Mga Pagninilaynilay sa Ispayder-Man 3
Napanood ko na rin sa wakas ang pelikulang Spider-Man 3. OK siya. Hindi niya ako masyadong napa-WOW di tulad noong napanuod ko ang pelikulang Super B ni Rufa Mae Quinto sa Cinema One.
Ang pinakanagustuhan kong parte ng pelikula ay ang mga fighting sequences--astig. Pero sa aking mga mata, hindi pa rin nito natalo ang fighting sequence nina Chun-Li at Vega sa Street Fighter 2 The Movie (animation) kung saan magsasawa ka sa mga pantyshots ni Chun-Li. Eto ang link: Chun-Li vs Vega
Ang isa ko pang nagustuhan dito e yung mga parteng comedy. Mas nagustuhan ko si Peter Parker (Tobey Maguire) kapag suot niya ang itim na Spidey suit dahil para siyang ewan. Nakakatawa ang pagkakaroon niya ng bangs tuwing nag-iiba ang personalidad niya.
Ang hindi ko naman nagustuhan ay ang pagkakaroon ng pelikula ng maraming villains. Mas maganda kasi yung meron ka talagang isang nilalang na kaiinisan. Hindi ko tuloy alam kung kanino ako mas maiinis kung kay Sandman o kay Venom. At para sa akin, ang isang villain ay napakahalaga dahil siya kadalasan ang nagdidikta ng magiging galaw ng ibang tauhan at kwento ng pelikula. At dahil marami nga sila, hindi nabigyan masyado ng importansya ang mga kwento nila.
Ang isa ko pang hindi nagustuhan ay ang pagiging "predictable" ng pelikulang ito. Alam na alam mong magsasanib sa huli ang mga kalaban at kakampi naman kay Spider-Man si New Goblin. Marami ring masyadong nangyayari sa pelikula kaya minsa e hilaw ang dating.
Kung susumahin ay maganda naman ang pelikula ngunit kung ikukumpara sa mga nakaraang Spider-Man ay siguradong ito ang nasa ibaba ng listahan.
Syempre habang nanunuod ako, hindi ko maiwasang makapansin ng kung anu-anong walang kwentang bagay:
-Mataba si Tobey Maguire sa pelikulang ito.
-Pareho kaming may double-chin at pareho rin kaming "baktong" ni Tobey Maguire.
-Hindi uso kina Mary Jane at Harry Osborn/New Goblin (James Franco) ang pagsisipilyo ng ngipin.
-Sa unang fighting sequence sa pagitan nina Spider-Man at New Goblin, halos madurog na lahat ng building pero buhay pa rin sila. Ngunit ng tumama ang ulo ni New Goblin sa isang bakal na tubo e natepok agad siya.
-Wala man lang akong nakitang dugo na lumabas noong nasaksak si New Goblin.
-Mataas magsuot ng pantalon si Flint Marko/Sandman (Thomas Haden Church).
-Noong nahulog ung pera na dala-dala ni Sandman sa laban nila ni Spider-Man sa subway e nakaplastik ito. Ngunit ng bumagsak ito sa lapag e nawala bigla yung plastik at hamakin mong ayus na ayos pa rin ang pagkakasalansan nito.
-Sigurado ang lola ni Peter Parker na magkasukat ang daliri nila ni Mary Jane.
At higit sa lahat...
-Maayos pa rin ang buhok ni Peter Parker kapag tinatanggal niya ang head suit niya. Hindi man lang ito pinagpapawisan o dumadapa. Soft at bouncy pa rin ika nga.

9 Comments:
I have never understood what the Spidey hype is all about. Blah. Ang pathetic ko tuloy, di ako makarelate sa mga ganyan.
I haven't even seen Spidey 2 yet, haha!
yay!hindi ako nagiisa! woohoo!
pareho kami ni shari! ni hindi ako nageffort para mapanood ang spidey 2!
at ikumpara daw ba ang sarili kay spiderman!hehehe!
Whahaha! Ang ganda naman ng mga reactions mo!
Try mo ang review ko sa spidey movie
http://adventuresofalionheart.blogspot.com/2007_05_01_archive.html#6524130770080967134
___________________________________
Takot ka ba sa injection? Comment ka naman... www.adventuresofalionheart.blogspot.com Okey lang? Sama ka sa adventures ko...
I'm an avid fan of Spidey in the comics, so Spider-man 3 was horrible for me. Venom was supposed to be kick-ass. Eddie Brock sucks so bad.
Maganda nga ang Spidey 3 pero i prefer the 2nd installment.
asteeg ung black costume nya.. mas bagay.
wahahah! hanep sa review! bsta yaw ko manood ng spiderman prang paulit-ulit lang sa tingin ko. Manonood n lng ako ng SHREK 3 mas ganda pa! wahihihihi!
ako man din ay hindi napa-wow. "ok lang" masaya yung scene na muntikang mamatay si Harry dahil napukpok siya dun sa tubo, pagkatapos ng magandang (ang pinakamaganda sa tingin ko sa buong pelikula) fight scene.
hahaha. totoo yung sa hair. and yung sa chun-li vs vega.. astig
maganda pa rin yung 2nd spidey movie... parang kulang yung labas ni venom dito
You write very well.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home