Tuesday, July 31, 2007

Tipid Tips

Hay, buhay. Tumaas na naman ang presyo ng langis. Pwedeng limitahan ang suplay ng tubig dahil sa nagbabadyang tagtuyot (Asan na kayo Rosing at Reming? Kailangan namin kayo ngayon. Namimiss na namin ang "NO CLASSES" na dulot niyo). Tataas ang presyo ng bigas at mga guloy dahil sa pagkatigang ng lupa (Matigang na ang lahat, huwag lang ang ating sekslayp). Tataas ang singil sa kuryente kapag nagpatuloy ang tagtuyot hanggang Disyembre.

Dapat tayong magtipid.

Kaya naman naghanda ako ng ilang mga tips upang makatipid tayo sa pangaraw-araw na gastusin.

1. Deodorant o Dyodorant o Jodoran - Napakamahal ng deodorant. Biruin mo, gagastos ka ng P30 para lang mag-amoy "ocean breeze" ang kili-kili mo samantalang pwede mo namang gawin ito:

1. Bumili ng pisong Stork.
2. Kumuha ng bakal na almires (mortar and pestle).
3. Ilagay ang Stork sa almires at durugin hanggang maging pino.
4. Ilagay sa palad ang dinurog na Stork.
5. Ipahid sa kili-kili.

O diba? 'Sing lamig, pero di 'sing mahal!

2. Kape - Bakit ka pa maglulustay ng P100 para sa kapeng pinaganda lang ang pangalan? Pwede mo namang gawin ito:

1. Bumili ng pisong Kopiko o kaya naman ay X.O.
2. Mag-init ng tubig sa takure at isalin sa tasa.
3. Isubo ang biniling Kopiko o X.O.
4. Higupin ang mainit na tubig.

P.S. Maari ring magsuot ng I-Pod at Havaianas habang ginagawa niyo ito. Para Istarbak na Istarbak ang dating niyo. (Uy, walang magagalit! Hehe!)

3. Whitening Cream aka Chin Chun Su or Mena Cream - Para sa mga kasambahay natin na gustong-gustong pumuti, hindi biro ang pera na nasasayang para sa mga produktong ito. Minsan, hindi pa kaaya-aya ang nagiging resulta. Kadalasan, e nagiging kamukha nila si Majinbuu (Dragonball Z) sa sobrang pink na kanilang mga mukha. Bakit mo naman kailangang pagtiisan lahat yun kung pwede mo namang gawin ito:

1. Bumili ng pisong chalk/tsok/yeso.
2. Dikdikin ang chalk/tsok/yeso.
3. Ihalo sa isang 1/8 cup na maligamgam na tubig.
4. Haluin hanggang maging malapot.
5. Ipahid sa mukha bago matulog.
6. Banlawan paggising kinabukasan.

P.S. Ngayon, kailangan mo na lang maghintay na magkaroon ka ng An-an sa mukha. Huwag mangamba kung mangati ang mukha--normal na reaksyon lamang yun ng balat sa tsok. Huwag ding matakot kung magmukha kang dalmatian dahil magpapantay rin ang kulay niyan kapag pinagpatuloy niyo ang byuti tip na ito.

3. LRT/MRT - Para sa mga normal na mamamayan, napakalaking ginhawa ang dulot ng LRT at MRT. Ngunit para sa ibang mga tao, napakasakit sa bulsa ng P15 na pamasahe mula Recto hanggang Santolan; North Edsa hanggang Taft o Monumento hanggang Baclaran. Huwag mag-alala! Pwede niyo namang gawin ito.

Ipagpalagay natin na galing kang Recto papuntang Santolan.

1. Pumunta sa tapat ng gate ng Recto Station. Huwag papasok!
2. Tumingala. Ngayon ay kita mo na ang riles ng tren.
3. Magsimulang maglakad habang sinusundan ng tingin ang riles.
4. Ipagpatuloy hanggang makarating ng Santolan.

