Friday, September 21, 2007

Vid-OK!

Videoke na yata ang pinakasikat na libangan ng mga pinoy ngayon (bukod siyempre sa paggawa ng mga sanggol). Kahit saan ka pumunta siguradong meron nito. Wala ring pinipiling okasyon ang videoke. Mapa-bertdey, kasal, binyag, pagpasa sa Trigonometry exam at ultimo lamay sa patay, e makakakita ka ng nagvi-videoke.

Ang nakakatuwa, karamihan sa mga pinoy e sobrang pakipot kapag niyaya mong kumanta. Andiyan ang mga walang kamatayang dahilang:

"Ay, ayoko! Nahihiya ako e."

"Ay, ayoko! Kayo na lang at makikinig na lang ako."

"Hindi maganda boses ko e!"

"Hindi ko alam ang lyrics nung kanta e"

"Sorry, paos ako ngayon e."

Pero huwag ka, pagkatapos ng pilitan at tanggihan, bibigay rin yan. At kung gaano katagal mo siya pinilit e ganuon rin katagal niyang aangkinin ang mikropono. Sa madaling salita, magiging concert niya ang videoke session niyo.

Alam na alam ko ang mga bagay na 'yan--ganyan ako e! Bwahaha!

Siyempre, masaya lang ang videoke kapag kayo ang kumakanta (umaatungal/umaalulong) pero kapag kapitbahay niyo na ang nagvivideoke, e nakakabwisit. Ika nga nila, ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Ang sintunado, galit sa kapwa sintunado.

At salamat nga pala sa Ekstrem Madyek Sing ni Manny Pacquiao dahil araw-araw ka nang pwedeng bulabugin ng mga kapitbahay niyo.

Pero minsan, nakakatawa namang makinig sa ibang taong nag-vi-videoke. Lalo na kung pang-asar ang mga tinitira nilang kanta gaya ng:

1. My Way - Tuwing naririnig ko ito e napapa-chant ako ng "patayan...patayan..." Hehe.

Kung tama ang pagkaalala ko sa isang article ng Maxim, e nag-issue yata ang Supreme Court ng utos na ipinagbabawal ang pagkanta ng My Way sa mga bar dahil sa dami ng namamatay dito.

Hindi porke't hindi ikaw ang kumanta e ligtas ka na. Kadalasan nga e yung mga miron at umaawat sa nagsasaksakan pa ang nade-dedbol! Hehe!

"...I did it my waaaaayyyyyyyyy."

Bang!

2. Wherever You Will Go - Isa itong videoke staple para sa mga tambay at mga Sam Milby wannabee. Hindi kumpleto ang inuman hangga't walang kumag na bumibirit ng:

Ivahgoohd...dzeehnawwooooh---aaahgooh--wehuweehvuh---yoohoohweeegoohw!

Knockout!

3. To Love You More - Kahit saan ka pumunta e malamang makakarinig ka ng umaalulong na parang lobo (wolf hindi balloon, adik):

OOOOHH-OWOO-OOOOOH-OWO-OOOOOHHH...

Yun pala, e To Love You More ang kinakanta. Kesehodang may nebulizer o oxygen mask na ang bibig, e hala sige birit pa rin! Hehe.

Kasalanan mo 'to Sarah Geronimo.

4. Regine Velasquez Songs - Alam mong napapalapit na ang delubyo sa barangay niyo kapag narinig niyo na ang intro ng On The Wings of Love o kahit ano pang kanta niya.

5. Making Love Out of Nothing at All - Alam mong napasobra na ang inuman kapag may kumanta na nito. Hindi iniinda ng mga lasing ang nagpuputukan nilang ugat at litid sa leeg.

Kapag may nakita kayong sumusuka ng dugo, alam niyo na ang dahilan.

***

Takte, yan tuloy gusto ko ring mag-videoke!

Amputek, ngayon lang ulit ako nakapag-internet ng matagal. Bwisit na mga deadlines kasi yan o!

22 Comments:

Blogger RedLan said...

"Ay, ayoko! Kayo na lang at makikinig na lang ako."- ganito rin ako.

Pero huwag ka, pagkatapos ng pilitan at tanggihan, bibigay rin yan. At kung gaano katagal mo siya pinilit e ganuon rin katagal niyang aangkinin ang mikropono. Sa madaling salita, magiging concert niya ang videoke session niy0.- ito ang reality sa videoke!

Alam na alam ko ang mga bagay na 'yan--ganyan ako e! Bwahaha!- at ito ang punchline ni poli!

Nakarelate ako sa post mo! Kahit hindi once a week ka lang magpost, baboy ang dala mo, litson pa!

