawan lang 'yan ng kasalukuyang estado ng utak ko.

Lugaw. Malabnaw. Masabaw.

Ayoko nang gumawa ng mga bagay na ginagamitan ng utak!

Gagawa sana ako ng Valentine's Day entry pero bukas sa Linggo na lang! Hehe! Sana lang hindi ko malimutan 'yung mga bagay na iba-blog ko tungkol dun.


Pakwan

Huwag kumain ng pakwan pagkagising sa umaga lalo na't walang laman ang tiyan mo. Kungdi e magagaya ka sa akin ngayon--nagtatae.

Tanginang pakwan 'yan. Habang ginagawa ko 'tong blog entry na 'to e nakadalawang sugod ako sa banyo.

Takte, parang may sumapak sa sikmura ko ngayon.


Arrhneow!

Kahapon, nagpunta kami ng aking dalawang thesis mates sa Ateneo para mag-research. Wala lang, trip lang naming mag-research sa ibang school. Dapat sana sa U.P. kami pupunta kaya lang hindi pwede mag-research ang mga undergraduates galing sa ibang schools.

Ang lupit naman nila sa mga mabababang nilalang na katulad namin. Hehe!

Pagpasok namin sa loob, nagpasalamat ako sa Diyos dahil isang makapal na bimpo ang dinala ko imbes na panyo. Paano ba naman, hangin pa lang sa loob ng campus nila, parang duduguin na ang ilong ko.

Hindi siguro ako sanay sa malinis na hangin. Sa amin kasi sa UST, normal na ang paghinga ng utot ng bus, jeep at kung anu-ano pang mga sasakyan.

Carbon Monoxide is the new Oxygen.

Siguro may invisible air-purifier at infinite air-freshener ang campus ng Ateneo kaya ganun kalinis ang hangin nila. Kasali kaya yun sa mga miscellaneous fees nila?

Pagpasok namin sa Rizal Library, pinapunta muna kami ng guard sa isang computer terminal para mag-register. Laking gulat ko na bukod sa mga basic information, e kailangan ring kumuha ng litrato gamit ang isang webcam. Nag-panic ako...

Ngingiti ba ako?

Gagawin ko ba yung tipikal na "camwhoring" pose?

Didila?

Emo?

Peace sign kaya?

Mugshot?

Sa huli, wala rin akong kinahinatnan kungdi ang tumungo.

Tae ang corny.

***

Pagkatapos mag-research at magpa-photocopy ng mga materials, lumabas na kami at nagsimulang maglibot-libot. Dumaan kami sa isang cafeteria (?) kung saan 'sang tambak na Atenista ang kumakain.

Nakakatakot, kapag narinig mo silang sabay-sabay na nagsasalita. Parang kahit anong sandali e bubusarga ng dugo ang ilong mo! Dapat siguro sa susunod na punta ko sa Ateneo, e dumaan muna ako sa Red Cross o sa kahit na saang blood bank.

Habang naglilibot-libot kami, hindi ko maiwasang isipin na ang unfair talaga ng mundo. BAKIT LAHAT NG TAO SA ATENEO E MAGANDA'T GWAPO?! Kung gusto niyong maramdaman na kayo ang pinaka-pangit na nilalang sa balat ng lupa, Ateneo is the place to be! Hehehe!

Sa pagtingin-tingin ko, e naisip kong tatlong klase ang mga hitsura ng mga Atenista:
  • Magaganda't gwapo
  • Chinito't chinita
  • Mukhang mayaman
***

Pero joking aside, nagandahan talaga ako sa Ateneo. Kung may pera lang kami, siguro 'dun ko gugustuhing mag-aral! Hehe!

15 Comments:

Blogger The Rain Sprite said...

balak din naming pumunta nina arvee at richmond sa arneyow. =3 hindi ako takot na maramdaman na ako ang pinakapangit na nilalang sa earth kapag nandon na ako! hehe =3

February 8, 2008 at 8:26:00 PM GMT+8  
Blogger JoiceyTwenty said...

haha adik ka talaga poli.. mabuti naman naisipan mong galawin ang kurtina. hindi ako naniniwalang lahat ng tao sa ateneo eh magaganda't gwapo/mukhang mayaman.

dun kase naggraduate yung kapitbahay namin.

February 8, 2008 at 9:10:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Kung sa UP ka man napapadpad, makakakita ka ng mga magaganda't gwapo sa CMC, AIT, Econ, at CBA. Haha!

- Ruther

February 8, 2008 at 9:24:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

totoo ang sinabi ni ruther, pag napunta ka ng UP sa may CMC, college ko, kaw magpunta.. daming magaganda! hehe.. Sa CBA din, yun ang "little ateneo" ng UP kasi mayayaman at mahihitsura ang mga tao!

February 9, 2008 at 8:37:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

haay. as usual, napatawa mo ko poli. :D

February 9, 2008 at 1:22:00 PM GMT+8  
Blogger RedLan said...

wow, may bagong post. buti naman at nagkaroon ka ng time mag-update. as usual napatawa mo ako.

naranasan ko rin ang sitwasyon mo dahil sa pagkain ng pakwan. kaya hindi ko na siya paborito ngayon.

kung gusto nila matawa sa mga posts ng gwapo, it's the place to be.

February 9, 2008 at 4:42:00 PM GMT+8  
Blogger RedLan said...

*this is the place to be*

February 9, 2008 at 4:46:00 PM GMT+8  
Blogger The Gasoline Dude™ said...

Ayus! Fellow Thomasian! Marami din namang magaganda't gwapo sa USTe ah! Well come to think of it, depende din pala sa college... = P

February 9, 2008 at 5:24:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Arneyow.

February 9, 2008 at 5:48:00 PM GMT+8  
Blogger Trixielle said...

nakakatuwa ka talaga poli!!!!
natutuwa ako sa post mo, dapat sayo nag blo-blog araw araw eh, para sumaya buhay ko haahaha

February 9, 2008 at 9:21:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

lagot ka bob-ong... here comes gagopolis!!! haha...LOL!

February 9, 2008 at 11:21:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hay na'ko laking salamat ko nung nakita kong may blog post ka nang bago! hahaha.. as usual, astig nanaman ang pagkapost mo. Hahaha.. Nakakaiinggit mga may itsura noh?? Kainis. Hahaha. May kakilala akong atenista dito, matalino at gwapo(at mayaman daw ang sabi sabi dito) rin. Haha. Kaya hindi ka nagkakamali sa sinabi mong may istura ang mga estudyante ng ateneo. Kainis! Hahaha.

February 10, 2008 at 11:08:00 AM GMT+8  
Blogger zerovoltage said...

ako naman raisins(pasas) nag kryponite. minsan kumain ako ng madami, talagang diretso ako sa banyo ...

February 13, 2008 at 10:06:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Hanu ka, ruther? Sa CHE marami ring magaganda...lang! hehehe.

bakit nga ba mga tao sa arrneow, kabuhayan package na? unfair nga! Si baby boy sa Arneow nio pag-aralin!;p

-mafi

February 16, 2008 at 4:43:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

sabi ko n nga b idol mu c bob ong eh..hala ka mgiging fav nrin kta...tsk...sna post ka atraw araw..hahaha..hnd lhat sa "arneyow" eh ng eenglish..mnsan nauubusan din cla...hahaha..apir!

July 14, 2008 at 2:25:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home