Thursday, August 30, 2007

Peys Op: Havaianas bersus Spartan

On the right corner, HAVAIANAS!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese), hah-vee-ah-naz (American English), OMG!-hAH-va-yaH-naZz!! :-) (Filipino).

Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik, mga mayaman at mga feeling mayaman.

Malulupit na katangian at kakayahan:
  • Masarap isuot.
  • "Shock-absorbent." Malambot ngunit matibay.
  • Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
  • Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
  • Mainam na pang-japorms.
  • Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
  • Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
  • Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
  • Magiging "fashionable" ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
  • Mahal
  • Mahal
  • Mahal
  • Nakakasira raw ng pedicure--sabi ni Malu Fernandez.


And on the left corner, SPARTAN!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines.

Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!

Malulupit na katangian at kakayahan:
  • Maaring ipampatay sa ipis.
  • Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
  • Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
  • Pwedeng ipamalengke.
  • Mainam gamitin sa tumbang-preso.
  • Mainam gawing "shield" kapag naglalaro ng espa-espadahan.
  • Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng picha.
  • Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumampid sa puno.
  • Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
  • Kapag ginupit-gupit nang pahugis "cube," e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo (kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).
Olats na mga katangian:
  • Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
  • Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
  • Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasampid sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

Kung ako lang, e Spartan talaga. Una, marami na akong ibang mas makabuluhang bagay na mabibili sa presyo ng Havaianas. At isa pa, pangit ang mga paa ko kaya magmumukha ring Spartan ang Havaianas kapag sinuot ko! Nyahaha!

At syempre, dahil diyan...


Ang panalo ay...


SPARTAN!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Wooh-Wooh-Wooh!


Image Sources:
Spartan
Havaianas
300

30 Comments:

Anonymous Anonymous said...

spartan na ang kinalakihan ko. simula sa tumbang preso hanggang sa paglalaro ng basketball ginagamit ko ito. kahit pudpud na at butas ang tsinelas. hindi pa nakakapanghinayang pag nasira dahil mura lang.

August 30, 2007 at 4:35:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

magaling.. hehehe.. ang galing.. sbi nga ng mama ko, parehong tsinelas lang, nagkaiba lang ng pangalan... pero in the end, tsinelas parin.. hehehe..

August 30, 2007 at 5:47:00 PM GMT+8  
Blogger RedLan said...

Gaya ng spartan, ang gagopolis ay pang masa kaya marami ang nakarelate dito at tumatawa.

Keep it up poli!

August 30, 2007 at 5:54:00 PM GMT+8  
Blogger The Rain Sprite said...

ahehehe! di rin ako naghahavainas.. baka di pa ako makakain pag bumili ako.

pero may "havies" yung kapatid ko.. euuugh.

XD

August 30, 2007 at 6:41:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ahahah! Is-par-tan! Is-par-tan! Yipee!

ako rin is-par-tan! (un lang ba ang brand ng Pilipinas?)

ang akin, galing la union! wahekhekhek.... ^_^

August 30, 2007 at 8:01:00 PM GMT+8  
Blogger KC said...

tawang-tawa ako dito sa post mo dong!

sa aking environment nung college, para bang napakalaking krimen ang hindi magkaron ng habayanaz. naku ha, masyado akong kuripot para bumili ng nuknukan ng mahal na tsinelas na yan. baon ko na yan ng apat na araw. at isa pa lahat ng makakasalubong mo ay ganyan ang suot. ulk!

tsinelas din naman ang havaianas, mehn...katulad ng sabi ni elay.

kung iisipin lang nila ang habayanaz ay spartan ng brazil.

August 30, 2007 at 9:37:00 PM GMT+8  
Blogger the_fallen said...

kaw naman.

kinalimutan mo na si rambo at ang beach walk. o sige sama mo na si islander kc nakakatuwa yun dahil makapal. hehe.

e diba may nabibili na sa dapitan ng havaianas? kaso ang pangalan ay hawaianas. hehe.. meron pa ngang havanas e.

tae pati tsinelas ngayon gnagawa ng konyotik.

(napakahirap ng bansang pilipinas, ano? f*ck.)

August 31, 2007 at 12:15:00 AM GMT+8  
Blogger Poli said...

@the_fallen (kikay louise) - Di ko naman nakalimutan ang mga nabanggit mo.

