Wednesday, July 9, 2008

Kupalaran

Homework ko 'to para sa klase ni Sir Atalia. Pinagawa niya kami ng horoscope para malaman niya kung pwede na raw kaming manloko ng mga taong nagbabasa ng tabloid. Hehe!

Syempre, bago ako nagsulat ng sarili kong horoscope, pinag-aralan ko muna ang pag-iinterpret ng mga posisyon ng mga planeta, mga bituin at kung anu-ano pang heavenly bodies para masigurado kong accurate ang aking mga readings.

Heto na ang inyong mga kupalaran para sa araw na 'to--o kung anong araw mo man mababasa 'to:

Aquarius


Isang mahal sa buhay ang hihingi sa iyo ng tulong para pambili ng gamot para sa kanyang sakit sa puso. Gulatin muna siya o pakainin ng isang kilong Lapid's chicharon upang makasigurado kung may sakit nga siya sa puso, o rumaraket lang.

Pisces

Mananalo ka ng isang all-expense-paid trip for two sa El Nido, Palawan courtesy of Sulpicio Lines.

Aries

Mag-ingat sa roommate na emo. Huwag na huwag magbibitiw ng mga pangit na komento patungkol sa My Chemical Romance at sa disipulo nila na Chicosci (Cheeko-skeeh) kung ayaw masaksak sa leeg ng bagong tasa na eyeliner.

Taurus

Sawa na ang mga estudyante mo sa kropek at nilagang mani na itinitinda mo sa classroom.

Gemini

Makakasalubong mo sa isang mall ang iniidolo mong bokalista ng isang sikat na banda. Clue: Sa letrang J nagsisimula ang pangalan ng bokalista, at letter sa letrang C naman ang pangalan ng banda.

Lagi na lang umuulan....

Cancer

Hindi Viagra ang solusyon sa iyong suliranin. Kumuha ng itim na sako at isaklob sa ulo ng katalik.

Leo

Ang pagkatalo ni Federer sa final ng Wimbledon nung Linggo ay 'di nangangahulugang katapusan na ng mundo. Iwasang tumitig sa mga bagay gaya ng labaha, martilyo, sleeping pills at panis na spaghetti. Iwasan ring manakit ng mga batang naglalaro ng jolens at ng mga galang kuting sa 'yong daan pauwi. I-channel na lamang 'yong lakas sa mga bagay na mas mahalaga kaysa sa tennis gaya ng pagtulong sa gawaing bahay, pag-aaral at pagdarasal ng orasyon sa wikang Hebrew.

Virgo

Huwag malungkot kung pakiramdam mo ay hindi ka nababagay o masaya sa kursong kinukuha mo ngayon. Malalaman mong hindi lang ikaw ang may ganitong problema kapag nagtatrabaho ka na sa isang call center.

Libra


Lolooban ng isang holdapper ang iyong sasakyang jeep habang ikaw ay pauwi ng San Mateo mamayang alas-onse ng gabi. Huwag mag-panic. Kuya mo lang 'yan -- nag-o-over time para may pambaon ka bukas.

Scorpio

Isang ‘di inaasahang pangyayari ang magpapalungkot sa’yo ngayong araw. Bukod pa ‘to sa gagawing pagtatapat ng syota mo na meron siyang AIDS.

Capricorn

Matutuklasan mong nawawala ang iyong G-string na kulay dilaw. Sayang at 'yon pa naman ang request sa'yo ng kalaguyo mong si Berto na suotin para sa inyong date mamaya.

Sagitarrius

Hinahanap na ng iyong amo ang kanyang dilaw na G-string na siya mong ipinuslit para sa date niyo ng hardinero ni Mrs. Lomeda na si Berto. Isauli na ito sa lalong madaling panahon kung ang pagbalik sa ahensya ng 'di oras ay wala sa iyong mga plano.

28 Comments:

Anonymous FerBert said...

Pisces

Mananalo ka ng isang all-expense-paid trip for two sa El Nido, Palawan courtesy of Sulpicio Lines.

ayos ayos!
pwede mo ng palitan si madame auring!

July 9, 2008 at 2:32:00 AM GMT+8  
Blogger Trixielle said...

haha kupal ka talaga kahit kailan.
natuwa ako sa emo.

libra ako.. wala akong kuya pano na yan? sino holdaper?

July 9, 2008 at 9:21:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Allan nagupdate ka na rin sa wakas! Hahaha!Panalo as usual. :D

mafibitch

July 9, 2008 at 6:48:00 PM GMT+8  
Blogger Dahni said...

22o poh yung Aries,sa mga emo,emo kxe ung cousin ko at flavoreyt nia ang chicosci at mcr,saka ung Leo pwamiz!gnun ung kuya q weh hehehe bored!

July 9, 2008 at 10:37:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Siyempre sa lib namin `to binasa ng orgmates ko! Ang eskandalo! Buti na lang walang taga-bell sa basement!


-Bel

July 10, 2008 at 4:57:00 AM GMT+8  
Anonymous hermione said...

