Friday, June 1, 2007

Noon at Ngayon

1. Pamasahe

Noon: P2.00 (Kinder ako nito...)

Ngayon: Depende kung sasabihin mo kay manong driver na may sukli ka pa. Depende rin sa lugar na akala "raw" ni manong drayber e, babaan mo.

2. Panty

Noon: Pwede gawing duyan ng sanggol o di kaya naman ay kulambo.

Ngayon: Pwede gawing tirador o di kaya naman ay pantanggal ng tinga.

3. Meryenda

Noon: Lugaw, turon, sopas, pansit at ispageting ketchup ang sauce.

Ngayon: Kwek-kwek, iskwidbol, pisbol, tsikenbol at kung anu-ano pang bols.

4. Mga Local Bands

Noon: Eraserheads, Rivermaya, Yano etc.

Ngayon: Cueshe, Hale, 6 Cyclemind etc.

5. Squatters

Noon: Walang makain at literal na mahirap pa sa daga.

Ngayon: Naka-cable ang TV. Nanunuod ng Heroes at Grey's Anatomy gamit ang kanilang "Sonny" DVD player. Naka N-series na cellphone.

6. Mga Laos na Artista

Noon: Pumupunta ng Amerika. Nagiging atsay. Nagpapakamatay.

Ngayon: Nagpapa-sexy. Nagiging singer. Nagiging mayor.

7. Hotdog

Noon: Valiente, Swift, Tender-Juicy etc.

Ngayon: Sam Milby Hotdog.

8. Whitening Products

Noon: Ang bespren ng mga atsay--Chin Chun Su. Isang katsang harina.

Ngayon: Ikstradirm (Kapag may nakasalubong kayong babae na kamukha ni Majinbuu e tiyak na gumagamit siya ng Ikstradirm). Placenta ni Mystica, Melanie Marquez at Madam Auring.

9. Judy Ann Santos

Noon: Siopao, pamato, palanggana, batya, punching bag etc.

Ngayon: Is that Judy Ann, pare? (Fitrum)

10. Panliligaw

Noon: Pinagsisibak ng kahoy ang pamilya ng nililigawang babae.

Ngayon: Ang babae na mismo ang sinisibak.

31 Comments:

Blogger the_fallen said...

5. Squatters

Noon: Walang makain at literal na mahirap pa sa daga.

Ngayon: Naka-cable ang TV. Nanunuod ng Heroes at Grey's Anatomy gamit ang kanilang "Sonny" DVD player. Naka N-series na cellphone.

may nalimutan ka. dati gusgusin sila at walang masuot. ngaun, pankista at emo-look na.

June 1, 2007 at 4:16:00 PM GMT+8  
Blogger ptag said...

nakakaaliw talaga mga post mo, hehehe!

June 1, 2007 at 4:43:00 PM GMT+8  
Blogger the philosphical bastard said...

asenso na talaga mga squatters ngayon. at oo, nagkakaron na rin sila ng fashion sense. bahay na lang ang kulang.

at si judy ann.. hindi na nga siopao.

bwahahaha

June 1, 2007 at 5:11:00 PM GMT+8  
Anonymous eloiski said...

Nyahah! uu nga tama yan lahat! kung tutuusin mas mahirap daw buhay noon, ayon sa nanay ku. Pero ngayon mejo umaasenso ng kunti! At oo xoxal na ang mga squatter ngaun! Mas maganda pa cp nila! hayup!

June 1, 2007 at 8:25:00 PM GMT+8  
Anonymous Szusza said...

And that's why they remain squatters, because the evils of capitalism urge them to buy things they don't really need. My cellular phone is lame-ass and worth hurling to the nearest dumpsite, but these people who don't even have proper homes have those nice Nokia phones. The Philippines is strange.

June 1, 2007 at 9:30:00 PM GMT+8  
Blogger Jhed said...

Natawa naman ako dun sa panliligaw. LOL.

--

Minsan nga nakakasabay ko yung mga squatter sa jeep, aba.. at todo display sila ng mga cellphone nila. Haha! Winiwish ko nga may mang-holdap sa jeep e. LOL. Joke lang.

--

Mahirap man ang buhay nun, at least mas madaling makaraos. Kaysa ngayon, mahirap na nga.. mas lalo pang nagiging mahirap. LOL.

June 1, 2007 at 9:30:00 PM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

bkit alm mo ang tungkol s panty?! wakokok! :D

June 1, 2007 at 10:13:00 PM GMT+8  
Blogger kubiyat said...

nakaranas pa ako noon ng 1.25 na plete. sapat na dati ang limampisong baon.

sosyalan na ang mga squatter ngayon. funny :D kahit si mang fishbol, naka N-series. it's the in-thing, pare.

grabe nga pinayat ni judy ann dun sa picture niya para sa sanglaan na m.lhuillier. fitrum is judy's best friend.

as usual, your post made me very happy. :)

June 1, 2007 at 10:55:00 PM GMT+8  
Blogger lei said...

hahaha! shyet sobra natawa ako sa judy anne!

June 1, 2007 at 11:09:00 PM GMT+8  
Anonymous ge said...

kulang pa yung kay judy ann.

cabinet.

June 2, 2007 at 1:26:00 AM GMT+8  
Blogger The King said...

Ngayon: Is that Judy Ann, pare? (Fitrum)

^Laughtrip to sakin, haha!