Sadyang wala lang talaga akong makitang picture ng rambo! Hehe!

August 31, 2007 at 1:03:00 AM GMT+8  
Blogger p said...

hahaha! tsinelas lang naman lahat yan! may mga flip-flops pa ang tawag.

ang havaianas ba pwedeng ipam-patay ng ipis? pwede.. pero yuck! eh sa spartan.. warrior an warrior ang dating. walang arte..

August 31, 2007 at 2:21:00 AM GMT+8  
Blogger archiemb said...

ako nga eh rambo ang favorite ko...hehehe yung makakapal na matigas...
ha ha ha

August 31, 2007 at 2:55:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

yee!! ako spartan lang! Mumurahin pero at least diba, hindi masasayang ang pera ko. lol. Astig ka talaga magpost poli! ^___^ lol.

Kasi naman, imbes na ipamili ng havaianas yung sweldo mo, pwede namang, isang spartan, isang t-shirt, at isang pantalon na ang mabibili mo.
Ang mahal kasi! lol. >.<

Kaya ako, mura nalang pinipili. At least pag nasira, di ako manghihinayang. ;)

Galing mo talaga! Makamasa! ;) Hehe.

August 31, 2007 at 3:21:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

takte naman yan...
paano ba yan, accel na galing sa sale ang gamit ko? equivalent to apat na giant cotton candies lang ang presyo niya...

naiinis ako sa spartan, madaling lumugas sa paa ko... ilang beses na akong napahiya niyan... and dude, never ko kasi inasam na magka-HAVAIANAs... unless may mag-regalo sa pasko...

hello, poli. :P

August 31, 2007 at 3:30:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hahaha.. kakatawa naman to. napadaan lang ako, actually. anyway. iba parin ang spartan.. di ako ngha2vaianas, saiang lang pera ko.. sa pagkain nalang. hahaha

August 31, 2007 at 9:39:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

try mo pards yung "havanas"..sing ganda pero di sing mahal (presyong spartan din)..hehe!

dati ang uso lang eh mga world balance na sandals..hehe! di hamak na mas mukhang mahal yun kesa havaianas.

August 31, 2007 at 11:44:00 AM GMT+8  
Blogger Trixielle said...

SPARTAAAAAAAAAAAAAAAN din ako nung ako ay bata pa at nakatira malapit sa Quiapo :]

Tama ka mainam gamitin sa tumbang preso, nakaka miss rin yang layong yan T_T. Eh ang havianas, hindi mo mababato taena dolyares presyo eh T_T.

Boo and haha come to think of it, ive never ever had a pair of havianas o.o.

August 31, 2007 at 7:17:00 PM GMT+8  
Blogger mikaela said...

mukhang ako pa lang ata ang aamin na may habananas ah..
pero hindi pera ko ang pinambili ko, siyempre.

saka pinanglulusong ko yun sa baha sa dapitan noh. At pinapanghampas ko sa ipis.

August 31, 2007 at 8:08:00 PM GMT+8  
Blogger zerovoltage said...

Spartan talaga ang da best! Ang tsinelas ng mga macho! He he :D

September 1, 2007 at 9:54:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

OMG!-hAH-va-yaH-naZz!! :-)
LOL.

Yung Spartan din yung tipong Beach Walk diba? Tama tama?

Ang mahal ng Havainas, hindi ko rin pag-aaksayahan ng pera kahit na sabihin pa natin na impulsive buyer ang mga babae. Meron namang cheaper versions like Mixstar, parang ganun din yun. You can have many pairs pa. Haha.

September 1, 2007 at 9:47:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

"Mga nagsusuot: Mga konyotik, mga mayaman at mga feeling mayaman." HAHA!! Ampotek oh, tsinelas na nga lang pagaaksayahan pa ng pera. Tsinelas ko yata dati Islander eh... Ewan, basta may tsinelas ako.

