Makipag-chat kay Rosa Macamay
Kapag nakakita ang Pinoy ng isang computer na may internet connection, hindi pupuwedeng hindi siya mag-log in sa YM at makipag-chat kahit ang taong gusto niyang kausapin ay nasa tabi lang niya. Wala lang. Masabi lang na nakikipag-chat siya.
Alam kong guilty kayo. 'Di bale, pare-parehas lang tayo. Hehe.
Talaga namang bahagi na ng ating kultura ang pakikipag-chat (gawa-gawa ko lang 'to). Kahit sino marunong nang mag-chat. Magugulat ka na lang na mas marami pang online friends kaysa sa'yo ang katulong o yaya mo. Magugulat ka na lang na isang araw, makikipag-EB ang nanay mo sa food court ng SM Megamall--malapit sa skating rink.
Pero kung may isang aspeto ng ating buhay ang naapektuhan ng lubusan ng internet chatting, ito ay angsex pag-ibig.
Yihee!
Isipin mo na lang kung gaano karaming kalalakihan na laging basted sa totoong buhay ang nagkaroon ng sandamakmak na online girlfriends gaya nina "hORnyBiTCh" at "sWeeT_titZ."
Isipin mo na lang kung gaano karaming sawi sa pag-ibig ng napaligaya ng simpleng "Poli, 19, M, Pasig" at "Yolanda, 52, F, Garden of Eden."
At higit sa lahat, isipin mo na lang kung gaano karaming Pinoy at Pinay ang naiahon ang sariling mga pamilya sa kahirapan pagkatapos makapangasawa ng isang matandang foreigndyer.
Talagang napaka-tempting. Kaya ang iba ay gagawin ang lahat para lang maka-attract lang ng mabibiktima. Andyan ang pagpapakita ng katawan at ang maseselang bahagi nito (siyempre hindi kasama ang mukha...mahirap na), ang paggamit ng mga malalaswa at pamatay na username at ang paggamit ng profile pic ng bestfriend mo na ninakaw mo pa sa friendster account niya.
Talagang na-inspire ako sa mga tao at pangyayaring ito kaya nuong pinagawa kami ni Sir Eros Atalia ng tugmaan (para siyang tula pero hindi tula, na kailangang nagtataglay ng rhyme scheme at pantay na dami ng syllables) para sa klase namin sa Retorika, ay ito ang aking napiling paksa.
Iniaalay ko ang tugmaang ito para sa lahat ng mga chatters ng na walang ibang hinangad kungdi ang maghilom ang kanilang mga pusong sugatan at sa mga chatters na gustong lang namang magkaroon ng mas maginhawang buhay. Hehe.
Rosa Macamay
Pumasok sa YM para mag-chat,
Maghahanap lang ng masisipat.
Tanging kailangan ng pusong wasak,
Ngalan at ASL na tunay na swak.
Pinili ko si "Rosa Macamay,"
Mukhang sa kama'y napakahalay
Ako'y bumanat nang walang tangan,
Totoy Mola ang aking pangalan.
Agad lumandi si Rosang kanti,
Kanya raw ipapakita, yaong mani.
Teka lang, sandali. Parang ang bilis,
Ika’y hindi pa nakikitang bihis.
Siya’y nagpadala ng kanyang litrato
Ako nama’y naghintay na parang aso.
Nang aking nakita yaong hitsura,
Putaragis ‘yan, ako’y napamura.
Ang buong akala’y, bebot si Rosa,
Ayun pala ay mukha siyang kakosa.
Ang monitor tinakpan ko ng kumot,
Baka sa pagtulog ako’y mabangungot.
Alam kong guilty kayo. 'Di bale, pare-parehas lang tayo. Hehe.
Talaga namang bahagi na ng ating kultura ang pakikipag-chat (gawa-gawa ko lang 'to). Kahit sino marunong nang mag-chat. Magugulat ka na lang na mas marami pang online friends kaysa sa'yo ang katulong o yaya mo. Magugulat ka na lang na isang araw, makikipag-EB ang nanay mo sa food court ng SM Megamall--malapit sa skating rink.