P.S. Huwag kalimutang magdala ng flashlight, kandila o gasera! Kakailanganin mo ito pagdating mo sa Katipunan Station (LRT-2) at Ayala/Buendia Stations (MRT). Underground stations ang mga ito at hindi mo makikita ang riles kaya kakailanganin mong tumalon mismo sa ibabaw ng riles. Magiging madilim sa ilalim kaya gamitin ang mga nabanggit para hindi maligaw.

5. Feminine Wash (for gals) - Bakit kailangan pang bumili ng PH Care kung pwede mo namang gawin ito:

1. I-dial ang telophone number ng boyprend mo.
2. Yayain siya sa bahay.
3. Pagdating niya ay hatakin agad siya sa banyo o sa kwarto.
4. Kailangan ko pa bang i-detalye? Memorize niyo na yan e!

O diba? 'Sing linis, pero di 'sing mahal. Masarap pa!

28 Comments:

Blogger Trixielle said...

The best yung kape and ang ganda ng banat "P.S Maari ring magsuot ng I-Pod at Havaianas habang ginagawa niyo ito. Para Istarbak na Istarbak ang dating niyo. (Uy, walang magagalit! Hehe!"

BOHAHAHAHAAHAHAHAHAHAAHAHHAAHHAAHAH
the best the best.. tapos gagawin nila uupo lang sila sa isang lugar for 3 hours and yun parin inumin nila XD hindi maubos ubos.

July 31, 2007 at 11:48:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

Adik ka Poli. Ito na siguro ang pinaka-malupit mong post...

tawa ko ng tawa mula dun sa stork hanggang dun sa feminine wash. kung tutuusin kasi, tama nga naman ang mga tipid tips mo.

sana may gumawa... lolz!

August 1, 2007 at 1:13:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

wahu. ang galing mo talaga poli. as practical as ever. :D

August 1, 2007 at 10:48:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

haha ang kulit mo naman!! haha everyday na'ko magchecheck dito! haha i'll link you up ha! :D kakatawa ka!

August 1, 2007 at 11:29:00 AM GMT+8  
Blogger Tami said...

panalo ang mga tipid tips! galeng ah, talagang pinag-isipan! hehe =D

August 1, 2007 at 3:09:00 PM GMT+8  
Blogger travelphilippines said...

5. Feminine Wash (for gals) - Bakit kailangan pang bumili ng PH Care kung pwede mo namang gawin ito:

i will definitely recommend this to my friends hehehe. kaaliw nmn sa blog na toh,.....for sure this will be my newest addiction.

August 1, 2007 at 3:29:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ayos ayos yung mga tipid tips ah! haha.. ^_^

masubukan nga!

August 1, 2007 at 3:55:00 PM GMT+8  
Blogger m ylen e said...

hay naku... tindi tlga ng hirit ah.. nabasa ko na nga lahat ng entries mo kakaenjoy kasi eh. magmula ng naguumingles ka pa hanggang ngayon na tagalog na tagalog ka na.. para na nga kong baliw dito sa office nmin maiyak iyak sa kakapigil ng tawang naririnig nman nila especially dun sa entry about sa pagpunta mo ng CR sa campus nyo..

August 1, 2007 at 7:10:00 PM GMT+8  
Blogger Jigs said...

Yan ang tunay na listahan ng mga tipid tips! Ang galing!

Kung sino man ang sumubok sa mga tips na ito ay isang tunay na dakilang pilipino! Hahaha!

August 2, 2007 at 2:12:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

ikaw talaga poli lagi mo na lang ako pinapaiyak..

yan naman ang dapat..maging praktikal sa mga ganitong panahon...

tama nga naman..bakit ka pa gagamit ng PH care kung meron ka naman bf :D

kadiri yung sa stork malagkit sa kili-kili yun. saka yung sa chalk ang kalalabasan mo nun eh parang camouflage skin..