September 2, 2007 at 1:36:00 PM GMT+8  
Blogger Caranijuan Renji said...

ang aking kalyadong talampakan ang madalas kong suot, at kasama lalo na kung ako'y nasa loob lang ng bahay o kahit sa paglalakad hanggang sa kalapit na tindahan ni aling nena.

ang mga mabato at malubak na lupang aking natatapakan ay nagbibigay ng tamang pressure sa'king acupoints sa paa na may ginhawang dulot pangkalusugan kung ako ay nakayapak (randam ko rin pati ang temperatura).

magkaminsan nga lamang ay kailangan ko ring magsuot ng modernong pangyapak na yari sa gomang talampakan sa aking pakikisalamuha sa mga kalsadang-pino o maging sa mga lupang may mga nagkalat na bubog o nabasag na bote ng mga lasinggero, mga highly-tetanus na pako o anomang katulad nito.

at kung praktikalidad lang ang usapan, masasabi kong — (*) mas marapat talaga ang tsinelas na spartan sa mga tulad nating "karaniwang" mamamayan, (*) gaya rin naman ng pagiging mas praktikal sa mga "mayayaman" ang tsinelas na mas matibay at mas mahal.

all in all,

... syete! tsinelas lang yan ... itatapak ko lang naman yan sa lupa, HUKEYRS?!

September 2, 2007 at 2:07:00 PM GMT+8  
Blogger Jigs said...

Wahahahaha!

Nakakatawa yung post at yung mga comments! At coincidentally, may marketing bazaar kami and we'll be selling all kinds of tsinelas! from the very expensive Havaianas to the affordable beach walk!

Pero ako din, nung bata rambo ang favorite ko! The best!!! :D

September 2, 2007 at 7:27:00 PM GMT+8  
Blogger Unknown said...

Hahaha! Gard, Poli, pinaka-laughtrip talaga to. Lalu na yung Pagbigkas entries, haha!

Wala akong Havs, mahal masyado eh. Pero ayoko naman ng Planet, magaganda nga ang design, pero ambilis mabura nung print, haha! Kaya Banana Peel na lang for me. Tamang-tama lang ang presyo, kaya ng bulsa. :)

September 3, 2007 at 9:56:00 PM GMT+8  
Blogger Jhed said...

Naku, basta komportable sa paa.. okay na yun! Tama si Paolo, puro tsinelas lang lahat yan. :P

September 3, 2007 at 11:00:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Oh my god, I haven't read your blog in ages! @.@ Forgive me!

I hate Havaianas. I prefer Banana Peel and other brandless slippers. They're fashionable enough, plus they're cheaper. Anyway I won't rant any further; you do recall my post about Havaianas, right? :D

Regarding your previous post: yes, I find that your blog entries are funnier in filipino. But I don't think you were "trying hard" last time. You're too hard on yourself. :P

September 4, 2007 at 1:07:00 AM GMT+8  
Blogger july said...

mukang galit sa havaianas lahat ng tao dito a haha. pero may natutunan ako sa post na to. na ang tamang pagbikas pala sa havaianas ay "a-vai.." at hindi "ha-vah" haha. ang kewl nung batman design. pero gs2 ko den ng spartan na puti at blue. hehehe

September 4, 2007 at 11:13:00 AM GMT+8  
Blogger Unknown said...

ismagel

September 6, 2007 at 2:26:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

nyahhhh pag spartan kamo OK lang ipangtapak ng ebaksss >:D

poli sama kita sa blogroll ko ty

September 20, 2007 at 12:34:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hands down ako sa iyong post... ako'y lubhang namangha.. wahaha

May 31, 2008 at 5:26:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

naku naku e2 sa 22o lang nhiya at pnang hnaan ako ng loob na mg comment dahil sa mga npopoot na ng comment..haha lhat prang gus2 ng ipa van ang havaianas...kung wlang msamang mg spartan sna no crime din pg sa havaianas..haha..un n nga un eh preho lng nmang flops yan so kanya kanyang 3p yan db?..haha...pro stig! n2wa ko d2..kung cno man c poli...npakagaling mu...haha..apir apir..

mgpapasenxa lang ako dahil 2 be totally honest i have my 8 pairs tas feeling ko prang talo parin ako sa isa kong tropa na my 26 pairs og havs..erg!..nrealise ko lag lhat na my mali n pla dhil sa post na n2..

damn..!!!

pro cge khit hnd tau2 mgkakakilala d2...ako si lhey at nkakahya man sa inyong sabhin..my havaianas ako..hehe..peace!

July 14, 2008 at 1:18:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kuya pa grab ha, ang lupet!

August 13, 2008 at 6:05:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home