Ilan sa mga kahihiyan ng buhay ko pagdating sa sining...
(Pasensiya na kung mahaba, ang essay na 'to (kung essay bang matatawag). Ito ay isang requirement para sa klase namin sa Retorika. Bahala na kayo kung pagtiya-tiyagaan niyong basahin)
Siguro nang magsabog ang Diyos ng (…), e natutulog ka.
‘Yan ang laging biro para sa mga taong may pagka-inutil sa isang partikular na bagay. At noong bata pa ako, ito ang laging pang-aasar sa akin ng aking dakilang ina. Kadalasan, ang salitang talent ang isinasaksak niya sa loob ng mga panaklong yun (turo sa quote sa itaaas). Matalino raw ako kaya lang, wala raw akong talento sa kahit na anong bagay—lalo na sa art o sining.
Pre-School
Kinder ako nang una kong ipinamalas ang aking husay sa pagguhit. Isang araw sa aming klase sa English, inutusan ako ni Ms. Arellano, ang aming guro na hanggang dede kung magpantalon, na gumuhit ng isang “mother” sa pisara. Pero sa halip na “mother,” e “butter” ang iginuhit ko. Mga bilog, parisukat at parihaba lang kasi ang kaya kong iguhit noon. At dahil sa kapalpakang ‘yon, napagalitan ako ni Ms. Arellano. Wala raw “mother” na palaman sa tinapay.
Okay, fine.
Elementary
Pagtuntong ko ng Grade 1, e medyo gumaling na ako sa pagguhit. Ngayon, nakakaguhit na ako ng mga bundok, kapatagan at bahay-kubo. Kaya naman tuwing magpapaguhit ang aming guro e laging ang mga bagay na ito ang iginuguhit ko. Nagkakatalo lang ang mga drowing ko sa dami ng mga ibong lumilipad at punlang nakatanim sa kapatagan.
Grade 6 ang unang sabak ko sa pagkanta. Napagtripan ako ng aming guro sa MAPE na isali sa isang Christmas singing program na ang tema ay “Pasko sa Pilipinas.” Ang konspeto ng aming gagawing presentasyon, e bayanihan. Kunwari ay mga magkakapit-bahay kami na nagbabayanihan para sa nalalapit na Kapaskuhan. Habang kumakanta ng mga awiting pamasko, ang pangunahing grupo ay aarte na nagsasabit ng mga banderitas. Ang pangalawang grupo naman ay magtutulungan sa pagbuhat ng bahay-kubo na ililipat sa kung saan. At ang huling grupo a.k.a. ang grupo ng mga panakip-butas, ay magkukunwaring naglalagay ng mga palamuti sa dambuhalang Christmas tree.
Siyempre, doon ako sa huling grupo. Kung nagkataong ang presentasyon na ‘yon e Beauty and the Beast, siguradong isa ako sa mga kubyertos o almires na kumakanta at sumasayaw sa kusina. Hindi naman talaga ako marunong kumanta e, sadyang malupit lang ang guro namin sa MAPE na pwedeng mag-audition bilang isang long-lost sibling ng mga Teletubbies.
High School
First year high school naman ako nang mapasubo ako sa pagsasayaw. Para naman ito sa isang requirement sa PE. Napagdesisyunan ng lider ng aming grupo na ang pamatay na kanta ni Lou Bega na “Angelina” ang sasayawin namin. Hindi pa man kami nag-eensayo, e nararamdaman ko nang magiging kahindik-hindik ang kalalabasan nito. At ganuon nga ang nangyari. Hindi sapat ang salita upang ipahayag kung gaano kasaklap ang naging kinalabasan ng aming sayaw. Nagmukha kaming mga kiti-kiting tinubuan ng dalawang kaliwang paa.
Oo nga pala, nag-piano lessons nga rin pala ako nung taong iyon. Pinilit akong mag-piano lessons ng nanay ko dahil sayang naman raw ang keyboards sa bahay. Pumayag ako dahil wala naman akong gagawing matino nung bakasyon na ‘yon. Madalas akong mapagalitan ng trainer nun dahil kinakabisado ko ang mga piyesa imbes na basahin. Takte, napakabano ko! Pero di kalaaunan e medyo natuto naman akong bumasa ng mga simpleng piyesa gaya ng Twinkle-Twinkle Little Star.
