Sunday, March 2, 2008

Chew-ngawa

Kapag nagpa-survey ka kung saan madalas idinidikit ng mga tao ang kanilang mga pinagsawaang chewing gum (chew-ngawa for short), siguradong ang pinakasikat na sagot ay walang iba kungdi:

"Sa ilalim ng lamesa o desk."

Napakadaling idura sa basurahan ng chewing gum pero bakit ang iba sa atin e mas pipiliin pang idikit ito sa ilalim ng lamesa o sa ilalim ng mga desk sa mga classrooms? Siguro, ang iba sa atin ay nakakaramdam ng sense of accomplishment at satisfaction tuwing idinidikit nila ang mga nginata at pinaglawayan nilang mga chewing gum.

Para sa mga taong ito, ang pagdidikit ng chewing gum ay ang kanilang paraan para mag-iwan ng marka; para ipangalandakan sa ibang tao na "I was here!" Kung tutuusin, ang pagdidikit ng chewing gum sa ilalim ng mga lamesa ay maihahambing sa pagsusulat ng mga vandalisms gaya ng:
  • "Poli was here!"
  • "Emo is love!"
  • "My life is miserable, kill me now!"
  • "Kupal si Prof. (insert name of your favorite professor)"
  • "Laro tayo! 0917XXXXXXXX, text me. Preferably mga taga-Mandaluyong area."
Kung sa bagay, bad manners nga namang maituturing kapag sa ibabaw ng lamesa mo idinikit ang chew-ngawa mo.

***

Heto ang ilan sa mga patunay na chew-ngawa haven ang ilalim ng mga lamesa:



Kinunan sa Social Sciences section ng UST Central Lib

Whanepshet! Parang mga chewing gum pa ito nina Jose Rizal sa sobrang itim!

1879, University of Santo Tomas...

Jose Rizal
: Hindi ko na kaya pang tiisin ang taliwas na pamamalakad ng mga prayleng Dominikano! Nagpupursigi naman akong mag-aral ng medisina, subalit bakit mabababa ang aking mga marka? Por que ba ako ay isang indio?

Iniluwa ni Jose ang nginunguyang Judge chewing gum at hinawakan ito...

Jose Rizal: Pakshet kayong mga Dominikano! Etong sa inyo! (sabay dikit ng chew-ngawa sa ilalim ng lamesa).

Jose Rizal:
Ang chewing gum na iyan ay tigib ng aking na laway. Aking laway na puno ng pait at suklam sa mga mapang-abusong prayleng Dominikano!



Kinunan sa Social Sciences section ng UST Central Lib

Halaw mula sa isang sikat na commercial ng gatas...

Bata:
Look ma! It's the Big Dipper!

Nanay:
That's right anak! And look over there o, it's Orion (Ohr-yon).

Bata:
Tanga! It's Oh-ra-yohn! Di kasi nagni-Nido!

***

Pero kung gusto mo talagang magkaroon ng sense of accomplishment at satisfaction, bakit hindi mo idikit ang iyong chew-ngawa sa buhok ng mortal mong kaaway?

Naalala ko tuloy nung Nursery pa ako. Pumasok ako na uka-uka ang buhok dahil may kupal na nagbato ng chewing gum sa buhok ko. Putangina, Bazooka pa yata yun.

ung maswerte ka sa nanay, bubuhusan niya yan ng langis ng niyog at saka pagtitiyagaang tanggalin. Pero kung naging nanay mo ang nanay ko, hindi na siya magpapakahirap. Kukuha na lang 'yan gunting at saka gugupitin ang buhok mo na nalagyan ng chewing gum! Kesehodang magmukha kang na-murder ng barbero!

***

Ang tagal ko ng hindi nakakakain ng chewing-gum kaya bibili ako ng Bazooka. Pagkatapos kong nguyain 'to e rorolyohin ko ito at gagawin kong singsing! Magbibilog pa ako ng isang maliit na parte ng chewing gum na magsisilbing bato sa gitna!

Ireregalo ko 'yun sa nanay ko. Kung ayaw naman niya, ididikit ko na lang sa ilalim ng lamesa namin. Ang problema lang, gawa sa salamin ang lamesa namin.

