Tae-xtacy, Tae-xtano
Habang nakikinig sa talambuhay ng ang aking propesor sa Hst 102, nakaramdam ako ng isang banayad na pag-ikot sa loob ng aking tiyan “Tae. Parang matatae yata ako.”, bulong ko sa aking sarili. Di nagtagal, ang pag-ikot sa loob ng aking tiyan ay napalitan ng bayolenteng pagririgudon. Sa mga panahong ito ay hindi na ako makali sa aking silya. Nagawa ko na lahat ng posisyon at teknik upang pigilin ang nagbabadyang trahedya. Sa kabutihang palad ay naging matagumpay ako sa aking mga pinaggagawa. Salamat sa walang humpay na paglunok ng laway, pagpigil ng hininga at pagpapasikip ng butas ng puwit. “Haay! Salamat!” sabi ko sa aking sarili. Pero lingid sa aking kaalaman, ay panandaliang glorya lamang pala ang aking natamo.
Tapos na ang klase. At dahil nawala na ang sakit ng aking tiyan ay napagdesisyunan kong tumambay muna sa Central Lib upang mag-internet. Pumasok ako sa internet-an at iniabot sa babae ang aking ID. Naghanap ako ng bakanteng kompyuter na maari kong gamitin, ngunit wala pang isang minuto ay bumalik na naman ang aking kinatatakutan. Mas malupit ang pangalawang pagsalakay kumpara sa nauna. Ngayon, tila nag-aaway na ang aking mga lamang loob; sinasakal na yata ng aking maliit na bituka ang aking malaking bituka. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng init sa aking tumbong—signos ng nalalapit na paghuhukom. “I can’t take this anymore”—napa-ingles tuloy ako sa aking isipan. Dali-dali kong tinayp sa Yahoo! Groups ng Partido ng mga Cute ang mga salitang “PUTA!-NATATAE-AKO!” at dali-daling umalis patungo sa banyo.
Puta! Nakalimutan kong walang pinto ang banyo ng mga lalaki sa ground floor ng Central Lib—ma-eexpose ako. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa; dumiretso ako sa Main Bldg at tumungo sa banyo. Puta ulit. Break ng mga hinayupak na mga Science at Pharma. Fuckulty of Science! Fuckulty of Pharmacy! Hindi pwede dito, masyadong maraming saksi! Nag-isip ako ng mataimtim at naalala ko na may banyo nga pala sa third floor ng Central Lib, sigurado walang tao dun. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa Lib. Hindi na ako nag-elebeytor at baka doon pa ako magsabog ng biyaya. Takbo, takbo, takbo...hingal, hingal, hingal—nasa third floor na ako.
Rumagasa ako sa loob at laking tuwa ko dahil walang tao. Pumasok ako sa cubicle, ibinaba ang aking pantalon at brip at saka umupo sa trono. Tak-tok-tak-tok...may MGA pumasok! Sa mga sandaling iyon, ipinagdarasal ko na sana ay maging tahimik ang aking ritwal. Wala sanang mga makatindig-balahibong mga tunog ang umalingawngaw habang nagriritwal ako. Kungdi, patay na. Ayoko pa namang makarinig ng mga malakas na pag-uusap na: “Pare ang baho! Umutot ka ba?” “Gago pare hindi a!” “Pare, tangina may tumatae yata.” “Saan?” “Diyan o!” (tawanan ng malakas). Salamat sa Diyos at dininig niya ang aking panalangin. Habang nagriritwal ay binasa ko ang mga vandalism sa mga pader ng cubicle na pinaghaharian ko. Sa kaliwa ay nakita ko ang cell phone number ni Jumbo Hotdog at mga malalaking larawan ng tite. Sa kanan naman ay ang e-mail add ni bi-guy at mga cellphone no ng mga gustong magpa-chupa. “Sa mga gustong magpa-chupa, eto number ko. Text niyo na lang ako kung kailan kayo pwede dito para dito na rin natin gawin” Ang scary naman...diba USTe mga kristiyano? (Ang korni mo Allan “Poli” Policarpio! Ulul ka!) Patay kayo kay Fafa St. Thomas Aquinas niyan. Sa harap ko naman ay may isang sarbey, “Tumatae ka no? Kung oo, masarap bang tumae dito?” sa ibaba nito ay may Oo at Hindi. Kinuha ko ang aking ball pen at naglagay ng stick sa tabi ng Oo. Pang labing-isa ako—ibig sabihin, may sampung estudyanteng nauna nang nagdusa. Paano pag may sensor pala ang mga inidoro dito sa USTe at lumabas ang student no at ang aking buong pangalan sa mga lobby monitor ng bawat college? Wow! Sisikat ako! Naunsyami ang pagmumuni-muni ko ng biglang may pumasok sa katabing cubicle. Narinig ko siyang nagbaba ng pantalon. Maya-maya pa ay biglang may tumunog ng “Pfffffttt...tooooooooooot. Toooot. Toot. Toooooot. Pfffffffffffffffffffffffffffft. Yes! May karamay ako! Gusto kong tumalon ngunit naalala ko na may nakasabit pa palang tae sa puwit ko. Gusto kong kaibiganin yung taong tumatae rin sa katabing cubicle. Gusto kong ibahagi sa kanya ang aking mga tribulasyon at pighati ngunit napagisip-isip ko na kailangan niya ng pokus. Haay! Sa wakas at nakaraos din pero nagimbal ako sa aking napagtanto—walang tissue, walang tubig. Tenendren...Asan na yung libro ni Sir Atalia? Kailangan kong pumili ng maganda at madramang pagpapatiwakal! (Jewel in the Palace theme playing)
Flashback...
