Saturday, December 29, 2007

Putukan

Malapit na naman ang bagong taon at nagsisimula na namang magpaputok ang mga hinayupak naming kapitbahay. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng lugar na pwede nilang pagputukan, e tapat pa ng bahay namin ang napili nila. Ang ganda tuloy ng ambience sa bahay namin--pinaghalong Baghdad at Kosovo.

Dahil dito, laging nagbubunganga ang nanay ko sa mga tambay na nagpapaputok. Hindi raw siya matulog at natutulili na raw ang tenga niya. Bubuhusan daw niya ang mga tambay ng kumukulong tubig para tumigil sila. Aba, naghamon pa na i-report siya sa barangay o ipa-Bantay Bata 163.

Ako gusto ko siyang ipa-Bantay Bata. Subok lang, titignan ko kung talagang rumeresponde sila. Haha!

Kung merong nagagalit, meron ding natatakot sa paputok. 'Yun naman e ang aming asong si Jessie. Isa siyang babaeng Golden Retriever na uhaw na uhaw nang malahian. Laging in-heat ang asong 'yan. Pati binti ko kinakadyot (tangina, tomboy yata ang aso namin). At ang mas nakakatakot, minsan e inaamoy niya ang p*kp*k ng aming Shih Tzu na si Shelly. Parang gusto niya na yatang pumatol sa babae. Huwag naman sanang mangyari 'yun. Hindi dahil against ako sa girl to girl sex, kungdi dahil wala pa yatang isang kilo si Shelly--hindi niya kakayanin ang lovemaking.

Pwede ring amoy dog food lang talaga ang p*kp*k ni Shelly.



Balik tayo sa usapang putukan. Tuwing magpuputukan e hindi mapakali 'tong aso namin. Takbo ng takbo at umaalulong. Minsan pa e nagkakanda-ihi-ihi na siya sa nerbyos. Dahil dito minabuti nang aking ina na sa kwarto ko patulugin si Jessie hanggang lumipas ang January 1.

Takte, unang gabi pa lang parang ayoko na! Ang lupit ng hayop na 'to! Pakiramdam niya yata e siya ang amo at ako ang aso (mukha akong aso kaya may point naman siya). Hindi siya nakukuntento na sa ilalim lang siya ng kama matutulog, gusto niya sa kama mismo. Kinakagat ako kapag ibinababa ko siya. Kaya naman kagabi e ang sarap ng tulog ni Jessie habang ako naman ay nasa bingit na ng kamatayan natutulog.

Hindi ako matulog sa ganung kaliit na espasyo kaya minabuti kong sa sahig na lamang matulog. Mahaluan nga ng Racumin ang pagkain niya mamaya.

***

Habang itina-tayp ko ang entry na 'to, e nagsimula na namang magpaputok ang mga kapitbahay namin. Hindi na ako magtataka kung makita ko ang isa sa aming mga kapitbahay sa TV na tinatahi ang kamay habang tinatanong ni Sol Aragones ng "Masakit ba? Magpapaputok ka ba ulit?" at sasagot naman siya ng "Hindi na po ako uuuu-uuuu--leeet!" Sabay punas ng luha at uhog gamit ang kamay na tatatlo ang daliri.

Advanced Happy New Year.

Lalabas muna ako, bibiling Racumin.

18 Comments:

Blogger LING-LING said...

sinong bibilhan mo ng racumin? si jessie o yung mga kapitbahay mong matitibay ang tutuli??

December 29, 2007 at 9:24:00 PM GMT+8  
Blogger joice said...

kawawa naman si jessie... wag!!!

hayaan mo ng matulog sa kama, gang bagong taon lang naman eh! ;D hehe

happy new year poliiiiii!

December 30, 2007 at 2:30:00 AM GMT+8  
Blogger trixie said...

Like they said.. "like owner like dog" hahhaahah.

Grabe naman libog ng aso niyo!

Anyway nakakatawa siguro pumasok sa kuwarto mo pag gabi, yung aso sarap na sarap sa higaan eh ikaw nasa lapag XD nagbaliktad.

