Friday, August 10, 2007

Para sa nagnakaw ng minamahal kong payong...

Kung sino ka man na nagnakaw ng payong ko noong Martes sa UST Central Library--ang sama mo. Napakaitim ng iyong budhi! Nanakawan mo lang ako ng payong, e sa kalagitnaan pa ng bagyo at baha.

Sa dinami-dami ng payong sa "umbrella rack" sa tapat ng main entrance, e payong ko pa ang napagdiskitahan mo. Hindi mo ba alam na P100 lang yun na made in China? Hindi ka lang masama, tanga ka pa! Kung ako ikaw, yung United Colors of Benetton na payong ang ninakaw ko!

Bwahahahahaha--ha-ha-haha!

Hindi mo na inisip ang aking kapakanan.

Alam mo ba na para akong basang sisiw na naglalakad mula sa Santolan LRT-2 station papuntang Ligaya?

Alam mo ba kung ilang patay na daga ang katumbas ng baho ng medyas ko?

Alam mo ba kung ilang ulit na tumindig ang aking balahibo tuwing nababasa ng ulan ang aking yagbols?

At alam mo bang habang naglalakad ako na basang-basa, e wala akong magawa kungdi tumingin sa kawalan habang kumakanta ng Umbrella ni Rihanna kahit hindi ko alam ang lyrics? Kahit na naging tunog Mandarin version ito?

Kung nababasa mo ito, magtago ka na! Dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na kumuha ng malaking payong para isaksak ko sa loob ng pwet mo! At hindi lang iyon, kapag nasa loob na ng pwet mo ang payong, e bubuksan ko ito! Nyahahahaha!

***

Pasensiya na, wala lang akong magawa. Hehe.

15 Comments:

Blogger RedLan said...

Magtago ka na magnanakaw ng payong ni poli. Mabahong hangin lang ang ligtas mo!

August 10, 2007 at 5:08:00 PM GMT+8  
Blogger the_fallen said...

yey! may karamay na ko!

nanakawan na rin ako ng payong sa hinayupak na lib na yun. mas nakakaasar dahil fibrella yun na de-pindot (automatic?) at mga 400 petot ang ginastos ng mudrax ko para dun. ang sama-sama ng loob ko nun! naiyak pa nga ko e..

mga hayop kayong klepto kayo!

August 10, 2007 at 10:12:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

tsk tsk tsk. Ang panget naman ng timing. Sa Bagyo pa nanakawan. Wawa ka naman Poli! Hahahahaha malalagot ung magnanakaw na yun! Maghintay lang sya at matitikman nya ang bagsik ng isang payong na tinusok sa pwet.

Hahaha..
"You can stand under my umbrella, ella, ella, eh eh eh
under my umbrella,
ella ella, eh eh eh
under my umbrella.." LOL.. mandarin version?? Hahaha.

wag kang magalala Poli, Kakarmahin yan pramis.

August 10, 2007 at 10:17:00 PM GMT+8  
Blogger Jhed said...

AMP! Kamusta naman ang naglalawang UST? Tapos wala ka pang payong! Wahahaha! Naalala ko tuloy ang paglangoy ko dun nung nag-aaral pa ako dun. :P

Ang sarap nga kumanta ng Umbrella ngayon noh? Under my umbrella, ella, ella, eh, eh, eh! With matching sayaw pa ha! LOOOOL!

August 10, 2007 at 10:22:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

eh? bakit hindi ka humiram samen ng kahit jacket man lang?

ipapahiram ko naman sayo ang aking favorite handy-dandy fireman jacket eh! ^___^ ahahaha....

wag na kaseng maglagay ng payong sa lib next time... x_x

August 12, 2007 at 12:28:00 AM GMT+8  
Blogger Jigs said...

Dapat gumanti ka nalang at nag "borrow" ng payong ng iba. tulad nung UCB na payong! Mwahahaha!

Ok, ok... Bad advice.

Hindi pa kasi nangyayari sakin yan. hehe!

August 12, 2007 at 3:33:00 AM GMT+8  
Blogger Admin said...

Para sa payong lang ipinagpalit ang karangalan?

Well, baka naman kasi myukhang mahal ang payong mo... Pwedeng ipakilo?

Hehe :)



Adventure tayo!

August 13, 2007 at 2:14:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

pag nahuli mo yung nagnakaw ng payong mo.. balitaan mo kami!

August 14, 2007 at 4:32:00 AM GMT+8  
Blogger Unknown said...

Dapat yung kinakanta mo ay...

"It's raining men! Hallelujah! It's raining me!"

Wala lang.

August 14, 2007 at 1:45:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

har har har! LRT2 ka pala dumadaan ah, stalk mode.

August 15, 2007 at 7:04:00 PM GMT+8  
Blogger JoiceyTwenty said...

ang dami ng ganitong kwento sa UST central lib. pero mas naawa ako sa yo kase bumabagyo pa naman. anyway, kaya ako, hindi ako nag-iiwan ng payong dun. basa kung basa pero isasaksak ko yun sa bag ko kahit anung mangyare. nung 1st year ako may kwento classmate ko na nawalan daw sya ng payong sa central lib, pero hindi sya nalungkot kase nakakuha naman sya ng bago.

ayus.

August 17, 2007 at 9:42:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

bloghopped!natawa naman ako dun. siguro napakadesperado/a ng magnanakaw na iyan kaya dinedma ang UCB na payong.

yung ate ko din, nanakawan ng payong dyan nung estudyante pa lang yun. tawang-tawa ako kasi galit na galit siya na halos isumpa yung magnanakaw.

...at kung nakakamatay ang mura, malamang double dead na yung magnanakaw.

August 19, 2007 at 5:00:00 PM GMT+8  
Blogger Edree said...

wawa naman Poli...pero napatawa mo ako kahit may sakit ako ngayon... :) adik ka tlaga.

August 23, 2007 at 11:30:00 AM GMT+8  
Blogger Nk. said...

hahahaha! award ka sa patawa poli haha!

*pero yak talaga ang lumusong sa baha, nung sa parañaque pa ko nakatira aabsent na lang ako from work kesa mabasa sa baha lol*

August 27, 2007 at 12:33:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Pakamatay na si Rihanna at si Akon sa pagdadala ng mga nakaka-LLS na mga awit sa oras ng pagdurusa.




Biyats

September 4, 2007 at 11:52:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home