Nakakatawa at nakakataba- sabi kasi nila ang tuwa ay nakakataba rin sa ibang tao.

Until next post. Abangan!

At least tapos na ang deadlines mo.


Alam na alam ko ang mga bagay na 'yan--ganyan ako e! Bwahaha!

September 23, 2007 at 9:20:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

dapat sinama mo rin yung mga makabagbag damdaming kanta ng michael learns to rock hehehehehe

September 24, 2007 at 12:57:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hahaha. ako naman, hanggang banyo lang kaya ko. naalala ko tuloy mga carpenterong gingawa yung bahay sa tabi namin, laging kinakanta yung "catch me, im fallin" ni toni gonzaga. na may kasamang tunong ng mga bote.

September 24, 2007 at 12:59:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ay na'ko, hobby ko na yata ang pagkanta sa karaoke. Nakakaenjoy eh! Hahaha. Totoo nga yung mga binggit mo tungkol sa mga tao pagdating sa karaoke. Yung mga nahihiya pa at tsaka yung mga taong nagsasabi ng 'hindi ko alam ung lyrics ng kanta', eh kaya nga karaoke eh, may lyrics nang kasama. LOL.

Nakakatawa yung wherever you will go! hahaha. Nakakamiss talaga sa Pilipinas. Wala kasi akong mashadong naririning ng mga toang nangangaraoke sa labas ng bahay. Wala kasi mashadong tambay dito. Hahaha.

Basta lang, wag na wag mo kong hahamunin sa kantahan at baka madiscover ako. Joke! Hahahaa. Pero seryoso, magaling ako kumanta. Hahaha. Di naman sa pagmamayabang. ;) Ingatz lagi.

Mabuti naman tapos na deadlines mo. Makakaraos ka rin! Salamat sa walang sawang pagcomment. :)

September 24, 2007 at 3:03:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Haha ganyan din ako!!

September 24, 2007 at 6:33:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

"making love out of nothing at all" ba ng air supply?

syete!

yan nga ang pang-testing ko ng boses eh.

pag naabot ko kasi yan, it means ayos ang condition ng lalamunan ko. at sa madalas na pagkakataon, sinasadya ko lang talaga ang mambulahaw at babuyin ang tono to please my audience.

talaga namang, napapasigaw sila in awe.

September 24, 2007 at 10:00:00 AM GMT+8  
Blogger KC said...

Wahaha! Hayok ako sa videoke...wala akong paki kahit ba kung sinong mga tao ang makakarinig. It's high time to shine beybeh!

Isa sa mga videoke song staple ko ang "Halik" by Aegis. Tawang-tawa ang mga kamag-anak ko kapag kinakanta ko yun. Mabenta, kaya dapat may regalo sila sa bertdey ko. Mabisa naman kasi nagbibigay sila..

September 24, 2007 at 10:49:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kala mo ba ikaw lang adik adik na mahilig bumirit? haha. ^_^

kahit alam kong di ako biniyayaan ng ganung kagandang boses, basta bigyan mo lang ako ng mikropono at medyo alam ko ang tono ng ipapakanta mo eh di kita tatanggihan.. haha. ^_^

do or die na lang yun..

ngayon ko lang nalaman na ipinagbawal na pala ang pagkanta ng 'my way' sa mga bar.. haha. ^_^

buti na rin lang pala at hindi ako fanatico ni sam milboy! mwahaha. ^_^

September 24, 2007 at 11:14:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

yahoo! sa kantang Lost in love ng air supply nakakuha ako ng 89 na score sa magic sing..masarap kumanta lalo na kapag may nilalagok na malamig na beer,sizzling pulutan saka kwelang katropa.

September 24, 2007 at 11:49:00 AM GMT+8  
Blogger mikel said...

pano ba yan, hindi ako nagbibidyoke. hehe. asteg post mo. hehe. btw, bakit pag nasa banyo ang ganda ng boses ko (natin) perop kapag may audience na e wala na?

September 24, 2007 at 4:58:00 PM GMT+8  
Blogger JoiceyTwenty said...

hindi ko ikakailang adik ako sa videoke. pinaka gusto kong kantahin yung i think i'm in love ni jessica simpson, tapos all through out naka falsetto mode ako. kaya nga lang ako naeexcite umuwi ngayon tuwing weekend sa batangas eh dahil sa magic sing, hehe. as in kahit mag-isa lang ako, go ng go. kung minsang feel na feel ko, irerecord ko pa yung boses ko at paulit ulit na ipeplay, sabay sabi ng "thank you araneta!"