Pero kung may isang aspeto ng ating buhay ang naapektuhan ng lubusan ng internet chatting, ito ay ang
Yihee!
Isipin mo na lang kung gaano karaming kalalakihan na laging basted sa totoong buhay ang nagkaroon ng sandamakmak na online girlfriends gaya nina "hORnyBiTCh" at "sWeeT_titZ."
Isipin mo na lang kung gaano karaming sawi sa pag-ibig ng napaligaya ng simpleng "Poli, 19, M, Pasig" at "Yolanda, 52, F, Garden of Eden."
At higit sa lahat, isipin mo na lang kung gaano karaming Pinoy at Pinay ang naiahon ang sariling mga pamilya sa kahirapan pagkatapos makapangasawa ng isang matandang foreigndyer.
Talagang napaka-tempting. Kaya ang iba ay gagawin ang lahat para lang maka-attract lang ng mabibiktima. Andyan ang pagpapakita ng katawan at ang maseselang bahagi nito (siyempre hindi kasama ang mukha...mahirap na), ang paggamit ng mga malalaswa at pamatay na username at ang paggamit ng profile pic ng bestfriend mo na ninakaw mo pa sa friendster account niya.
Talagang na-inspire ako sa mga tao at pangyayaring ito kaya nuong pinagawa kami ni Sir Eros Atalia ng tugmaan (para siyang tula pero hindi tula, na kailangang nagtataglay ng rhyme scheme at pantay na dami ng syllables) para sa klase namin sa Retorika, ay ito ang aking napiling paksa.
Iniaalay ko ang tugmaang ito para sa lahat ng mga chatters ng na walang ibang hinangad kungdi ang maghilom ang kanilang mga pusong sugatan at sa mga chatters na gustong lang namang magkaroon ng mas maginhawang buhay. Hehe.
Rosa Macamay
Pumasok sa YM para mag-chat,
Maghahanap lang ng masisipat.
Tanging kailangan ng pusong wasak,
Ngalan at ASL na tunay na swak.
Pinili ko si "Rosa Macamay,"
Mukhang sa kama'y napakahalay
Ako'y bumanat nang walang tangan,
Totoy Mola ang aking pangalan.
Agad lumandi si Rosang kanti,
Kanya raw ipapakita, yaong mani.
Teka lang, sandali. Parang ang bilis,
Ika’y hindi pa nakikitang bihis.
Siya’y nagpadala ng kanyang litrato
Ako nama’y naghintay na parang aso.
Nang aking nakita yaong hitsura,
Putaragis ‘yan, ako’y napamura.
Ang buong akala’y, bebot si Rosa,
Ayun pala ay mukha siyang kakosa.
Ang monitor tinakpan ko ng kumot,
Baka sa pagtulog ako’y mabangungot.
***
Kung Rosa Macamay ang iyong pangalan, peac tayo. Hindi ko sinasadyang gamitin ang pangalan mo. Hehe.
37 Comments:
hiyess, pinost na!:)
haha!
mas gusto ko yung flash fic mo!
XDXD
hahaha! tang ina! tawa ko ng tawa dito...- jana**
"Andyan ang pagpapakita ng katawan at ang maseselang bahagi nito (siyempre hindi kasama ang mukha...mahirap na)"
Haha!
Winner 'to.
Lover
hahaha! Retorika! La kami ganyan ata! Si Ampil yung Fil ko e
naks.
true to life ba yan?haha
-airin
nyahahahaha! aliw aliw to the maximum level na to!
Apir-apir!
shet! saktaong-sakto! sa may skating rink ako nakikipag-EB noon..
wahahaha! the best si Rosa Macamay!
oist, post mo rin yung mga flash fictions mo. hehe
add kita sa link ko, parekoy. :D
POLI.
