Sunday, October 28, 2007

Mga Pinagkakaabalahan

Tinamaan na naman ako ng aking sakit na katamaran kaya hindi ako makapag-update at bloghop. Medyo tinatamad rin akong magsulat dahil nagsawa na ako nung nakaraang semester--gusto ko naman siyang takasan kahit sandali lang. Hehe.



Bukod sa panunuod ng porn at pagtunganga, e mayroon din naman akong ibang pinagkakaabalahan gaya ng pagbabasa ng mga libro ni Haruki Murakami.

Tae, kulang isang linggo na lang ang nalalabi sa sembreak pero dalawa pa lang ang natatapos ko Hindi kasi ako makapagbasa ng tuloy-tuloy dahil nanunuod rin ako ng mga anime. Kung mapapansin niyo e naka-condom pa yung tatlong libro. Nagpapanic na ako dahil kailangang kong matapos lahat 'to bago magpasukan dahil tiyak mawawalan na naman ako ng buhay.

Bukod diyan, e kailangan ko ring mapanuod ang mga sumusunod na anime bago magpasukan:
  • Toki wo Kakeru Shoujo
  • Mushi-shi
  • Byousoku 5 Centimeters
  • Monster
  • The Place Promised In Our Early Days
  • Perfect Blue
  • Le Chevalier D'Eon
  • Samurai Champloo
  • Sayonara Zetsubo Sensei
Katatapos ko lang ng Death Note at Battle Royale (Oo, napaka-late ko pagdating sa mga ganito). Gusto ko tuloy gumawa ng Pinoy Battle Royale: Celebrity Edition. Siyempre kasali na sina Jay Justiniano ng Cueshe, Kim Chiu at Gerald Anderson doon by default.

Tae, i-good luck niyo naman ako na magawa ko itong lahat. Hehe.

11 Comments:

Blogger The Rain Sprite said...

perfect blue - good choice! magandang anime yan! haha

October 30, 2007 at 8:25:00 PM GMT+8  
Blogger the_fallen said...

panoorin mo ung green green tv! mag-eenjoy ka!! woohoo!!

di ko na alam ang una kong papanoorin sa dami ng naka-pending. bukod sa mga dvd at vcd na hiniram ko (death note movie 2, full moon wo sagashite, steamboy, wonderful days, fate/stay night, moonchild) eh pinanood ko pa yang green green tv, gantz (binabasa ko rin ang manga!), at bleach (tangina napag-iwanan na ko sa dami nito)

dvd ba yang mga anime mo? baka pwede pahiram! haha!XD

pahiram rin ng murakami mo... >.>
(pero alam ko madamot ka sa libro dahil dun sa sheldon mong hindi na naibalik.. awww..)

October 30, 2007 at 9:05:00 PM GMT+8  
Blogger RedLan said...

napakadali ng panahon no? balik eskwela na naman next week.

i-try mo kaya na nagbabasa ka ng libro at nakikinig ka na lamang sa tv- multi-task. hehehe. joke

October 30, 2007 at 9:45:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Shet adik ka kay murakami ah. Norwegian woods lang ang nabasa ko jan eh. ganda, bitin haha

October 31, 2007 at 11:46:00 AM GMT+8  
Blogger KC said...

So talagang sineryoso mo ang pagbabasa ng Murakami.

Uy ayos yung Pinoy Battle Royale. Maganda na ang default line-up. Dapat si Jay Justiniano ng Cueshe ang costume niya trenchcoat tapos nagbabaskil (basang kili-kili) pa. Aylabett!

October 31, 2007 at 5:46:00 PM GMT+8  
Blogger kim said...

peram ako ng libro sa pasukan..

October 31, 2007 at 6:39:00 PM GMT+8  
Blogger kim said...

uy wag mo kalimutan si Pauleen Luna!
kelangan mamatay ung biatch na un! haha >:D

October 31, 2007 at 6:42:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ayan, "i-gudlak" na kita. sana pag natapos mo na yang sandamakmak na animes, marunong ka na rin mag-japanese kahit paano bago magpasukan.

October 31, 2007 at 9:41:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

pahiram na lang ako n mga hindimo pa nababasa.
mabilis ako ako magbasa.
Pramis!!!

October 31, 2007 at 10:03:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

pahiram na lang ako n mga hindimo pa nababasa.
mabilis ako ako magbasa.
Pramis!!!

-irene sexy

October 31, 2007 at 10:04:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hey, nakita mo na ba yung kin tamago or golden eggs na animation? look for it! its in japanese but it has english subtitiles. funny sya promise.

nice blog! ;-)

November 17, 2007 at 11:48:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home