Nako, ang pinakamurang memory ko ng pamasahe ng jeep is P1.50. Bakit ko naalala? Kasi I remember, P106 ang sweldo ng labandera namin dati. Tinanong ko kay Mama bakit, may gansal na P6. Para daw sa pamasahe. 2 sakay, papunta at pabalik, kaya P6. (",)

June 2, 2007 at 1:54:00 AM GMT+8  
Anonymous tin said...

hahaha! bakit ganon, wala din yung taho? P1 lang ang isang baso dati kaya madaling makakupit, ngayon P10 na ang ganong kaliit na baso... x_x

hekhek..

June 2, 2007 at 2:14:00 AM GMT+8  
Blogger KimVal said...

10. Panliligaw

Noon: Pinagsisibak ng kahoy ang pamilya ng nililigawang babae.

Ngayon: Ang babae na mismo ang sinisibak.

----haha.. oo nga ngaun iba na ang sinisibak!

June 2, 2007 at 11:57:00 AM GMT+8  
Blogger Jake The Miserable said...

1) Nu'ng napadpad na ako sa Maynila, P2.50 pa ang pamasahe sa jeep. 1998 'yan ang 1st Year High School ako.

5) Anumang sukat ng barung-barong, makakakita ka ng Home Entertainment System sa loob. Tsaka may loading station pa.

10) RAK ON! \m/

June 2, 2007 at 12:23:00 PM GMT+8  
Blogger mikaela said...

mas gusto ko ang panty NGAYON.
presko kasi hindi pagpapawisan ang pwet ko.hehe

June 2, 2007 at 8:24:00 PM GMT+8  
Blogger nichole said...

Napaka-totoo ng sinabi mo. At wag nating kalimutan na may Aircon na rin ang mga Squatters.

Ngayon ko lang nalaman na may Sam Milby Hotdog na pala. "I never...said...that I love you" nga naman. Nakakatakot naman kumain 'nun.

June 2, 2007 at 10:29:00 PM GMT+8  
Blogger pb said...

nyahahahaha... yung sa panty, di ko pa natratry na ipang tinga ito. natry mo naba? hehe...

may sam milby hotdog? seryoso??

dun sa panliligaw? eh bat naman sila nagpapasibak? mga babae talaga... buti nalang ang macho ko. haha!

June 2, 2007 at 11:14:00 PM GMT+8  
Anonymous natre said...

hahahahaha... tawa ako ng tawa sa post na 'toh...

oo nga noh... SAM MILBY hotdog na pala ang mabentang hot dog ngayon... :D

napaghahalataan ah... hehehe...

June 3, 2007 at 8:31:00 AM GMT+8  
Blogger lateralus said...

Noon: Pinagsisibak ng kahoy ang pamilya ng nililigawang babae.

Ngayon: Ang babae na mismo ang sinisibak.

Sheesh, man! Hahaha. I wasn't ready to read that. Taas ng shock value ah!

June 3, 2007 at 3:25:00 PM GMT+8  
Blogger Nikki said...

haha addict ka poli...

June 3, 2007 at 5:47:00 PM GMT+8  
Anonymous toniwoni said...

dapat kasi inuutusan ka na lang talaga ng nanay mo na bumili ng tokwa eh, nang hindi ka na nakakagawa pa ng ganitong mga posts! haha...
judy anne nga naman oo...
at oo, talo pa kami ng mga squa dito...
Naka N-series pero me scotch tape ang housing...
:D

June 3, 2007 at 6:33:00 PM GMT+8  
Anonymous Shayne said...

Is that Judy Ann pare? Haha

June 3, 2007 at 7:38:00 PM GMT+8  
Anonymous betsy said...

addict! addict!

in fairness, mabenta tlga ang mga kalokohan mo! at in fairness ulit, may sense! hekhekhek...

June 3, 2007 at 8:04:00 PM GMT+8  
Blogger Paula said...

9. Judy Ann Santos

Noon: Siopao, pamato, palanggana, batya, punching bag etc.

Ngayon: Is that Judy Ann, pare? (Fitrum)

ahe. para sa akin, chubby p rin si juday.

June 3, 2007 at 8:15:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Matanda ka na.

Nagko-compare ka na ng generation mo sa generation ngayon.

Matanda na tayong lahat!





Lover

June 3, 2007 at 10:08:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Ang laki ng isyu ng mga mambabasa mo sa mga squatters.





Bitch

June 3, 2007 at 10:14:00 PM GMT+8  
Blogger jesse said...

potek! may sam milby hotdog na pala?! juicy ba? hehe!

sosyal na talaga mga squatter ngyon..

June 4, 2007 at 8:00:00 AM GMT+8  
Blogger Aja said...

Uy may nagalit.

Nakakatawa nga 'tong post mo. Nagulat lang talaga ako sa huli, puro wholesome naman kasi ung mga nauna eh. Haha... Kanina lang pagsakay ko sa tricycle, antagal umandar ni manong. Nagtetext pala. Mas mahal pa ang phone kesa sa 'kin. OMGLOL

June 4, 2007 at 6:17:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

makikijoin lang ako sa pagcomment kasi ang dami e...hehe..
syempre binabasa namin itong blog mo sa che lobby. ilegal na internet ito!
go alan.
so great talaga!

-bitch2

June 5, 2007 at 9:51:00 AM GMT+8  
Anonymous greenpinoy said...

hahahahaa ayos tong listahan na to!!!

June 5, 2007 at 1:29:00 PM GMT+8  
Blogger Dencio said...

syet...nung kinder ako piso ang pamasahe...putik naman oh.

June 7, 2007 at 6:54:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home