August 2, 2007 at 9:06:00 AM GMT+8  
Blogger daniel said...

hanep tlga sa banat ah1 hehe. nkakaaliw. lol nga pla. ex links?

August 2, 2007 at 2:01:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

reading your blog while nasa office ako is a very bad idea, buti na lang my boss is not around coz im grinning like an idiot.
isa kang makulit na makulit na bata! dinaig mo pa si lumen...lola oba will surely love you.

reading your entries makes it feel less lonely being far from home.

August 2, 2007 at 3:15:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

salamat sa tipid tips mo poli. Hindi lang ako makakatipid, makakamura pa!

August 2, 2007 at 3:35:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ahahahahaah! >___< lakas talaga ng trip! ^_^

August 2, 2007 at 4:55:00 PM GMT+8  
Blogger The Rain Sprite said...

5. Feminine Wash (for gals) - Bakit kailangan pang bumili ng PH Care kung pwede mo namang gawin ito:

1. I-dial ang telophone number ng boyprend mo.
2. Yayain siya sa bahay.
3. Pagdating niya ay hatakin agad siya sa banyo o sa kwarto.
4. Kailangan ko pa bang i-detalye? Memorize niyo na yan e!

O diba? 'Sing linis, pero di 'sing mahal. Masarap pa!


hayy.. so true. pero di yan tatalab ke bolaños! XDD

August 2, 2007 at 6:32:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hey poli, salamat sa pagcomment :)

August 3, 2007 at 4:38:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

may konek pala yung lrt sa santolan. haha. di nga interactive ang santolansa mrt eh

August 3, 2007 at 2:56:00 PM GMT+8  
Blogger jayski said...

astig astig.

August 3, 2007 at 9:26:00 PM GMT+8  
Blogger JaMaeLa said...

astig yung "kape" part! haha!

August 4, 2007 at 8:50:00 AM GMT+8  
Blogger zerovoltage said...

ha ha ... tipid tips! hilarious :D

i'll keep them in mind in case of emergency ;P

August 4, 2007 at 1:16:00 PM GMT+8  
Blogger mikaela said...

yayaman ako kapag sinunod ko ang tipid tips mo poli..nyahaha

August 4, 2007 at 11:06:00 PM GMT+8  
Blogger pusa said...

wow this is the best tipid tips i've read!!! panalo lahat!

August 5, 2007 at 8:14:00 AM GMT+8  
Blogger kim said...

Pli eh d dpat ung boyfriend nlng ang magmumog ng feminine wash! :D hehhehe..

pno nmn mkakatipid ung boyfriend?

August 5, 2007 at 11:11:00 AM GMT+8  
Blogger Poli said...

^^

E di magmumumog ng maligamgam na tubig na may halong asin!

Pareho lang yun ng mouthwash!

August 5, 2007 at 11:15:00 AM GMT+8  
Blogger Unknown said...

"P.S. Maari ring magsuot ng I-Pod at Havaianas habang ginagawa niyo ito. Para Istarbak na Istarbak ang dating niyo. (Uy, walang magagalit! Hehe!)"

Haha! Well, kahit mahilig ako sa Starbucks, hindi naman ako naka Ifad at Habs, hehe!

August 5, 2007 at 9:21:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

'Yan ang praktikalidad na marapat lang nating matutunan.

Siguro kung sadyang matipid ang mga babae, bwenas tayong lahat na mga kalalakihan. :D

August 6, 2007 at 1:47:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Ay.




Lover

September 5, 2007 at 12:06:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

This platform is integrated with social media logins like Facebook and Yahoo; enabling customers to use
their own login for registering on the site. We had no
problem finding a space, though, despite the fact that there was a performance that night.
Though pizzas are incredibly rich and exceptionally fattening Domino's has were able to maintain their nutritional value by using newly baked breads and vegetables and lean meats.

Feel free to surf to my webpage: check this out

March 27, 2013 at 9:06:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home