Wednesday, May 21, 2008

Keh Shipp Sekkya!

Kaninang umaga habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep, e natawa ako nang napansin kong may kaguluhan na nangyayari sa tapat ng maliit na talipapa ni Aling Beybi. Siyempre, dahil nagmana ko sa aking nanay ng pagiging usisero, e lumapit ako para makita ko kung ano ba ang pinagkakaguluhan ng isang lupon ng mga nanay at mga matatandang dalaga na dapat ay nasa kani-kanilang bahay na at nagluluto na nang pananghalian.

Paglapit ko, napag-alaman ko na ang sanhi ng kaguluhan ay isang maputing babae na pilit kinakausap ng mga suki ni Aling Beybi. Tinignan ko ng maigi ang babae--maputi, walang tupi ang talukap ng mga mata, may 'Jolina' bangs at naka pulang sweater sa ilalim ng nagngangalit na sikat ng araw.

Puta, bakit may Koreana dito sa barangay namin?

Wala naman akong natatandaang English school sa lugar namin. O baka naman meron na dahil hindi naman pwedeng dumayo siya sa amin para lang bumili ng atay ng manok kay Aling Beybi.

Naisip ko na baka naman nakapangasawa ng Koreano ang anak ni Aling Beybi sa abroad at ngayo'y dinadalaw siya. Pero imposible 'yun dahil kakulay ng nagtutong na kanin ang balat ng pamilya nina Aling Beybi. Bukod pa diyan, e kasinglaki ng gulong ng ten-wheeler ang mga mata nila. Kaya kahit makapangasawa ng Koreano ang anak niya, e hindi pwedeng hindi mahawahan ng alkitran ang magiging anak nila.

Nang napansin kong medyo nalilibang ako sa pagbuo ng mga kung anu-anong conspiracy theory tungkol sa misteryosang Koreanang 'yun, e umalis na ako dahil male-late na ako para internship ko. Pero bago pa man ako makalayo, isa sa mga usi ang biglang sumigaw...

"Naku, andyan pala ang anak ni Nene! Naku, magaling mag-English 'yan! Journalism ang kinukuha niyan! Halika muna dito, kausapin mo muna 'tong Koreanang 'to. Naligaw yata!"

Tsk, tsk, sigurado akong nanay ko punong salirin. Pinagyabang siguro na magaling akong mag-English. Tae, mabuti sana kung totoo. E ang kaso, hindi ako makapagsalita ng English ng hindi nagkakabuhul-buhol ang dila e. Paano ako magiging weather man ng CNN niyan?

Gusto kong kumaripas ng takbo palayo nung mga panahong 'yun pero tangina, nagtaksil ang mga paa ko at dinala ako papalapit dun sa Koreana. Pero nanaig pa rin ang aking pagiging matulungin sa kapwa. Hehe. Punyeta, bigla akong kinabahan napasabak ako e. Pero naisip ko na bakit nga ba ako ang kinakabahan e ako 'tong kahit papaano, e marunong magsalita ng English.

Ako: Where-are-you-going-to?

Koreana: To mansion. Meeting someone.

Aba, marunong na naman pala e! Pinutol-putol ko pa yung salita ko. Ako tuloy ang nagmukhang tanga. Bakit kaya karamihan ng mga Pilipinong nakikita ko, (dinamay lahat ng Pilipino e no) kapag may kausap na di marunong mag-English, e bigla silang nahahawa (gaya ko)?

Bigla na lang nagiging maximum of three words per sentence ang mga sinasabi niya. Gaya ng 'Where you go' 'Food taste good' 'Building, so tall' 'I eat later' 'I very horny' Pagkatapos, sasamahan pa 'yan ng mga pagturo kung saan-saan at paga-acting ng mga words na sinasabi nila. Kulang na lang maglaro ng charades.

Paano nga pala 'yung action ng horny?

Pero teka, ano nga pala 'yung mansion? Ang alam ko e ang mansion e ibang tawag rin para sa mga apartment o condominium? Kung ganun, good luck na lang dahil ang dami-dami nun. Unless willing siya mag-trial and error.

Napagdesisyunan kong umalis na lang dahil baka lalo lang gumulo ang mga pangyayari. Bahala na siya. Hindi naman siya si Song Hye-kyo para pagtiyagaan.

Ako: I don't think I can help you. Try calling up your friend. Sorry, I have to go.

Whanepshet! Tatlong sentences 'yun nang hindi nabubulol! Pwede na siguro akong magturo ng English.

Tsk, tsk, bakit nga ba hindi ko naisipang mag-offer sa kanya ng lessons? Sayang din 'yun pandagdag-ipon din 'yun para makabili ako ng PS3

Keh Shipp Sekkya!

PS: Mukha namang nakaalis na 'yung Koreana dahil wala na siya nung pag-uwi ko kanina.

24 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Ano yung alkitran?

Ano naman ang feeling maging star ng atensyon ng mga usiserang nanay?