28 Comments:

Blogger RedLan said...

nabuhay ka na naman. tapos na siguro ang finals. kewl na kewl dahil may bago kang post. ito ako enjoy na enjoy.

ibang klaseng post na naman. naalala ko noong high school, ilang beses na nafokitan ng chewing gum ang pantalon ko. sa silya kasi nila idinikit ito. huhuhu.

March 2, 2008 at 3:23:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

sosyal! may chewing gum na pala sa panahon ni rizal.. hahahaha!!! naku, badtrip nga yung mga chewing gum na nakadikit sa ilalim ng desk, one time, nadikit ko ang kamay ko sa ilalim ng desk.. ayun! may bagong dikit na chewing gum dun, dumikit tuloy sa kamay ko.. kaasar!

March 2, 2008 at 6:36:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

haha adik ka talaga.. kawawa naman si rizal walang kaalam alam na sya pala ang primary suspect sa mga chew-ngawang yan! haha

nako naman, lagot ka sa nanay mo! haha

March 2, 2008 at 7:21:00 PM GMT+8  
Blogger The Gasoline Dude™ said...

Di ba ang KULANGOT sa ilalim din ng mesa dinidikit? Ewww... Nyahahaha! = D

March 2, 2008 at 10:15:00 PM GMT+8  
Blogger Jigs said...

kadiri naman! nangyari na ba sayo na nakahawak ka ng sariwang chew-ngawa? Ewwwww! nangyari na to sa kaibigan ko. mainit-init pa daw yung chewing gum. kadiri talaga!

Minsan palang ako nadikitan ng gum sa buhok. At di ko na maalala kung bakit.

March 3, 2008 at 2:27:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

astig na batang nido. kinorek pa ang pronunciation ng orion (ow-ra-yon). hehehe.

sa ust na pala natutunan ni rizal ang pagdikit ng chewing gum under the table. salamat sa info na wala sa mga libro ni gregoria zaide at iba pang pinoy historians.

grade 1 ako nung nilagyan ko ng bebelgum ang buhok ng akong girl-seatmate. tinesting ko lang naman kung didikit. pero dahil dumikit nga, ayun at dun ko napatunayan na bawal pagtripan ang anak ng vice-principal. n_n

March 3, 2008 at 7:55:00 AM GMT+8  
Blogger FerBert said...

madalas akong makaapak ng bebelgam mula pa nung paslit pa ako hanggang ngayon na tinubuan na ako ng buhok sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ginagawa ko din pamabato yang bebegam na yan sa mga kaaway ko. Napakadugyot kong bata.. hehehe

March 3, 2008 at 10:57:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

madami rin nagkalat na ganyan sa iskul ko..hehe! madami ring pasaway run eh. madalas kasi sawayin ng prof na bawal ngumuya ng babolgam habang nasa klase..lunukin daw. ano bale? anong ginagawa ng lamesa? :D

March 3, 2008 at 12:15:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ano ba yan? sira na talaga mundo natin, wala ng manners...

March 3, 2008 at 2:17:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

at ginawan mo nga ng blog eto!

@#!%#! mga bubblegum yan. kadiri.ewww.

oks naman blog mo! d best! yihee!haha!

March 4, 2008 at 11:00:00 AM GMT+8  
Blogger PoPoY said...

tekamots, na bubble gum na yan.. mahilig akong kumapa sa ilalim ng mga mesa dati, nahawakan ko yan basa basa pa mukhang kakadikit lang ng tarantadong kaklase ko.. hehehe... baki ba sa ilalim dinidikit pede naman sa ibabaw di ba?? hehehe

March 4, 2008 at 2:48:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

adik ka poli! x___X

kadiri!

(sa buhok? hahahaha! ahahahahah!) >o<

March 5, 2008 at 4:02:00 PM GMT+8  
Blogger The Rain Sprite said...

pakshet. yan pala itsura sa ilalim ng tables sa lib. XD

March 5, 2008 at 4:27:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

POLI!!! What's this?! 0.0

kadardar nmn ang table sa soc sci.. san banda un (yak!! prang may balak pa qng tingnan HAHA)

uhm,, ang masa2bi q lng.. sna idikit na lng nla sa srili nlang mga buhok ang mga "chew-ngawa" nla!