Sa kabutihang-palad, nagpunyagi ako nung recital namin nang tugtugin ko ang isang lullaby ni Brahms. Ang saya-saya ko nun dahil ilang ulit nagkamali yung kaklase kong kambal na Bumbay nung recital (Sige na, “Indian” para hindi racist ang dating). Ang saya-saya ko dahil may mga taong mas miserable pa sa akin. Kapag miserable ka nga naman, kailangan mong humanap ng mas miserable sa ‘yo para maging masaya ka. Naku masama 'to, nahahawa na ako sa mga emo.
‘Nga pala, hindi na ako marunong tumugtog ngayon.
Nagsimula naman akong mag-feeling writer noong second year high school. Uso kasi noon ang pagsusulat ng tula. At kung maganda ang tula mo, e ipapaskil ito sa bulletin board sa loob ng klasrum para mabasa ng lahat. Dahil nananalaytay sa aking dugo ang pagiging inggitero, e nakiuso ako kahit hindi ko naman talaga hilig ang pagsusulat. Nagsulat ako ng mga tulang ngayo’y pilit kong iwinawaksi mula sa aking alaala. Kung sakaling makakita ka ng kopya nun e, alalahaning uminom ng Bonamine isang oras bago magbasa. Pero mukhang malabo na ‘yon dahil sa computer ng dati kong kaklase naka-save ang kopya nun--ni-reformat na ang computer niya--YES!
Noong fourth year high school naman ako, e hindi ko akalaing masasali ako sa isang Journalism contest. Paano ba naman, hindi naman talaga ako kasali sa mga estudyanteng ine-ensayo para sa contest na ‘yun. Gusto lang talaga ng isang makulit na Aedes Aegypti mosquito na bigyan ng Dengue Fever ng isa sa kaklase kong kalahok isang araw bago ang contest (Hindi ako sigurado kung Dengue dahil parang Pneumonia ang naging sakit niya. Basta nagkasakit siya).
Gaya nang dati, e napagtripan na naman ako ng aking guro kaya ako ang isinali. Binola-bola pa ako ng magaling raw ako kaya niya ako gagawing substitute. Ako naman ‘tong uto-uto, e di pumayag ako. Sa Filipino Features ako nailagay—ayos wala akong alam. Kaya naman nung ibinigay ng contest emcee ang paksa (Gloria VS FPJ) e bumanat lang ako ng bumanat nang hindi nag-iisip. Ang resulta, 15th place out of 15 participants (Joke lang. Hindi ko alam kung pang-ilan talaga ako. At hindi ko alam kung ilan ang kalaban ko. Hindi ko nga alam kung binasa ng mga judges ang isinulat ko e).
College
Sa wakas, kolehiyo na. Wala ng kung anu-anong kaletsehang programs na kailangang salihan. Magiging mapayapa na ang aking buhay. Yun ang akala ko hanggang makilala ko ang guro namin sa Social Dance nung second year—si Ma’am Atienza (Si Ma’am Atienza, e hybrid ni Vangie Labalan at Ms. Tapia). Aba, sukat ba namang isali ako sa pakulo niyang "Ola Bayle"—isang ballroom dancing contest/circus/gag show.
Takte, kahihiyan na naman. Bukod sa nagkamali-mali kami ng kapareha ko, e may suot-suot pa akong pulang polo na mukhang sako. Gusto kong magsagawa ng lobotomy sa mga kaklase kong nakapanuod ng contest na ‘yun.
Sa ngayon e mas magaling pang gumuhit ang kapatid kong sampung taong gulang at pareho pa ring kaliwa ang mga paa ko. Pero ayos lang dahil wala naman akong magagawa.
Hay, sadyang kaylupit ng tadhana (tutugtog ang theme song ng Mara Clara sa background).

14 Comments:
hindi ka pala talentado?! XD nag-upd8 k n rin s wakas!
Nakalimutan mong idagdag na nung sumayaw kayo ng "Angelina", bilang parte ng inyong "look", ay medyo nakabukas ang mga polo niyo at sumisilip ang sando ninyong pang-ilalim. Hahaha!
Winner ang performance niyo dito.
Sino yung teacher sa MAPE na mukhang miyembro ng Teletubbies?
Wag ka na nga pala magpa-humble sa pagsusulat mo dahil alam namin ang totoo.
Lover
Uy, poli! Kamusta ang dubai? May talent ka naman, aminin mo na!
Uy Poli!!!
