Wednesday, July 11, 2007

Mga Jeepney at FX Blues

Para sa mga simpleng nilalang na gaya ko na walang kotse, e wala tayong magagawa kungdi mamasahe sa kung saan natin nais magtungo. Kailangan nating magtiis sa init ng araw na pinalala ng global warming at sa nakasusulasok na utot ng nga tambutso. At para gawing mas malala ang ating sitwasyon, e gumawa si God ng mga nilalang, bagay at sitwasyaon na lalong magpapahirap sa ating buhay pasahero.

  • Mga pasaherong amoy alas-kwatro y medya na ng hapon gayong hindi pa man nagbubukang-liwayway.
  • Mga jeep na usad pagong. Habang nasa loob ka, e iisipin mo na sana ay naglakad ka na lamang. Hindi mo naman ito magawa sapagkat napakasakit sa damdamin ang binayad mong P6.00 kay manong tsuper.
  • Mga naninigarilyo sa loob ng jeep. Nahihilo kasi ako sa kahit anong klase ng usok. Sana kung maninigarilyo sila sa loob ng jeep, e singhutin na nila yung usok bago pa man ito lumabas sa mga bunganga nila. At sana lang ay hindi nila ginagawang ash tray ang katabing pasahero.
  • Mga taong bubukaka na para bang manganganak, pagkatapos ay matutulog o magkukunwaring tulog.
  • Mga babaeng feel na feel ang kanilang mahabang buhok. Yung mga tipong magsusuklay pa at ipagwawagwagan ang buhok sa mukha mo hanggang malamon mo na ito. Jackpot ka kung may kasamang lisa at kuto.
  • Ikaw lang ang tao sa sa loob ng jeep, pagdating sa may kanto ay may sumakay. Uupo siya sa dulo, katapat ng iyong kinauupuan, pagkatapos ay sasabihan niyang "Bayad ho," sabay abot sayo ng pera niya. Takte, mukha ba akong alalay mo?
  • Mga paseherong nang-aagaw ng FX na pinara mo. Yung tipong papasakay ka na e sasalisihan ka pa.
  • Mga pasaherong magbabayad ng isang libong buo tapos magrereklamo at papalatak sabay bulong ng "Ano ba yan," kapag dumaan sa gas station si manong tsuper upang magpapalit.
  • Mga drayber na susuklian ka ng kulang pagkatapos ay sasabihing "Sensiya na ha, akala ko dalawa e!" Ikaw naman ay magtataka dahil nag-iisa ka lamang sa loob ng FX o jeep.
  • Mga drayber na kahit poste e tinitigilan upang ayaing pumunta sa Quiapo.
  • Mga barker na sumisigaw ng "Lima pa! Sampuaan po iyan! Ayus-ayos lang," kahit ang mga pasahero sa loob e magkakadikit na ang mga kili-kili at isang pisngi na lang ng kanilang mga puwit ang nakadikit sa upuan.

11 Comments:

Blogger ***jane*** said...

ay naku! sinabi mo pa! argh! kainis tlga! buti nalang madalas akon nagpapahatid... maganda tlga ang dulot ng pagiging brat! :D hehe!

July 11, 2007 at 11:21:00 PM GMT+8  
Blogger Jigs said...

Haaaay, tama lahat ito!!! Naiinis tuloy ako pag pumapasok muli sa isip ko ang mga pinagdadaanan ko tuwing nagcocommute! Ayoko din yung mga babae na nagpapabango sa jeep, sobra sobra din sila kung magpabango. Grabe, pagbababa mo para ka naring dumaan sa perfume section ng mall sa samu't saring pabangong dumikit sa damit mo.

Sa totoo lang, minsan pa lang ako sumakay ng FX. hehe!

July 12, 2007 at 2:24:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

hehe! poli konting tiis pa..wala kasi tayo kotse eh :D

ako pinaka-nababadtrip ako kapag humihinto ang jeep na wala namang pumapara saka kapag nakatabi ako sa isa o higit pang mga baboy na nagkatawang tao...bwiseeet!

July 12, 2007 at 9:15:00 AM GMT+8  
Blogger pusa said...

haha right on the bat!

kainis talaga un mahihilig magpakain ng hair at mga tsuper na tumitigil sa lahat ng kanto!

July 12, 2007 at 11:06:00 AM GMT+8  
Anonymous hermione said...

hahaha!
wawa ka naman poli! >_< palagi kang nakakaexperience nyan?

hehehe...

July 12, 2007 at 2:50:00 PM GMT+8  
Blogger the philosphical bastard said...

oo! tama ang lahat ng nakasulat dito, nasali pa pati global warming. aheheh

July 13, 2007 at 4:21:00 AM GMT+8  
Anonymous james said...

aw...lahat to naranasan ko na. lalo na yung sa sigarilyo. minsan nga may napagsabihan na ko na mama dahil dyan e. matapang ako kasi marami kami sa jeep.XD sabi ko: "manong, bawal po yan dito sa loob ng jeep. di nyo po ba alam yung clean air act? nakakaperwisyo po yan sa ibang mga pasahero." ayon, napilitang itapon yung sigarilyo nya.

dagdag mo na rin tong iba pang nakakabwiset na eksena sa jeep.

- yung mga pasahero na kasasakay pa lang pero kung makaupo parang gusto ka nang paalisin kasi siksik nang siksik kahit na wala na talagang space.

- yung mga pasahero na ayaw umupo malapit sa dulo, sa likod ng driver. pipilitin ka pang umurong kahit wala anluwag pa sa dulo.

- yung mahilig sumakay sa harapan ng jeep. kahit na isahan lang ipipilit nang ipipilit na sumiksik.

- yung mga katabi na laging naka-sideview.

- yung mga katabi na sumasandal sayo.

- yung mga pasaherong nagkukuwentuhan tungkol sa mga jeep na nagbabanggaan. sarap sumakay ng jeep pag may ganon. pakiramdam mo anytime babangga kayo.

July 13, 2007 at 9:47:00 PM GMT+8  
Anonymous greenpinoy said...

hahahahahahaha LOL

July 14, 2007 at 12:06:00 PM GMT+8  
Anonymous natre said...

Hayy nako.. basta ako, tuwing nagcocomute ako, lahat ng tao nasa paligid ko, hindi ko pinagkakatiwalaan. Mahirap na eh. Minsan, kung sino pa yung nakabarong, yun pa yung magnanakaw. Kung sino pa yung naka-office attire, yun pa yung holdaper.. Hayy.. mundo nga naman..

July 14, 2007 at 5:08:00 PM GMT+8  
Anonymous toniwoni said...

the best ka talaga, poli!
you speak for the masses, na nabiktima na ng jeeps at FXs...
ahaha, timang lang talaga yung mga jeep/FX na tumitigil sa mga poste...
lalo na kapag mga limang minuto sila dun, takte yan... wala na hong sasakay...
pero, may mabait naman na jeepney driver na kapag buena mano akong pasahero, libre na kapag bente pa ang binayad ko...
totoo... wala siguro siyang barya...
o sadyang maganda lang talaga ako.

bonne week-end, poli! :P

July 15, 2007 at 12:51:00 PM GMT+8  
Blogger Billycoy said...

lalo kung makasabay pa ang killer kili-kili! buset!

July 20, 2007 at 2:50:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home