Nakakamiss na ang mga paputok!! puro fireworks dito nakakatamad na ah

December 30, 2007 at 2:44:00 PM GMT+8  
Anonymous betsy said...

LOL!LOL!LOL!

aso si jessie...hindi daga!!!

happy new year poli!!!

December 30, 2007 at 3:57:00 PM GMT+8  
Blogger pusa said...

meow poli, ingat sa paputok! May this new year adorn your life with many beautiful things and sweet memories to cherish forever. Wishing you life's best this 2008! HaPpY nEw YeAr!!!!

December 31, 2007 at 1:22:00 PM GMT+8  
Anonymous eloiski said...

happy new year!!!!!!!!!!!!!!!!!



year 2008 na!!!

magbagong buhay!

December 31, 2007 at 1:58:00 PM GMT+8  
Anonymous Mai said...

Aww miss ko na mga paputok sa Pinas. Gusto ko rin ng golden retriever!! Ang arte ng aso mo. :)

January 2, 2008 at 3:02:00 AM GMT+8  
Blogger redlan said...

mustah na si shelly and Jessie noong new year. late kasi ang pagcomment ko dahil nilagnat ako sa takot sa paputok. joke.

happy new year poli!

January 2, 2008 at 1:50:00 PM GMT+8  
Anonymous gasti said...

bakit naman jessie pa pinangalan mo sa aso mo? akala ko kanina si fulgoso na yan babae pala sya..

ngyon lang ata ako nakarinig ng babaeng aso na kumakadyot sa binti ng tao...baka nabaliw na sa sobrang libog nyang aso nyo.

January 2, 2008 at 4:18:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Umaanggulo si Jessie!
Haha.




Lover

January 2, 2008 at 9:17:00 PM GMT+8  
OpenID cursed-mushroom said...

uyy poli! HAPPY NEW YEAR! Sorry ngayon lang ako nakareply. Hahaha.. mashado kasi akong busy... sa pagkain! =) Hahaahaha... thnxx pala sa pagcomment ha. ;) ^____^ Kamusta ang putukan jan?

January 2, 2008 at 10:05:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Nakaka-miss yung post-new year special ng Magandang Gabi Bayan...

Lalo na yung mga naputukan ng fountain.

-bitch3

January 3, 2008 at 5:55:00 PM GMT+8  
Anonymous GYK said...

huwow. kakaiba si dear jessie.. nakakatuwa.. hahaha

hope you had a wonderful holiday.

hahaha..
btw, nilink na kita,,

January 5, 2008 at 8:55:00 PM GMT+8  
OpenID sharif_mardan said...

grabe, tindi ng aso nyo ah! haha. ^_6

naisip ko lang, paano love making ng tibong aso? wahaha. ^_^

ayaw mobang palahian sa mga askal? (wahahaha)

January 8, 2008 at 5:31:00 PM GMT+8  
Blogger KC said...

Haha! Kawawa naman si Jessie...mapagti-tripan pa ng amo niya.

Happy New Year, Poli! =)

January 9, 2008 at 11:14:00 PM GMT+8  
Blogger k said...

hapi nyu nyir sayo!!

i like your blog!

ni-link po kita :P

January 10, 2008 at 10:35:00 AM GMT+8  
Blogger pb said...

nyemas... kung kaya mong lasunin si jessie.. punta ka dito sa bahay.. lasunin mo rin higit isang dosenang aso namin. haha! takte,, nagaway nanaman kami inako dahil sa mga aso namin. wah! yeah,,
buhay pa si jessie?

February 3, 2008 at 3:28:00 PM GMT+8  
Anonymous hermione said...

hahaha! adik ka!

ngayon ko lang to nabasa! x_x

cute naman ni jessie! at aba, talagang natutulog sa kama mo!

sa amin, hindi pwede yan e. hahahaha

sana'y magkita kami ni jessie! ^___^

February 16, 2008 at 9:42:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home