March 5, 2008 at 10:43:00 PM GMT+8  
Blogger lethalverses said...

uhmm mas cool yata kung sa buhok ng kaklase mong nagfi-feeling ilagay.

yung kunwari nasagi mo lang ang buhok nya, or may tinanggal kang garapata...

hehe gaas ang hahanapin nun paguwi :D

March 7, 2008 at 12:03:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

OHMYgulayness natawa talaga ako! pero totoo nga yan, nakakabwiset pag nahawakan mo. Tapos mandidiri sila sayo for 5minutes.

March 7, 2008 at 10:40:00 AM GMT+8  
Blogger KC said...

Takte, si Rizal pala ang pasimuno ng pagdidikit ng chew-ngawa sa ilalim ng table. Dapat tuklapin yan ng mga taga-Central Lib tapos i-display sa museo.

Tingnan mo rin baka may nakalagay sa kabilang table na "Pepe lab Leonor".

March 8, 2008 at 2:04:00 PM GMT+8  
Blogger Lyzius said...

di ko rin maintindihan ang logic bakit ganun... ako pa naman ang taong napakahilig humawak sa ilalim ng desk o ilalim ng upuan ng bus, jip o kung ano pa mang ilalim..kahit na ilang beses akong na disgrasya sa chew-ngawa na yan!
sabagay, salarin rin naman ako minsan...karma karma lang yan!

March 8, 2008 at 8:18:00 PM GMT+8  
Blogger mikel said...

nakakadiri! hahaha. :D
-mahilig pa naman ako mangapa ng ilalim ng mesa. nyeta! hindi ko na uli susubukan, baka kung ano pa ang mahawakan ko...

March 11, 2008 at 7:55:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hindi ko na inaattempt na tumingin pa sa ilalim ng mga tables. nakakadiri.

March 13, 2008 at 11:56:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

yakadiri pala ang mga ilalim ng mesa. at salamat dahil may nalaman na naman akong kakaibang term sa mga iyan. chew-ngawa pala hehehe.

March 17, 2008 at 2:09:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

at binuhay si rizal sa konteksto ng bubblegum...hehehe

nakakatuwa ang post na ito...

mapapaisip ka talaga..

hahaha

got your url from greenpinoy.hehe

March 17, 2008 at 7:38:00 PM GMT+8  
Blogger kim said...

haha baka si hagedorn nagdikit nyan poli!

dati ung kapatid ko ginupitan ko ng buhok kc dinuraan ko xa ng bazooka hbang nsa hagdan ako hehe

March 22, 2008 at 10:18:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

I remembered the incident (well,more of an accident) when I accidentally (see?) stuck a chewngawa on Cherrie Manosca's shiny,ever-glossy hair!!! Hahahha! TOdo deny pa ako nun... I remembered a thing that I said...Ano nangyari sa buhok mo? Bakit dikit-dikit...wink wink LoL!!!!

March 24, 2008 at 2:22:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ampanget naman ng itsura ng mga gum! yuck. Hahaha.. kaya ako, pag naupo sa desk, di nalang ako hahawak sa ilalim.. baka kung ano pang gum ung dumikit sa kamay ko. Hahaha. There was this one time nga eh.. haha saktong sakto. tsk tsk tsk. kadiri. Hahaha.

Pero to be honest, NEVER akong naglagay ng chewing gum sa ilalim ng kahit anong lamesa o desk. Kahit halungkatin mo pa ung utak ko wala kang makikitang memorya na naglagay ako ng gum sa ilalim. good girl ako eh. ;) Hehehe.. syempers.

Ingatz lagi!

March 26, 2008 at 8:06:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Nakakainis! Benta pa rin sa'kin hanggang ngayon `yung "emo is love"!


-bitch3

June 22, 2008 at 8:45:00 PM GMT+8  
Anonymous GeoArticleDude said...

How did that last comment get through moderation?
Australian article directory

July 26, 2009 at 8:39:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

nagiging hobby ko na ang pagbbsa ng blogs dahil sa syo..nakakatawa..nakakadik!hehe..

saludo!

February 4, 2011 at 2:47:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home