Lover

May 21, 2008 at 1:32:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Dapat eh dinala mo na lang siya sa korean embassy. Pero kahit ako eh hindi alam kung saan nakasituate ang lugar na yun.

May 21, 2008 at 1:41:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

I hope she got out of there safely xD

May 21, 2008 at 11:41:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ang cute ng mommy mo! haha. proud sau eh. hehe

umuulan ng koreana sa review center ko. at pagkasabay ko cla sa elevator...tig-3 salita ng Ingles din ang naririnig ko sa kanila. haha

May 21, 2008 at 12:11:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

si Aling Beybi naman kasi, baka nireto-reto pa kung kanino kaya lalong naguluhan yung babae. pero bakit nga kaya ang mga koreana, kamukha ni jolina, pero si jolina hindi mukhang koreana?

ewan. maligayang pagbabalik..

May 21, 2008 at 12:49:00 PM GMT+8  
Blogger PoPoY said...

hahha poli welcome back at may bagong update ha??

ayos yung koreana. amoy kimchi ba?? hehhe

May 21, 2008 at 2:34:00 PM GMT+8  
Blogger RedLan said...

wattaman! lol. nag-update ka na. at ngayon lang ako naging mukhang baliw ulit na naghalakhak sa harap ng computer screen.

kala ko ikaw yung hinahanap ng koreana. natawa ako sa three sentences mo ha.

May 21, 2008 at 7:15:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Hanep, hanep sa English ah! Ayos yan, may past time din ako ng pagiging usi :D

May 22, 2008 at 9:13:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

pano sha naging horny? yehey nagupdate ka naaa!

May 22, 2008 at 12:11:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

anu nga kaya talaga ang gustong sabihin nung koreanang yun???

May 22, 2008 at 8:32:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

haha, at least, nakaalis sya diba. :) ang kyut naman ng nanay mo! nako pag sa akin,

ay yang bunso ko, sa lahat ng anak ko yan lang ang gagraduate ng college ng walang honor.

huhu.

haha.

baliw.

adik.

poli-adik.

huh?

May 22, 2008 at 10:39:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

HAHAHAHAHAH! Galing! ikaw ang nagtanong sa koreana!

e pamatay din yung amin, kami ang nilapitan ni betsi ng mga koreano para turuan silang magdasal sa ingles, kamosta naman?!

astig ka! arteng klassy! "I don't think I can help you. Try calling up your friend. Sorry, I have to go."

HAHAHAHAHAH! ^_____^

May 23, 2008 at 3:35:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

naks! proud na proud nanay mo! =)
-
wei

May 24, 2008 at 6:32:00 PM GMT+8  
Blogger Abad said...

minsan nagugulat nga din ako't napapaingles sa mga koreanang yan.

May 24, 2008 at 11:36:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kawawa naman yung koreanang naligaw sana hinatid mo sa condo nila baka nag aalala na yung ate nya (kung meron). kunng naging matyaga ka lang sana..haha

May 26, 2008 at 9:00:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

sa wakas at nag-update ka na po. woohoo!!!

ako may klasmeyt kasi akong koreana at ayun slow slow lang ako magjengliz para magkaintindihan kami. wapak!!!

kaya kung napasok ako sa ganyang situation eh hindi naman na siguro ako mapapaspeechless! HAHAHA!

May 26, 2008 at 12:07:00 PM GMT+8  
Blogger Lyzius said...

ayun naman at me bagong update na..san ka ba lupalop nanggaling?

May 26, 2008 at 12:26:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

haha. nice post. laff trip as always. add kita sa blogroll ko ha. =)

May 26, 2008 at 5:30:00 PM GMT+8  
Blogger mikel said...

nagising ako sa "I very horny." binasa ko uli ng masinsinan para makuha kung paano napasok ang horny. haha. napaghahalataan. :)

May 26, 2008 at 10:40:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Chics ba 'yung Koreana? Maputi ba at materiales fuertes? Hehehe.

Well good luck na nga lang sa kanya kung medyo kinukulang siya sa detalye tungkol sa patutunguhan niya.

Baka maiuwi ko lang siya AH ESTE siyempre maghahanap ako ng ibang paraan. Medyo hassle ang maligaw sa lugar na hindi alam e.

June 4, 2008 at 11:15:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Hi,

I'm Elmer and I work at pacificadvance.com, a company interested in blog advertizing. I found your blog poli-adik.blogspot.com engaging and I'm contacting you to ask if you are interested in blog post sponsorship.

If you are interested, kindly mail back (elmer@pacificadvance.com) and I'll send you pricing details, guidelines and processes. Looking forward to doing business with you.

Sincerely,

Elmer
Pacificadvance.com

June 16, 2008 at 5:08:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

nyahaha ayus ka talaga

June 22, 2008 at 2:47:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Di mo pa sinasagot si Lover...

Ano nga ba ang alkitran??

-bitch3

June 22, 2008 at 8:38:00 PM GMT+8  
Blogger Christine said...

Hi guys.. just dropping by..

June 26, 2008 at 9:00:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home