Halowin
Shake Rattle and Roll
Nakaaaliw ang tuwing darating ang pahanong ito dahil wala kang ibang mapapanuod sa Cinema One kungdi Shake Rattle and Roll marathon. Ibig sabihin kung may na-miss ka sa series, e ito na ang pagkakataon mong makumpleto ito.
Mapupurga na naman tayo sa mukha ng mga Shake Rattle and Roll mainstays na sina Manilyn Reynes at Lilia Cuntapay (Yung matandang babaeng mahaba and buhok na ubanin na laging aswang ang ganap). Siyempre hindi kumpleto ang Shake Rattle and Roll experience kapag hindi mo nakita ang pinakasikat na halimaw ng series--and undin.

Kuriku-kuri-kuri-kuriku! Undin, nasa akin ang mga itlog mo! Bwahaha!
Source
At kung ang karamihan sa atin ay pupunta sa mga sementeryo, ang kapitbahay naman namin ay magdaraos ng kanyang debut! Ang naiisip ko e dapat sa sementeryo na lang gawin ang kutilyon para tipid. Tapos naka-corpse bride na damit yung debutante habang ang mga kasali sa kutilyon ay naka-Kokey at Kakay na costume.
Sayang hindi ako imbitado.
Lamay at Libing
Kapag namatay ako nang sikat at mayaman na mayaman, sisiguraduhin kong ubod ng lupit ng aking magiging lamay at libing. Sa ngayon, ay may mga kaunting ideya at plano na ako:
Source
Huwag na huwag niyong paglalaruang ang mga itlog ng undin kung ayaw niyong matulad kay Ai-Ai Delas Alas na nilusaw ng undin! Bwahaha!
Araw ng mga Patay
Dati, mga pamilyang nagdadalamhati ang makikita mo sa mga sementeryo tuwing Araw ng mga Patay. Ngayon naman, mga pamilyang nagpi-picnic ang makikita mo! Noong isang beses nga, e may nakita akong pamilya na kumpleto talaga sa gamit--may banig pa at electric fan!
Maya-maya pa, e inilabas na nila ang mga tupperware at kaldero nila na naglalaman ng kanin at adobong manok. Tapos nun e may narinig pa akong nagsabi ng...
"Pakipasa naman yung baked mac!"
AMP!
***
Dati, mga pamilyang nagdadalamhati ang makikita mo sa mga sementeryo tuwing Araw ng mga Patay. Ngayon naman, mga pamilyang nagpi-picnic ang makikita mo! Noong isang beses nga, e may nakita akong pamilya na kumpleto talaga sa gamit--may banig pa at electric fan!
Maya-maya pa, e inilabas na nila ang mga tupperware at kaldero nila na naglalaman ng kanin at adobong manok. Tapos nun e may narinig pa akong nagsabi ng...
"Pakipasa naman yung baked mac!"
AMP!
***
At kung ang karamihan sa atin ay pupunta sa mga sementeryo, ang kapitbahay naman namin ay magdaraos ng kanyang debut! Ang naiisip ko e dapat sa sementeryo na lang gawin ang kutilyon para tipid. Tapos naka-corpse bride na damit yung debutante habang ang mga kasali sa kutilyon ay naka-Kokey at Kakay na costume.
"O yung mga kasali sa 18 candles, pumili na kayo ng mga kandila sa mga puntod diyan at magsisimula na tayo!"
"O yung mga kasali sa 18 roses kahit hindi na rose! Okay na yang mga bouquet na dinala niyo para sa patay. Basta tanggalin niyo lang yung ribbon na may nakasulat na "Condolence" at "In loving memories of..."
Sayang hindi ako imbitado.
Lamay at Libing
Kapag namatay ako nang sikat at mayaman na mayaman, sisiguraduhin kong ubod ng lupit ng aking magiging lamay at libing. Sa ngayon, ay may mga kaunting ideya at plano na ako:
- Sa Araneta Coliseum gagawin ang lamay. FREE admission.
- Si Edu Manzano ang magho-host ng tong-its habang si Kris Aquino naman sa saklaan.
- Imbes na korniks, ginupit na tsinelas o butong-pakwan, e maliit na dyamante ang gagamiting pantantos sa mga bingo cards.
- Imbes na simpleng biskwit at Sky Flakes, ay Oreo cookies ang ipapakain sa mga nakikipaglamay. Magkakaroon din ng chocolate fountain.
- Imbes na mainit na Cafe Puro sa styrofoam cups, e aarkilahin ang Starbucks. Party na naman ang mga Istarbakers! Frappe all you can 'to!
- Imbes na estatwa ng mga anghel, e ang anim na Victoria's Secret Angels ang nakalibot sa aking kabaong
- Siyempre, televised ito worldwide.
- Para naman sa lugar na paglalagakan ng aking mga labi, ay pinag-iisipan ko pa kung sa St. Peter's Basilica sa Vatican City o sa Great Pyramid sa Egypt. Ano sa tingin niyo?
22 Comments:
tapos pupunta si PGMA at magbigay ng 1 million na abuloy.
