Thursday, June 21, 2007

Sina Judy Ann at Mommy Carol o Sina Maverick and Ariel?

Takte! Dalawang araw na akong inuubo, nilalagnat at sinisipon!

Napakadalang ko lang magkasakit kaya naman kapag napagdiskitahan ako ng mga kaibigan nating viruses at bacteria e daig ko pa ang mga matatandang naghihingalo. Akala mo kung anong nakakamatay na sakit ang dumapo sakin.

Nagsimula ang lahat sa simpleng pamamaga ng lalamunan noong kinagabihan ng Martes. Siyempre, hindi ko ito pinansin at sige pa rin ang laklak ko ng iced tea na may ga-batong yelo. Kaya naman pagkagising ko kinaumagahan, e parang mini-waterfalls ang ilong ko. Yun nga lang, imbes na tubig, e malabnaw na uhog ang rumaragasa mula dito.

Pumasok pa rin ako kahit masama ang aking pakiramdam. Pinangako ko kasi sa aking sa sarili na magiging good boy ako ngayong semestre. Hindi na ako aabsent kapag walang silbi ang mga rason gaya ng kung may laban si Federer o may laban si Hingis.

Pagpasok ko sa silid-aralan e nahalata agad ng aking katabing si Adie na mukha nga raw akong may sakit. Sabi naman ni Christine (Hagrid), e mukha raw akong adik. Mangilan-ngilang tao rin ang lumapit sa akin at nagtanong ng, "Bakit parang malungkot ka ngayon? May problema ka ba?" Gusto ko sanang magtatatawa kaya lang pinigilan ko dahil siguradong uubuhin at maluluha na naman ako.

Bago umuwi, e dumaan muna ako sa bahay ng aking iniirog. Nagkwentuhan kami habang pasinga-singa ako sa bimpo ko na naging kulay gray at green dahil sa sipon. Kapag nakita niyo ito e hindi kayo maniniwala na dati itong kulay pink na may mga larawan ng kabute. Ang kyut no? Bimpo kasi ng nanay ko yun. Ubos na ang mga bimpo at panyo ko. Inuhugan ko na lahat.

Bukod sa pagkukuwentuhan, e binigyan niya rin akong strepsils. Hang swit ano? Whanepshyet! Hindi na rin ako nagtagal at umuwi na rin ako.

Pagdating ko sa bahay e bagsak agad ako sa kama at alas-onse na ng umaga nang magkaroon ulit ako ng malay. Eto na ngayon ang masaklap, paggising ko, e naramdaman kong punum-puno ng nanigas na uhog ang ilong ko o sa madaling salita, puno ito ng kulangot. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit kada hugot ko e may sumasamang buhok galing sa ilong! O KAY SAKIT!

Pagkatapos ng aking kalbaryo, e parang nakipag-eksena ako kina Ate Vi at Ate Guy. Drama siyempre! Gago, hindi threesome!

Ngayon naman ang aking kalbaryo e ang pagpili ng gamot na iinumin. Tuseran ba o Decolgen? Idol ko sina Maverick and Ariel kaya gusto ang Decolgen. Gusto ko rin naman ang Tuseran dahil ini-endorso ito ng Diyosa ng Alindog--si Judy Ann. Hirap no?

Tsk, ano nga ba ang mas epektib?

17 Comments:

Blogger ***jane*** said...

"may problema ka ba?"!!!nakakakuha din aq ng ganyang remarks kpg nagkakasakit ako kc xiempre ntthimik aq at bka tumulo ang.. alam mo na..

aba.. parang wala na aqng karapatang maging tahimik! ahehe! gus2 mo b ng payo ng isng ex-nurse!? :D


que baboy naman ng panyo mo!

June 21, 2007 at 9:05:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Ang swit ko nga dito!

Binigyan kita ng Strepsils!




Lover

June 21, 2007 at 9:59:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hahahaha!

ui, nababanggit na ah.:) inantay mo lang ata si szusza e! hahahahaha!

pagaling ka, hindi ako sanay ng nananahimik ka.

at bait-baitan ka ngayon ha! hehehe! maganda yan! poli perfect woohoo! hahahaha!

June 21, 2007 at 10:23:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

WHOOOO!!!!

INAMIN NA NIYA!!!!


YESSSS!!!

Tang ina mo, Poli!

June 21, 2007 at 10:45:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Ako pare, isa sa mga childhood hero ko si Ilong Ranger. Kaya du'n ako sa Decolgen.

Pagaling ka, pards.

June 21, 2007 at 11:51:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

buti pa, para walang away. mag biogesic at vics ka na lang.

get well soon

June 22, 2007 at 4:43:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

pare konting himas lang yan :D

mag biogesic ka...ingat!

June 22, 2007 at 8:38:00 AM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

**comment mo s blog q*** :D
ndi anu k b?! YONEX NANOSPEED SERIES:9000/8000/7700

qng baga s cellphone n nokia, N SERIES: 93/90/70

ndi un price! :D

June 22, 2007 at 9:11:00 AM GMT+8  
Blogger The Rain Sprite said...

tuseran ka na lang.. kung yung fitrum nga na ineendorse ni juday ehh mukhang epektib. XDD

June 22, 2007 at 4:18:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

tuseran talaga para jan. nagkaproblema decolgen dati e, kasama ng neozep. nakakaadik daw tapos nakakapatay ng brain cells.

sa tuseran, pati lagnat tanggal!

-bitch3

June 23, 2007 at 8:43:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Hahaha!
Oo nga, (refering to Szusza's comment) umamin ka na sa 'iniirog'. Hala! Magagalit ang mga taga-CHE! Hehehe... XD

Bioflu ka na lang. Yun epektib para sa akin. Ma paniniwalaan mo ba yung idols mo? Reyna ng alindog? O ang mataba mong kaibigan? Oso na di ba?

- Bear

June 23, 2007 at 1:19:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

decolgen..

basta maverick and ariel eh...

June 23, 2007 at 6:18:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

haha, depende na yan kung saan ka ba talaga hiyang... decolgen ako ever since eh, intensified by the fact na endorser na nila si mav and ariel...
napanood mo ba dati yung misadventures show nila sa abc5? :P
wala lang... :P

June 23, 2007 at 11:40:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

yihee! ^____^

engk! decolgen ka na lang, may no-drowse pa, o di ba? ^_^

June 24, 2007 at 9:48:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

poli, subukan mo yung nasathera. okay na pang-decongest ng ilong na puno ng uhog.

okay ka a, nagpapaka-good kid ka na. pero alalahanin, ang mga laban ni federer at hingis ay hindi walang silbi. umabsent ka naaah! haha, joke lang. mabuti ang ginagawa mo. kelangan nang magpakaseryoso sa pag-aaral.

however, sakto lang naman ang schedule ng wimbledon. sa gabi natin napapanood, di mo kailangang umabsent :D

and i say "natin" because i'm in baguio and therefore, have cable! wimbledon, here i come!

magpagaling ka, kid.

June 27, 2007 at 11:23:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hehe.. pati to ngayon ko rin lang nagets.. tae.. x)

June 30, 2007 at 2:26:00 PM GMT+8  
Blogger Jigs said...

I HATE that stuffy, sleepy and headache-y feeling you get because of a fever and flu. I would have stayed home and never gotten out of bed! hehe!

Pero ang dilemma mo sa gamot ay mahirap sagutin. I use Tuseran, pero nakakatawa nga sina Ariel at Maverick. Decolgen nalang! Hehe!

July 1, 2007 at 1:02:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home