Naks. almost 1 month na rin yung last post mo ha..
at ayos ikay muling nagbalik hehehe
WB :)
haha! ayos ah beteranong beterano sa pakikipagchat..poli m. pasig lols! sabay 52f na yung kasunod..
ayos yung obra mo ah! lupit mo!
ayos to ayos!! astig na astig!!!
panalo si rosa macamay! hahaha, ilan na nga ba ang nabiktima ni Poli,19,M,Pasig ?!?! hahaha
nice one dude!
huwaw!
ang galing tula!
panalo sa tawa!
rosa macamay! para namang napakamakamandag nya!
sang-ayon ako sa mga sinabi mo tungkol sa chat chat na yan!
nakakalungkot isipin na ginagamit na rin ito sa napakaewan na bagay na amp! ah basta un nga!
hahaha! tawa ako ng tawa!! ang tindi naman ni rosa macamay :lol:
pokengena!
astig!
galing!
weee!
rosa macamay.. hahaha
idol talaga kita.. weee
HAHAAH The best ka talaga gago
Lolz.
Yung pinsan ng friend ko, may nakilala siyang taga-Spain. Hayun, pinadalan siya ng laptop, roses tsaka mga mp3 players! Nakabingwit siya ng malaking isda! Haha.
Mahusay! Nakakatuwa ang iyong ininulat!
Ipatuloy mo ang pagsusulat!
Peace
haha, nakakatawa naman to.
ako nga pala si Mirrah, 19, F, secret.
hahaha.
at....
maganda nga pala ako. hehe
hehe siguro based on xp yan no?
lol astig ka talaga poli! ang kulit nun ah! totoo nga. basta may computer na may internet, hinding hidni ko palalagpasin ung time na makalog in ako sa ym ko. Hahahaa.. pati kaibigan ko ganun din. astig! :)kakatawa nung poem.
heheh kakatawa.. ano kaya comment ng prof mo jan?
Haha! Panalo ang tula. Napapaghalataang frequent chatter ka. Lol.
Haha! Panalo ang tula. Napapaghalataang frequent chatter ka. Lol.
lintek ikaw pala yun! haha. mahusay poli!
wahaha.
panalo toh dude.
galeng
Madalas na din akong madale ng mga kung anu-anong gimik nun sa internet tungkol sa pakikipagchat. Bata pa kasi ako nun, mapusok at pabugso-bugso kaya makakita lang ako ng magandang litrato na laspag na pala dahil kalat na sa internet eh naglalaway na agad ako.
Rosa Macamay, isa kang huwad
dapat sayo'y pinatutuwad
at pinapasakan ng pinya sa puwit
at mabigyan ka ng malupit na sakit
hahaha... what a weird experience?!
haha... akala ko Tina Moran ang ipapangalan mo eh. ayus sa tula, ay hindi pala ano. hehe. namiss ko dito. weee...
teka.. may mga ganung chatters parin ba? 3 yrs ako alam ko yan at nakakakita ako sa mga rums ng ganyan pero ngayon.. puro blogger ka chat ko eh. hehe.
yung pinsan ko kinasal din sa foreigndyer na nakilala nya sa chat. wahaha!
ei kuya poli!
nitaG PO KITA!!
http://eloiski.wordpress.com/2008/04/29/nasubukan-mo-ng-tagtagin-ng-tags/
Susubukan ko nga ring mag-chat habang nasa office. Baka ako 'yung maging mani. Nyehehe.
RAKENROL!
wahaha. natawa ako dun ah. biktima ka brader, gusto mo ba ng resbak ng mabanatan na yang si rosa macamay? wahahaha..
tsk tsk tsk.
at mukhang inspirado este desperado, nagawan pa ng tula si rosa macamay! yiihesss! wahaha. ^_^
(paupdate brader ng link ko, thanks)
ngaun lang ako nakadaan...puta si rosa.kaylandi.at si totoy mola...kay kati..wahehe
--- aura XD
haha! nice post man!
Ayos sa post. :D
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home