Friday, June 8, 2007

Ang H.O.P. (Part 2)

Kung susuriin nating mabuti ang mga pelikulang Pinoy, e mapapansing nating may tatlong bagay na hinding-hindi mawawala sa mga ito--ang H.O.P. (Hotdog, Orange Juice at Pansit)

Halina't suruiin natin ang pangalawa sa bumubuo ng H.O.P.

2. Orange Juice



Ah, ang orange juice! Ang pambansang inumin ng mga mayaman sa pelikula!

Kung inyong mapapansin, ang orange juice ay ang laging ka tag-team ng hotdog tuwing almusal. Ito rin ang laging inaalok ng maybahay tuwing mayroong bisita. "Ay, sige tuloy kayo! You need anything? You want orange juice? YAYA! Pagtimpla mo naman sila ng orange juice oh!"

Ang orange juice din ang kadalasang napagtitripang lagyan ng gayuma at Ativan (pampatulog) nga mga kontrabida.

Halimbawa:

Isang gabing wala si Tatay, Gagay at Buknoy...hindi ko alam kung asaan sila. Basta umalis lang sila.

*ding-dong*

Nanay: Inday, may nagdo-doorbell! Pakitignan nga kung sino.
Inday: Yis ma'am.

*Dali-daling itinigil ni Inday ang pagkanta ng Stay gamit ang kanyang "Soonghets" (Song Hits) at binuksan ang pintuan.*

Inday: Good eeebneng! Ay! Beertoh ee-kaw pala yan! Diba may deet kayo nung yaya diyaan sa bahay ni Mrs. Bwinabintorah? Kay, Lilibith?
Berto: Oo nga e. Kaya lang kulang ang pera ko. Tatanungin ko lang sana si ma'am kung pwede akong makabale.
Nanay: Inday sino yan?
Inday: Ay ma'am si Beertoh po!
Nanay: (Lumapit sa may pintuan at biglang nasabik sa pagkakakita kay Berto.) Pasok, Berto. PASOK!
Berto: Ma'am hindi na po. Nagmamadali po ako e--date. Gusto ko lang po sanang itanong kung pwede po akong bumale ngayon.
Nanay: (nag-iisip) Sige, papayagan kitang bumale pero...pasok ka muna dito sa bahay.
Berto: Sige po. Pero hindi po talaga ako pwedeng magtagal.

*Pumasok ang tatlo sa loob ng bahay.*

Nanay
: Okay, I understand. Upo ka muna. You need anything? Baka gusto mo ng juice? Pagtitimpla ka ni Inday.
Berto: Ay naku. Huwag na po kayong mag-abala.
Nanay: Ito naman, "ngayon ka pa nahiya!"
Berto: (naka-ngisi)
Nanay: Inday magtimpla ka ng orange juice.
Inday: Yis ma'am!
Nanay: Berto magkano ba ang gusto mong ibale?
Berto: P2000 po sana.
Nanay: Asus, barya lang yan. Maiba ako no, sino nga pala ang ka-date mo?
Berto: Ah, si Lilibith po. Yung yaya sa bahay nina Mrs. Buenaventura.
Nanay: Aaaahh... Maiwan muna kita at kukunin ko ang pera sa taas.

*Papanhik na ng hagdan si Nanay ng biglang nakaisip ito ng isang ideya. Imbis na pumanhik, e pinuntahan niya si Inday sa kusina.*

Nanay: Inday, hindi ako makapapayag na agawin nang Lilibith na yan sa akin si Berto! Akin lang siya.
Inday: Atin.
Nanay: O siya, siya...atin. Basta sundin mo ang ipagagawa ko sa'yo.
Inday: Anu poh yon ma'am?
Nanay: Makinig kang maigi at alam kong medyo kulang-kulang ka.
Inday: Yis, ma'am. I'm leesseneng.
Nanay: Alam mo yung medicine cabinet sa banyo? May Ativan doon. Kumuha ka ng isang tableta at ihalo mo sa orange juice ni Berto. Naintindihan mo ba?
Inday: Yis, ma'am.
Nanay: Sige, papanik na muna ako. Pagbaba ko, dapat tulog na yan ha?
Inday: Yis, ma'am.

*Pumunta si Inday sa banyo at binuksan ang medicine cabinet. Natigilan siya. Nakalimutan niya kung ano ang pangalan ng gamot.*

Inday: Nakow, ano na nga pala yon? Ah, baha-la na...mini-mini...may.....ni......MO!

*Kumuha si Inday ng isang tableta at bumalik sa kusina.*

Inday: Ang kyot naman nitong tableeta na to. Kolay blue!