Bago ako pumunta ng Central Lib ay pumunta muna ako ng Mini-Stop sa Dapitan at bumili ng baby wipes (“beyvih wifes” kung ikaw ang Warden). Para hindi mahalata ni Cing Pei, ang maalamat na kahera/manager/janitress/security guard ng Mini-Stop Recto na na-relocate sa Dapitan, na gagamitin ko ang wipes sa pagtae ay bumili rin ako ng C2 na Forest Fruit flavor. Pagkatapos ay bumalik na ako sa loob ng campus. O, ano kayo ngayon? Akala niyo siguro gagawin ko nang pamunas ng puwit ang brip ko no?! Matalino yata ako! (Understatement yan...ride-on ka lang. Blog ko naman to eh.)
Fast Forward...
Pinunas ko ang baby wipes sa aking puwit. Kinaskas ko at kinudkod nang maigi ang aking puwit hanggang wala ng bakas ng tae ang natitira. Tinapos ko ang wipes sa inidoro at pinlas (flush) ang ebidensya. Tumayo ako at isinuot muli ang aking brip at pantalon. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng may ngiti sa mukha. Pumunta ako sa lababo at nagsabon ng kamay gamit ang tunaw na Surf bar. Ewan ko ba, pero nararamdaman ko na ang lalaking tumatae sa tabi ng cubicle na tinaihan ko ay walang panghugas o pamunas. Kawawa naman, e may natira pa akong baby wipes kaya initsa ko sa may paanan niya ang baby wipes. Ayoko naman na ipampunas niya sa puwit ang brip niya. Baka kasi yun lang ang nag-iisang brip niya. Eh di nalintikan na. Paano pa kapag binurda pala ng nanay niya yung pangalan, tirahan at tel no sa garter ng brip niya—patay! Pag nakita yan ng mga kaaway mo, tsk-tsk—magtransfer ka na ng skul tsong. Mahal din magpa-therapy dahil sa trauma na aabutin mo. Pinulot ng lalake yung baby wipes. Nang mapagtanto niya na pwedeng ipamunas ng puwit yun ay sumigaw siya ng “Salamat, pare a! Wala pa lang tubig!”
Naks, nakatulong ako sa kapwa! Kaya siguro ako natae ay dahil alam ni God na may isang taong ungas na matatae rin pero dahil nga ungas siya, hindi siya magdadala ng kahit kendi wrapper man lang para pamunas. Itong si God naman, ako ang napiling tagapagligtas niya. Kita niyo, things happen for a reason—patay tayo diyan!
Kinagabihan ay matatae na naman ako. Nakita ko si Parpie at naisipan kong biktimahin kaya naki-tae ako sa “mansyon”. Habang nanood ng Maging Sino Ka Man (starring ang mga nagpupumiglas na “Bea Alonzo” ni Bea Alonzo) sina Oso, Lei at Parps sa labas ay todo tae ulit ako. Walang ilaw kaya nagsindi ng kandila si Parps. Romantic ang setting! Candle-lit shitting! Sa likod ko may naka-hanger na panty tapos may effects pa na artificial raindrops. Salamat sa tumatagas na kisame. Gusto ko sanang yayain ang isa sa kanila sa loob. Pwede kaming mag-date! Ako ang magbubuhos, siya ang magsasabon! Sweet no? Sino may gusto? Text niyo lang ako o kaya sabihin niyo sa akin kapag nag-comment kayo.

4 Comments:
woothoot, another repost by the blog-owner... cmon, enough with the laziness!!! people visit this site like it were porn you know!! XD
(hekek. your toilet adventures are really funny)
haha! Poli!!!!!!!!
kadiri...pero funny
lubayan mo na si Angelica Panganiban...kahit wala nung "flabby truth" photos nia, alam naman nating dinuktor yung final pics diba?
anyway...TAE KA, POLI!
haha! ngyon ko lang nabasa to ah! potek "boy dayo" ka rin pala..mahirap talaga kapag mga ganyang situation.
everything happens for a reason..haha! pati sa pagtae.
isa na to sa mga pinakanakaka-aliw na post na nabasa ko simula ng nag-umpisa akong mag-blog...which is 5 minutes ago lang. Aliw!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home