Saturday, July 3, 2010

Si Bong Revilla sa mata ng isang McDonald's telephone operator

(Nangyari noong Oct 15, 2008)

Nang abutin kami ng bukang-liwayway sa mansyon ng aking kaklaseng si Don Miggy Reyes, dahil sa kaka-shoot at kaka-edit ng mga videos na gagamitin para sa aming sports magazine program, napagdesisyunan ng aking mga kagrupo, na noo'y nagririgudon na ang mga tiyan, na umorder na ng almusal sa McDonald's.

Pagkatapos kong ilista ang mga order ng aking mga ka-Team Ball (Timbol), ay tumawag na ako sa 8-McDo gamit ang burgis na wireless phone ng Familia Reyes. Siyam na beses nag-ring ang kabilang linya bago ito sinagot ng isang babaeng telephone operator, na wari ko ay adik sa Chin Chun Su.

Operator: Hi good morning, this is McDonald's delivery!
Ako: O-order po ako ng breakfast meals. Meron na ba?
Operator: Yes sir, meron na po! Can I take your name please?
Ako: Allan
Operator: YES SIR ALLAN! Can I take your number please?
Ako: 0915*******
Operator: Let me repeat that. It's 0-9-1-5-*-*-*-*-*-*-*?
Ako: Opo
Operator: Your address naman po sir?
Ako: #1 Bongavilla (ganito talaga 'yung spelling sa karatula) Street, Project 6, Quezon City.
Operator: Saan po malapit 'yan?
Ako: Malapit 'to sa Trinoma. Along Mindanao Avenue.
Operator: Sandali lang sir, iche-check ko muna kung anong branch malapit diyan.

(Pagkatapos ng ilang sandali)

Operator: Hello sir, OK na po. Repeat ko lang po yung address niyo. It's #1 Bong Revilla St...
Ako: Bongavilla po.
Operator: Ah, Bong Revilla!
Ako: Hindi po. BONGA-VILLA.
Operator: Bong Revilla?! Ito po ba 'yung bayani?
Ako: Ha? Hindi nga Bong Revilla! Bongavilla -- B-O-N-G-A-V-I-L-L-A!
Operator: AAAAAAH! BONGAVILLA! YUNG BULAKLAK!
Ako: Oo!
Operator: HAHAHAHAHA! Sorry sir! So it's #1 Bongavilla St. Project 6, Quezon City.
Ako: Oo.
Operator: Kunin ko na po 'yung order niyo sir.
Ako: Anim na longganisa with rice at hot chocolate....
Operator: Anim na longganisa with riiiiiiice, saka hot chakleyt?
Ako: Oo, hot chocolate.
Operator: Yes sir, hot chakleyt nga po.
Ako: Okay, sige na.

(Pagkatapos kong ibigay ang mga order)

Operator: Sir that would be 1,246 pesos. How much po ang ibabayad niyo?
Ako: Siguro 1,300 pesos.
Operator: Would like to have your change sir?
Ako: Sana.
Operator: HAHAHAHAHA! Okay sir your order will arrive after 30 to 45 minutes. Thank you!
Ako: Salamat!

***
  Bong Revilla, bayani.

7 Comments:

Anonymous efbee said...

May bago pala dito.

Bonggang-Bongga. Bong Revilla. HAHAHAHA

July 26, 2010 at 1:20:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

I have to hear exactly what Millicent says about that =D

December 9, 2010 at 2:53:00 PM GMT+8  
Blogger Michael said...

LOL. Ang bingi naman ng lintik na operator na iyon, at mukha pa yatang walang balak ibigay ang sukli mo.. Ahihihih.. :P

February 3, 2011 at 11:33:00 PM GMT+8  
Anonymous POEA Jobs Canada said...

Ayus to medyo natawa ako ke Bong tuloy.

August 20, 2011 at 9:25:00 PM GMT+8  
Anonymous LBC Philippines said...

Ok sa operator ah... pano kaya natanggap sa trabaho yan? ngek! - Ana

August 22, 2011 at 12:54:00 PM GMT+8  
Blogger Otakore Literantadodist said...

HAHAHA, tangina this:
"Operator: Bong Revilla?! Ito po ba 'yung bayani?"

September 18, 2011 at 5:48:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Order low cost Strattera medication online at discounted price. [url=http://thisoldrv.com/]strattera pills[/url] The medication is most commonly offered in 10, 18, 25, 40, and 60 mg doses and it may take some time for the patient and the doctor to work together to find just the right dose as patients may be more or less sensitive to the medication. Order low cost Strattera medication online at discounted price. The Basics Of Strattera

November 15, 2012 at 7:51:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home