Master X. X.
Xerex Xaviera. Siya ang Charo Santos ng Abante at Abante-Tonite. Pareho silang naglalahad ng mga kwento sa anyo ng mga sulat na ipinapadala ng mga masugid nilang mambabasa.
Mayroon laman silang maliit na pagkakaiba. Ang una papatuluin ang luha mo; ang sumunod naman e iba ang papatuluin sa iyo.
Noong labing-isang taong gulang pa lamang ako, Abante at Abante-Tonite ang dyaryo na inirarasyon sa bahay. Abante kapag MWF at Abante-Tonite naman kapag TTH. Ito ang gusto ng nanay ko dahil ultimo headline ng dyaryong ito e tsismis. Ako naman e walang kahilig-lihig noon na magbasa ng mga dyaryo kaya hindi ko ito pinapansin kahit pakalat-kalat lang ito sa loob ng bahay namin.
Isang Miyerkules, bumisita sa bahay namin si Kuya Ryan, pinsang-buo ko. Ang tantsa ko e mga labing-siyam na taon na siya noon. Kumuha siya ng dyaryo na nakakalat sa sala namin. Binuklat niya ito sa pahina kung saan may krosword puzzle at saka nagbasa ng tahimik. Maya maya pa e tinanong niya ako kung asaan raw yung dyaryo namin nung Lunes.
"Nasa bodega." Sagot ko.
"Ah, pwedeng mahiram?" Tanong naman niya.
"Teka, ano ba kasi yung binabasa mo?"
"Basta. Hindi pambata." Mariin niyang sagot.
Dahil doon e hindi na ako nagtanong pa at kinuha ko na lang yung dyaryo namin noong lunes at ibinigay sa kanya. Maya-maya pa e nagtanong ulit siya. Kung pwede raw mahiram yung pam-Biyernes. Siya na lang ang pinakuha ko dahil alam na naman niya kung saan nakalagay ang mga ito. Nagpatuloy lang ang ganitong eksena hanggang maisipan niyang umuwi na.
Siyempre dahil isa akong napaka-usiserong bata e kumuha ako ng dyaryo at binuklat ko doon sa pahinang may krosword. Pagtingin ko doon ay tumambad sa akin ang kolum ni Xerex Xaviera, binasa ko ito at di ko namalayan, e kinukuha ko na rin yung mga nakaraang dyaryo.
Simula noon e lagi na akong nagbabasa ng dyaryo. Hehe! Pinuri pa ako ng nanay ko na marunong na raw akong magbasa ng dyaryo. Hindi na raw pulos laro ang inaatupag ko. Ang hindi nila alam e kolum lang ni Xerex ang binabasa ko. Bukod sa alam niyo na, e maganda rin ang mga istorya nito kaya nakaka-adik talaga.
Hindi ko naiintindihan lahat ng nababasa ko pero kahit papaano ay mayroon akong ideya kung ano yung mga yun. Malawak naman kasi ang imahinasyon ko, lalo na noong bata pa ako. Sa pagbabasa ng kolum niya ako unang naramdaman ang libog. Hehe! At bukod "doon" ay marami akong natutunang salita gaya ng: pulandit, rurok, tarugo, pearly shell, hiyas, ayuda, tahong at kung anu-ano pa.
Tsk, tsk, Eto na ang masaklap. Nahuli akong nagbabasa ng Xerex ng nanay ko! Nagalit siya dahil hindi nga raw pambata iyon. Laking lungkot ko na lang kinabukasan ng Tempo ang inirasyon na dyaryo at hindi Abante.
Dahil doon, e natuto akong dumukot ng limang-piso sa pitaka ng nanay ko (hanggang dalawang-piso lang ang kaya kong dukutin noon) para ipambili ng Abante at para masubaybayan si Xerex. Pagkabili ko ng dyaryo e itinutupi ko ito hanggang sa maging maliit ito na parisukat na siya namang iniipit ko sa garter ng brip ko para hindi makita ng nanay ko. Didiretso ako sa kwarto ko at saka ako magkukulong para makapagbasa. Hehe!
Nagpatuloy lang ang bisyo kong ito hanggang dumating ang araw na itinigil na ang kolum niya. Laking lungkot ko nung araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit nawala yung kolum niya. Basta pagkatapos nung huling kwento e basta na lang siyang nawala. Ni hindi ko man lang nalaman kung babae ba siya o lalaki! Hehe!
Idol ko si Xerex! Hehe! Siya ang aking master. Sa kanya namulat ang isip ko ukol sa bagay na pilit na itinatatwa at binabansagang imoral ng mga tao. Sa kanya ko natutunan na hindi dapat pandirihan ang sex dahil isa ito sa pinakamaganda at sagradong bagay dito sa mundo.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang masama sa salitang sex, kantot, tite, puke atbp. Kung bakit tinatawag ang mga itong imoral, masama at nakakadiri.
Mga ipokrito.

23 Comments:
Sinong pipiliin mo, siya o si Margie Holmes?
Live by master xx's words: Humayo kayo at magharumpakan!
-bitch3
hahaha!very sir atalia!hahahaaha!
Noong first year HS ako kung saan kami ay nasa isang all-girls catholic school, muntik na ko masuspend dahil magsusumbong daw yung kaklase ko dahil nagbabasa ako at dalawa ko pang kaklase nung column ni XX. Pero tangina niya subukan niya lang ipahamak kami dadaganan ko siya.