Super tawa ako sa post mo na to. Ilang weeks din na hindi ako nakatawa.
the best talaga! Keep it up!
gwahaha. with papaya sounds ba ito. XD solb. punta akong libing mo. XD puede bang yung nakacosplay? halloween special.. ahaha
redlan: di na kailangan ng abuloy ni GMA! Hehe!
paula: Oo naman! Kahit nakahubad okay lang!
aba! parang pamilya namin yung banig and all ah! reunion kung reunion kala mo! parang piyesta, may handa tlga!
at aiaw ko magpamili reyunyoooon!
ang saya naman at nag-update ka na! haha! can't wait for the lamay, pwedeng bang ipa-schedule toh ng mas maaga???! -peace!- go ako s starbucks!!
WTF? ganda ng lamay mo ah? may vs angels ka pa. hahaha..
about dun naman sa shake rattle and roll and other horror movies, nagsawa nako sa mga yun. nabana kasi ako sakanila nung bata ako,, napanuod ko na halos lahat. hahaha.
napakaresourceful naman ng iyong kapitbahay na magddebut.
lol!
y not invite oprah? special host. weeh...hehe
tpoz ang magce2lebrate ng mass u ay c Pope Benedict. weeh ulit. hehe
adik ka tlga! ang creepy mo!
n yun kapitbahay u na magdebut, pag sa cementeryo xia party mahirap yun... maraming uninvinted guest ang pu2nta, no need 2 buy 4 costume, nka costume na cla awooooo!!! awwoooo! ok. corny. ha ha
lupit ng lamay natin ah? Natalo mo ako, ako gusto ko parang bar lang tapos maraming mga gangsteeeeeeeeeerrs and yung mga rockers naman head banging lang kahit na yung song eh Get low by Lil Jon. Lupit talaga ng lamay mo.
And haha sa debut ang malas naman ng debut nun kasama niya mga patay nag diriwang! aysus maria and tama ka nga dapat sa cementeryo nalang diba :P Para tipid at original pa ang theme ng debut! Corpse!
present din ako dyan sa lamayan na yan..pwede i-take home yung victorias secret angels? nakow magsasawa ang mga kapa-adiks sa pa-starbucks mo.
pupunta ako XD
The best ang lamay mo tsong! Pwedeng panenok ng Oreo cookies? Para sa mga buhay kuhol na katulad ko, nabubuhay lang ako sa libre.
Teka, ano ang "theme song" mo sa libing?
hahaha! natawa naman ako d2! At sa wakas eh nag-update ka na rin! saya-saya! Ayoko manood ng shake rattle and roll kasi minsan nakakabwisit ung itsura ng mga halimaw, mukha lang silang mascot na pangit sa pagkakagawa! amp! Bakit oreo lang? dpat hamburger na rin o kaya black forest na chocolates! yummy! hahahaha!!!
Uy, in fairness, ilang araw din akong paranoid sa banyo namin dahil natakot talaga ako na baka biglang sumulpot si Undin, haha! Batang-bata pa ako noon..
Sosyal naman ng burol mo.. Starbucks! Frappe all you can! Please invite me, hehe!
hello!!! ni-link kita.. ;)
tanong ko lang.. ano ang magiging theme song mo at sino ang kakanta kapag papunta na sa huling hantungan sa Vatican or Egypt?
hahaha...ang kulit...si undin, di ako natakot jan kc naawa ako kc mahal lang naman nya mga nak nya e...kasalanan ni candy pangilinan kc ninakaw nya yung itlog...
yung debut mas mainam nga na sa minteryo na...libre pa lahat, pagkain nlng poproblemahin at costume...
bloghoppin nga pala...
meow pinaligaya mo na naman ako =)
Di ako dati nakapuntang bathroom for days dahil sa undin na 'yan. Feeling ko kasi may lalabas na undin sa toilet. Wild kasi imagination ko din nu'ng bata ako. :|
para nmn sumaya ka sa huling hantungan mo xempre isasama ko ang panauhing pandangal mo.. c _ _ g _ e .. haha..
present ako sa lamay mo! haha. ang kulet. sana may pa-take home sa mga pupunta.
Ang tagal kong di nakadaan dito, nakakamiss! Anyway, isang Shake, Rattle and Roll lang yata napanood ko. Base sa litratong ipinakita mo dito, eh grabe, mukhang low-tech yung multo. At sobrang astig naman ng libing mo. Free admission naman diba? So ibig sabihin pwede akong pumunta para makalibreng Starbucks ako pati papicture narin sa Victoria's Secret angels. :)
...sounds like Philippines' Hugh Hefner...hmmm...VS models pala trip mo ah...haha
ngayon palang binabati na lita ng happy condolence!
pinagiisipan ko na rin kung anong pagagawa ko sa burol ko salamat sa idea. share naman ako, di ba me ride pa papuntang cementeryo taz tugtugan nio slipknot o kaya me live band o kaya ung wamiwami hoo taz sumasayaw sila mark herraz (di ma lamay un sop na un kun trip mo lang naman) sa chopper taz ung coffin mo gawa sa ginto di ba bongga. kung gusto mo pa cremate ka taz habang nasa helicopter isaboy abo mo sa forbes subdi o kaya sa white house para magka asthma si bush taz mamatay sia
happy condolence to all!!!!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home