Sunday, May 13, 2007

Maligayang Araw ng mga Nanay!

Sige na! Yakapin at halikan mo na ang iyong nanay! Sabihin mong mahal mo siya! Sa dami ng kunsumisyon, kasalanan at katarantaduhan na dulot ng salot na ikaw e kahit yun man lang e maibigay niyo! Hehe!

Aba, kahit palengkera, pakialamera at bungangera yan e pasalamat ka at may concern siya sa'yo!

Aba, kahit disgrasyada ang nanay mo noong dalaga siya e pasalamat ka at pinili niyang buhayin ka!

Aba, kahit isa kang menopause baby e pasalamat ka at hindi siya sumuko para mabuo ka!

Aba, kahit itlog at hotdog lang ang kayang lutuin ng nanay mo e pasalamat ka at ipinagluluto ka!

Aba, kahit walang tulog yan e pasalamat ka at hindi ka niyan makakaligtaang gisingin sa umaga kapag hindi ka nakapag-alarm!

Aba, kahit hindi nakatapos ng pag-aaral yan e pasalamat ka at kayod marino pa rin yan!

Aba, kahit mabuntis, makabuntis, mag-adik at magkandaloko-loko ang buhay mo dahil hindi mo sinusunod ang mga payo niya e pasalamat ka at hindi ka niya kayang tiisin!

Aba, kahit hindi mo na siya itinuturing na ina e pasalamat ka at habambuhay ka niyang ituturing na anak!

***

Maligayang Araw ng mga Nanay rin sa ating Inang Bayan. Ang pinakamagandang regalong maibibibay natin sa kanya e ang pagboto bukas sa halalan. Kung nag-register ka e bumoto ka!

Ang isang boto ay katumbas ng isang protesta. Protesta laban sa tiwali at mapang-abusong gobyerno.

12 Comments:

Blogger KimVal said...

Wow npka thoughtful mo Poli..

ngaway nga kme ngaun ng nanay ko eh mother's day pa nmn

May 13, 2007 at 1:30:00 PM GMT+8  
Blogger Fjordan Allego said...

Tama! Bukod sa mga minamahal nating ina, Araw din ngayon ng ating Inang Bayan! Ang pagboto bukas ang pinakamgandang regalo natin para sa kanya...

May 13, 2007 at 3:17:00 PM GMT+8  
Blogger Nikki said...

oo nga e ang thoughtful :D

happy mother's day din sa mom mo!

May 13, 2007 at 3:27:00 PM GMT+8  
Anonymous tin said...

hee hee hee! ^_^

Happy Mother's Day sa mga Nanay Naten! ^_^

Aba! Kahit hindi nakaregister ang iba, buti't hindi sila sinisibak dito sa Pinas! ^_^

Sana'y mapili ninyo ang mga karapat-dapat na mga mamumuno saten!

May 13, 2007 at 3:31:00 PM GMT+8  
Anonymous eloiski said...

huwaw! baet na bata!!!
may tama ka!!!
happy mother's day sa mga nanay!

May 13, 2007 at 4:24:00 PM GMT+8  
Anonymous Szusza said...

GO POLI!

My mom is coming home~

May 13, 2007 at 10:07:00 PM GMT+8  
Blogger the_fallen said...

iyessuh naman..

napakabait ni poli!

May 14, 2007 at 2:02:00 AM GMT+8  
Blogger Jake The Miserable said...

Happy Rakenrol Mother's Day to your mom, and to all the moms in the world.

"Mother is God in the eyes of a child." - Rose (Radha Mitchell, "Silent Hill")

May 14, 2007 at 2:14:00 AM GMT+8  
Anonymous ge said...

how thoughtful!
how goldilocks!

May 14, 2007 at 10:49:00 PM GMT+8  
Anonymous arvee said...

its terribly obvious bets

you accidentally wrote your blog's link in a piece of paper and accidentally dropped it in your mom's kikay kit last Sunday

and you accidentally mentioned to her one time some weeks ago that it would be so nice if you could buy a ps3

iknow bets. no need to mention that G-praise

May 15, 2007 at 9:00:00 PM GMT+8  
Blogger Shari said...

Amen, amen! :D

May 16, 2007 at 11:16:00 AM GMT+8  
Blogger pb said...

wah!!! maligayang araw sa inamoh.. tagal na neto ah... haha!

May 16, 2007 at 1:38:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home