Sagitarrius

Hinahanap na ng iyong amo ang kanyang dilaw na G-string na siya mong ipinuslit para sa date niyo ng hardinero ni Mrs. Lomeda na si Berto. Isauli na ito sa lalong madaling panahon kung ang pagbalik sa ahensya ng 'di oras ay wala sa iyong mga plano.


aynako poli! x.x

July 10, 2008 at 11:23:00 AM GMT+8  
Anonymous gasti said...

hindi akma sa akin ang capricorn..hehe! langya ka poli pati pala sa peyups nakarating na yung blog mo..apir naman dyan! iba ka!

buti naman at nag uupdate ka pa rin kahit 2x a month. lols

July 11, 2008 at 10:57:00 AM GMT+8  
Blogger kubiyat said...

nyaha. i like the leo horoscope. haay...i suppose it's time to haul ourselves out of depression eh?

napaka-specific ng mga fate ng tao dito ha. :p

July 11, 2008 at 6:38:00 PM GMT+8  
Blogger redlan said...

ambilis magchange ng template sa kupalaran mo ba to ngayon na dapat magpalit ng template? hehehe. Kagabi ako huling nagbisita, nakalimutan ko mag-comment kaya ito ako ngayon nagtatype.

two free tickets. dalawa kami ni ferbert kasi pareho kaming piscean kaya bad timing sulpicio ang sasakayan. gusto lo pa laya makapunta ng el nido.

kaw ba ani zodshock sign mo?

July 11, 2008 at 7:07:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Kinonsulta mo ba si mafibitch nung nag-interpret ka ng mga pagkilos ng mga planeta at bituin?

Winner yung matalas na eyeliner!




Lover

July 11, 2008 at 7:26:00 PM GMT+8  
Anonymous cigarette-girl said...

thank goodness hindi ako taga san mateo at wala akong kuya/koya for that matter. hehe

July 11, 2008 at 7:49:00 PM GMT+8  
OpenID christian said...

Back in HS, we used to make such "horoscope." Kasama cya dun sa feature section ng school paper namin. Enjoy siyang gawin kahit na kakornihan at katangahan lang yung pinagsusulat namin.

Ginawa ko na rin ito sa blog ko. Haha.

July 13, 2008 at 11:27:00 AM GMT+8  
Blogger amicus said...

haha. buti na lang hula lang. :) bleh! hindi ako sa call center nagtatrabaho!

July 13, 2008 at 1:23:00 PM GMT+8  
Anonymous paolo said...

pisces tlga malupit! :p

July 13, 2008 at 6:58:00 PM GMT+8  
OpenID mushroom18 said...

Ang pagkatalo ni Federer sa final ng Wimbledon nung Linggo ay 'di nangangahulugang katapusan na ng mundo.

HAHAHAHAHA :) VIVA RAFA ako eh. :P

July 14, 2008 at 9:58:00 AM GMT+8  
Blogger PoPoY said...

ano ba to poli ang pangit ng kupalaran ko ahahaha!

July 14, 2008 at 12:41:00 PM GMT+8  
Blogger KC said...

Palitan mo na yung gumagawa ng horoscope sa libre. Haha!

July 16, 2008 at 1:15:00 PM GMT+8  
Blogger Richard the Adventurer said...

Nice naman Poli...

Sorry I cant accept my HOROSCOPE.... Sagitterius po ako...

Hehe!

August 4, 2008 at 3:10:00 PM GMT+8  
Blogger Toffer Acebedo said...

Virgo

Huwag malungkot kung pakiramdam mo ay hindi ka nababagay o masaya sa kursong kinukuha mo ngayon. Malalaman mong hindi lang ikaw ang may ganitong problema kapag nagtatrabaho ka na sa isang call center.

^^ganda naman nito. haha nakakatawa. :D bago lang ako dito, hoping to read more posts from you, sir poli.

August 4, 2008 at 6:40:00 PM GMT+8  
Blogger Vhonne said...

napaisip ako dun sa Libra horoscope...

hindi nga kaya gumagawa ng katarantaduhan ang kuya ko, magkapera lang?

abangan ko na lng mamaya...

October 4, 2008 at 5:12:00 AM GMT+8  
Anonymous flor said...

sapul naman.
from a virgo.

November 7, 2008 at 2:56:00 PM GMT+8  
Anonymous linglingbells said...

oh my! asan na ang g-string ko?


wahahaha!! ang galing! mukhang na-master mo na ang pag-interpret ng mga bituin at planeta! :D

November 10, 2008 at 12:24:00 PM GMT+8  
OpenID ahkong said...

napraning ako dito sa horoscope mo....ayusss

at dahil dun ni-tag kita at bigyan kita ng blogger friendship award.

http://ahkong.wordpress.com/

May 11, 2009 at 3:51:00 PM GMT+8  
Anonymous Kevin said...

Sa totoo lang eh nagbabalak akong mag-boracay ngayong Sembreak. (Pisces ako.) Nakakatakot na to ah.

August 31, 2009 at 11:15:00 PM GMT+8  
Blogger Bino said...

ang kyut ng horoscope...
virgo ako!

di nman ako naapektuhan
kasi hayskul pa ko bro..

Bino

October 24, 2009 at 7:30:00 PM GMT+8  
Anonymous lio loco said...

tangina lang.

virgo ako at isa akong ex-call center puta. at oo, hindi ko gusto ang kursong tinapos ko. gusto kong magsulat pero hindi ka raw yayaman sa pagsusulat.

ang galeng mong mang-hula pre.

si sir atalia bang sinasabi mo eh si EROS ATALIA? ust ka siguro no?

August 14, 2010 at 2:39:00 PM GMT+8  
Blogger Rocky Batumbakal said...

ayos yan ah. dapat magpost ka ng ganyan regularly, para may susundin yung mga adik jan.

August 27, 2011 at 6:43:00 PM GMT+8  
Anonymous amelita a. revilla said...

cancer ako, kaylanagn pala ng itim na sako..hahahaha.............

March 30, 2012 at 7:46:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home