I see na biktima ka rin pala ng mga kahindik-hindik na mga school production numbers. Minsan ang sarap tuhugin ng mga nagpupumilit na isali ka kahit alam naman na isa kang pampagulo.
Alam ko yan dahil ganyan din ako dati. Saka lang ako sumasali pag feel ko pero most of the time, saling pusa lang. =)
hay naku! akala ko ako lang ang hindi talentado.. katulad mo, hindi rin ako marunong magdrowing (tulad mo, ang kaya ko lang ay yung bahay-kubo na may bundok at kapatagan sa background).. di rin ako marunong sumayaw, pareho ding kaliwa ang aking mga paa.. mahilig akong kumanta pero ayaw sa akin ng pagkanta.. pangarap ko ngang matutong tumugtog ng isang instrumento.. ngunit, ito'y pangarap na lamang talaga.. :(
hehe! nice post! naka-relate ako ng sobra!
hahahaha! laughtrip as usual. :D grabe namiss kita seryoso!
can relate ako sa post ns ito. hindi ko alam kung bakit never akong nahilig sa pagdrawing kahit nung bata ako. naalala ko din nung 2nd year hs kame, sinayaw din namen yung angelina! garter pa nga yung props namen. hahaha! ewan ko kung anung ginawa namen nun.. hahaha.
bibo kid din ako nung highschool... naalala ko nung 3rd year naman kame,may play kame for Linggo ng wika. ako yung gumanap na nanay nung bida. may part dun na naglalaba ako sa gilid ng stage tapos may sasayaw ng interpretative sa gitna. nung rehearsal ba naman, nagalit yung choreographer dun sa mga dancers tas pinalo sila sa paa, sabay sabi, "point your toes!" tas yung bakla pati ako pinalo sa paa! aba, sabi ko... "ah kailangan pag naglalaba naka-point din yung toes??!!"
hahaha. nag social dance din ako... si ms kamus yung prof ko. :D
lol poli naiimagine q ung social dance days [leche]..haha
grabe parang "ang mga kagila-gilalas na karanasan ni juan dela cruz" lang ah.. haha (exage lng)
nice story-telling.. naiimagine na kta ng mga elem and hghschool days m..XD
ayos! buhay ka na naman pre!
taenang social dance yan..yan lang din yung time na napilit ako sumayaw kasi requirement. sa drowing pwde na pagtyagaan yung mga obra ko..hehe! pero nagsimula din ako dyan sa bundok,palayan w/ ibon na sinasabi mo..pambata nga
sabi nung isang kaibigan kong si andrew, lahat daw ng tao ay nakaka-drowing. nga lang, hindi raw lahat ng tao e mahusay mag-drowing. nyaha. magaling mag-drowing si andrew :D
ansaya! relate ako sa Journ contest anecdote mo.
Oh. Tomasino ka? Baka naging kaklase pa kita sa social dance. haha, tres ako dun. Pero nakalimutan ko na yata ang itsura ng mga prof. Basta magkakahawig ang buhok nila. Saka diba table tennis si ma'am salamat?
Pareho tayong walang talento sa paguhit. Naalala kong sinusumbong pa ako ng art teacher ko dati dahil hindi ko daw siya siniseryoso.
ok lng yan Poli.
sinalo mo nman lahat ng talent ng galing sa Comedy!
at magaling tyo sa Photography!
hehehe.
may video ako ng sayaw nyo nung Ola Bayle!
Ano kaya kng iblog ko un? haha
pareho tayong walang talent sa pagsayaw at pagtugtog... pero sa pagdrowing kahit papano.. kahit papano mejo mejo nakakadrawing...
buti nag-update ka na... fan ako nito eh.. kakatuwa ka kasi...
hehe nakngtokwa nakikita ko ang sarili ko sa ganyan... ung mga ganyang chorva ang nagpapamukha na isa kang idiota... asar bano hehehe... ganyan din ako sa school huhuhu ngayon kasama ko sa kotilyon na kung sino man nagpasuo sana mamatay na pero doing well naman... bat ba kase pinagpipilitan ang mga walang talent sumayaw na sumayaw... eh kung pakantahin na lang nila tau eh di sana basag eardrums nila...
tae bob ong na bob ong kna...naku prang wlang originality...ai meron nman pla...hnd gaanong ng mumura si bob ong hehe...pro since wla pang mga bgong post and books si bob ong ung sau una...saya! nkkatuwa!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home