September 24, 2007 at 9:28:00 PM GMT+8  
Blogger Poli said...

redlan: Hehe! Sino ang maysabing tapos na ang mga deadlines ko? Hindi pa! Sa katunayan nga ay nadagdagan pa!

barubal: Magandang ideya. Ang tinutukay mo ba ay 25 Minutes?

gyk: Lupit ng karpentero niyo! Hehe!

pau: Oo nga, napanuod ko yung vid mo! Hehe! Okay lang yun, ako rin magaling kumanta! Bwahaha!

Biro lang!

caranijuan: Siomai! Mukang belter ka ah! Sampol naman!

kc: Oo nga Aegis! Bakit ko nga ba nakalimutan ang mga ito?! Hehe!

earthlotus: Tama yan! Kanta lang nang kanta!

nelo: Di ako umiinom pero masaya nga kapag kasama ang mga katropa! Hehe!

amicus: Dahil maganda ang acoustics sa banyo! Hehe!

joice: Taena! Benta sa'kin yung comment mo! Natawa ako sa pagpe-play mo ng nirecord mong kanta!

September 24, 2007 at 11:26:00 PM GMT+8  
Blogger zerovoltage said...

Madalas ko naman marinig e "laklak" at "lakas tama" dito sa amin ;P

I've nothing against videoke, pero isa pang kainis e pag sa umaga nagyayari ang kantahan! badtrip talaga un, lalu na para sa mga night shift na katulad ko.

September 25, 2007 at 12:06:00 AM GMT+8  
Blogger Unknown said...

Woy, in fairness, kinanta ng friend ko yng Making Love.. Tongue twister kasi, haha!

Staple song sa amin ang Rush Rush by Paula Abdul. Laughtrip yung friend namin kapag kinakanta niya ito.

Ako? Namimili ako ng kanta eh, yung bagay sa boses ko.. Namimili pa daw oh, haha! Para namang ang ganda ng boses ko, haha!

Pero nag-vivideoke lang ako with friends. Kasi oo, nahihiya pa rin ako, kahit papaano. ehe!

September 25, 2007 at 3:40:00 AM GMT+8  
Blogger pusa said...

This comment has been removed by the author.

September 25, 2007 at 2:12:00 PM GMT+8  
Blogger pusa said...

nyahaha, you never cease to amaze me jan sa mga posts mo! funny at super pinoy na pinoy ang dating.

di talaga ako mahilig sa videoke kaya hate na hate ko talaga un mga kapitbahay namin na umaatungal... hayyy sino ba kc nagimbento nyan.

buti di kita kapitbahay :)

September 25, 2007 at 2:13:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

amp...angas ng blog mo ah...
nakakamatay talag yang MY WAY.
ika nga nila, devilish... hahaha...

one time, videoke tayo!

September 25, 2007 at 4:26:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Tulad lang ng dating gawi, natumbok mo na naman, p're! Isama morin pala 'yung "Closer You And I" na staple song naman ng mga videoke sa mga amusement centers ng mga malls. Nyehehe.

Sa history ko naman bilang frustrated bijokei king, madalas ko namang napagtitripan ang mga tinatawag naming "mga kantang pampogi." Mga awitin ni Nonoy Zuniga, Rodel Naval, Basil Valdez, Air Supply... etc.

"Bakit 'di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan..." RAKENROL!

September 26, 2007 at 1:25:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hay nako... speaking if vid-ok, alam nyo ba na napaka haba ng kantang top of the world!( im on the, top of the world looking, down on creation la la lalala la la!) try nyo... hehe nabwiwisit ako pag may kumakanta nitong kasama ko hehe

September 26, 2007 at 1:30:00 AM GMT+8  
Blogger kubiyat said...

huhu, nakaka-miss mag-videoke... pangako: sa sembreak ay mamamaos boses ko sa kakapuntang videokehan!

uso naman samin mga bon jovi numbers.

"i'll be there for you...these five words i swear to you!" (sabay emote at pikit ang mata)

yea!

September 26, 2007 at 11:41:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

tara na! hindi ka naman kase nag-aaya anoh?!

ahaha! simbilis ng pagdecide kung kelan pupunta ng eco park! ahahaha! ^____^


^____^

September 27, 2007 at 8:45:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Alam nyo dati kong staple song ang My Way since 2004 at tinigil ko lang last year dahil sunod-sunod ang malas na dumapo sa akin..... Pinalitan ko nang Pink Palaka ni Andrew E. sa awa ng Diyos, swerte ang dumapo sa akin ngayon....
Pag nagkayayaan ang tropa sa videoke ngayon, Ang main song na nire-request sa akin ay yung Pink Palaka ni Andrew E.

October 10, 2007 at 2:23:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home