Noon ko din nalaman na hindi pala "yuckieee" (expression nga ng mga kaeskwela ko) ang sex, at pwede namang maging nakakaaliw.
gusto ko sa pantasya hehehe...
ok tong blog mo...
Haha! Given my name, lagi ako tinutukso na Xerex Xavier, haha..
Inquirer kasi ang binibili ni Mama. Pero naforce kami magpadeliver ng Tagalog paper, kasi para sa Araling Panlipunan noong high school.
At dun ko nakilala si Totoy Mola, hahaha!
andami mong fans poli! :D
hahaha...
pare, i love you na talaga...
in a very pare way, wag mo man lang isipin ang brokeback... takte...
anyhoo, grabe! idol, parang alam mo ang siklo ng buhay ko... akalain mo, lagi akong may kaklase na nagdadala sa klase ng abante/abante tonight.. may iba pang nagdadala ng uno/L/FHM/Penthouse/Playboy... Kaya naman ganun, sa skul ako nakakabasa niya... hindi ko na kailangan mangupit ng limang piso! haha... muntik na ako ma-expel nung elementarya dahil sa penthouse... hehe, pero wala talagang binatbat si margie holmes kay x.x kasi mas straight forward si x.x ... may jargon pa si margie holmes eh... ^_^
hahaha! eyelovet! kahit di ako nagbabasa ng xerex. hehe
natuwa naman ako dun sa hiding place mo. pero onga naman, kung ang babae e tinatago ang cellphone sa cleavage ng bra (ang bra nga ba ang may cleavage?), pwes, itago rin ang abante sa garter ng brip. panalo talga tong post mo. aylavet.
malamang gusto mong sundan ang kanyang yapak poli..
mabuhay ka! ang libog mo!
Weeee! Sa kanya ako kumukuha ng inspirasyon para sa ilan kong mga posts! Wahahaha!
All hail, Xerex! *bow*
Ano ba yan, unang bisita ko pa lang.. kay Xerex na agad ang nabasa ko. LOL.
First impressions lasts.
Taena tawa ako ng tawa kasi naalala ko rin 'yang lifestyle kong 'yan.
Ligal naman akong bumasa ng kolum niya nu'ng bata ako at hindi pa circumcised. Ewan ko, siguro pinabayaan na lang talaga nila ako tsaka alam nilang inborn sa pamilya namin ang pagiging malibog.
Ang mga salitang lagi kong nasasalubong diyan e "sandata," "hawla," at "rurok ng kalangitan."
Xerex is God.
Sobrang ganda rin ng punchlines mo sa dulo. I totally agree. Walang masama kung hindi ito bibigyan ng malisya. Kung walang "titi" at "pekpek," wala tayo sa mundo.
hahaha! reminiscing talaga...naglabasan tuloy ang mga xerex fanatics...panalo nga yan..nakabasa na din ako dati nung elem. pati yung "totoy mola" na-ban na ata yung mga yun...
ikaw rin ang master..master of confessions
alam mo, tutal magaling ka naman sumulat... pwede mo siyang palitan.
nyahahahaha.. di pa ako nakakabasa ng ganun. sa FHM oo pero tagal ng hindi. hehe.
may classmate ako dati.. nagsusulat sya ng alam mo na.. ayun. asa akin pa yung mga sulatin nya. hehe. bigay ko sayo gusto mo. hihi...
Wahahaha! may naalala ako dati mga 8 years old ata ako noon. Pumunta kami sa bahay nung kamag-anak namin. Tapos may mga dyaryo dyaryo dun sa lamesa e di kinuha ko ala naman kasi magawa, mantakin mong ang daming pages ng mga malalaswang pages. Binitiwan ko agad. Takte! May nakita kasi akong bebot na hubo't hubad! At ung isa naman ung babae at lalake lamo mu na. . . Hay! Halos isumpa ko ang dyaryong un! Di ko lam kung anong dyaryo un eh!
Sa bahay namin may FHM kaso pinunit ko. . . wahahaha! ginawang airplane!
Naku, dito sa bahay, puro broadsheets, kung hindi Inquirer, Philippine Star ang ninanakaw (lol) ng dad ko mula sa office. Pero paminsan-minsan, nakakapagnakaw ng tabloid mama ko mula sa office nila. Haha. Nauunahan siguro mom ko. Lol. Whatever.
Ako yung mga bastos na series sa Bulgar ang binabasa ko.
Yun yung binibili ni Nanay dati, e.
Bitch
tama.. anong mali sa sex, kantut or whatsoever..
iba magisip kasi ang mga tao..
impokrito nga sila..
aus tong blog mo..
link ex?
There are no tabloids at home, which is such a pity. I had to rely on the internet for my porn. xD
^^^haha! akin first comment!
(2nd comment) Nga pala, paki-update po ang bago kong web address.
http://www.jakethemiserable.com
Thankies thankies!~
haha.. naalala ko 2loy si Magpantay..
May Xerex ksi siya sa cellphone niya eh.. galing ata sa internet tpos pinapasa niya sa phone niya..
Naalala ko nun binabasa nya un o kya namen habang my klase!
haha..
Nabasa mo ba ung tungkol kay anne?
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home