*Inihalo niya ang tableta sa orange juice hanggang matunaw.*

Inday: Tika, matikman nga at baka matabang ang aking templa...

*Kumuha ng kutsara si Inday at tinikman ang juice. Maya-maya pa ay naubos na pala ni Inday ang juice ng hindi niya namamalayan.*

Inday: Nakow! Napadami yata ang tikim ko. Di bale, gawa na lang ulet ako ng bago.

*Pagbaba ni Nanay, laking gulat niya nang nakita niyang gising pa si Berto at tahimik na naghihintay sa sala. Dali-dali siyang sumugod sa kusina. Nakita niya si Inday na nakaharap sa lababo.*

Nanay: Inday! Bakit gising pa si Berto?! Paano na ang plano kong gahasain siya?! Inday humarap ka nga! Ano ba yang tinatago mo diyan!
Inday: Ay wala po ma'am!
Nanay: Anong wala? (hinablot si Inday sa braso)

*Napansin ni Nanay na parang may naka-umbok sa bandang ibaba ni Inday.*

Nanay: Ano yan ha?! Bakit parang may nakabukol diyan?
Inday: Ay nakow! Wala po, orange lang po ito. Kakainin ko mamaya.
Nanay: Orange ka diyan! Sa panty mo itinatago? (dinakma ni Nanay ang bukol)
Inday: AGUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUY!
Nanay: (naisip niya na hindi orange kungdi yagbols ang nadakma niya) BAKLAAAA KAAA! Viagra ni sir mo ang naihalo mo sa juice!

*Dahil dito, naintindihan na ni Nanay kung bakit ayaw maghubad ni Inday nung nakaraan. At kung bakit puro oral lang ang gusto niya. May itinatagong maitim at matigas na lihim pala itong si Inday.*

Huwag nang abangan ang Part 3 para sa letter "O" ng H.O.P.--ang Pansit. Nyahahaha! Wala naman talaga akong balak gawing series ito. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito. Nyahaha!

Saka na lang kapag may naisip akong ideya tungkol sa pansit na makakapagpabago sa kalagayan ng sansinukob. Nyahaha!

12 Comments:

Anonymous Anonymous said...

wahaahha!
natatawa ako dito!
viagra pala!
takte!
ahahahA!
next yaong pansit!

June 8, 2007 at 8:50:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

nyahaha.
wala ako masabing matino eh.
ano naman kaya ang magagawa mo sa pansit?
nag-iiba na yata ang pananaw ko sa iyo ah...
nyahaha...
pansit!pansit!

June 8, 2007 at 9:49:00 PM GMT+8  
Blogger The King said...

Lemme guess. Pansit ang laging pasalubong ng mga mahihirap? Haha!

June 9, 2007 at 10:50:00 AM GMT+8  
Blogger Poli said...

@ the king: Tumpak! Hehe!

June 9, 2007 at 12:21:00 PM GMT+8  
Blogger mikaela said...

hahaha..
gagu ka tlga.!
gawan mo na rin ng titillating stories ang mga prof natin!

June 9, 2007 at 12:22:00 PM GMT+8  
Blogger kubiyat said...

hahaha! winner ang correction ni inday:

Nanay: Inday, hindi ako makapapayag na agawin nang Lilibith na yan sa akin si Berto! Akin lang siya.
Inday: Atin.

yhesss...aylovet. :D

June 9, 2007 at 2:36:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

lolz. pelikulang pelikula ang dating. maski lalaki pala siya, gustong gusto ko pa rin si inday.. kasi spunky. ito'y isang kwento ng kababalaghan.

kelan ang part 3.

June 10, 2007 at 1:07:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

I totally agree about the juice thing. They don't even consider iced tea! xD

June 10, 2007 at 3:26:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Ay 't*****a may tubo pala si Inday! Ahahay!

Hindi na ako magtataka kung sa susunod e magkukwento ka tungkol sa leather jacket na laging outfit ng mga kontrabida kahit na tirik na tirik ang araw.

Natawa ako sa kwentong 'to. Background music na lang ang kulang. =))

June 10, 2007 at 11:49:00 PM GMT+8  
Blogger Agatha said...

hehehe!!! ayos yung point mo ah!!!
dumadaan! :)

June 10, 2007 at 11:59:00 PM GMT+8  
Blogger nelo said...

nakakauhaw naman tong post mo...walanjong inday yan..chicsilog din pala! natawa din ako sa pagkasabi ni inday ng "atin"...haha! panalo si berto! maanghang!

June 12, 2007 at 10:46:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Ang cute nung piktyur nung orange juice. Parang ang sarap-sarap!
Hehehe.

At ang articulate ni Berto, a.




Lover

June 13, 2007 at 3:26:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home