Thursday, May 10, 2007

Ang Sweet ng Nanay Ko!

Kaninang umaga, naisipan ng aking mahal na ina na linisin ang aking kwarto. Hindi niya raw kasi alam kung paano ako nananatiling buhay sa kwarto kong inihalintulad niya sa isang kural ng baboy. Noong umpisa ay ayaw ko dahil ang paglilinis niya ng kwarto ko ay nangangahulugan lamang na hindi ko na alam kung saan ko hahanapin ang mga gamit ko. Pero dahil mapilit siya ay hinayaan ko na lang siya.

Habang naglilinis siya ay naglalaro naman ako ng Final Fantasy XII sa aming sala. Nang mapansin kong mali ang memory card na naisaksak ko e bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang isa ko pang memory card. Pagpasok ko sa aking kwarto ay isang kahindik-hindik na bagay ang tumambad sa akin...

Ang bag na tinataguan ko ng aking maliit na DVD koleksyon ng HENTAI ay nasa sahig--walang laman. Kinabahan ako! Baka kasi sinusunog na ng nanay ko ang mga iyon o dinudurog na sa almeres.

Bago ako bumaba para tanungin ang nanay ko, ay may napansin akong maliit na kahon sa ilalim ng aking kama. Binuksan ko ito at WOW--andun lahat ng DVD ko. Maayos ang pagkakasalansan at ang mga DVD ay nasa tama nilang lalagyanan. Ang sweet!

Bumaba ako at kinausap ang aking nanay:

Ako: Ma, ang sweet mo naman.

Nanay: Bakit ako sweet?

Ako: E, inayos mo pala ang mga bold na DVD ko.

Nanay: Oo! Ang dami-dami! San mo ba nakukuha yun?

Ako: E di binibili ko! Sweet mo talaga!

Nanay: Oo! Ang mas sweet e kapag nakita yan ng mga kapatid mo!

Ako: Happy Mothers' Day! (sabay yakap)

Nanay: Tanga! Hindi pa Mothers' Day ngayon!

Ako: Kelan ba? E di advance!

Nanay: Aba malay ko kung kailan ano!

Ako: Ano ba gusto mong regalo?!

Nanay: Ulul, sa pera ko rin naman galing yung ireregalo mo sa akin no! Kaya huwag na lang.

Ako: E di kiss na lang?!

Nanay: Ay naku mas lalong ayoko! Hindi ka marunong maglinis ng kwarto mo e! Napakaburara mo na, NAPAKALIBOG mo pa!

Ako: Mana, mana lang yan Ma.

Nanay: Adik ka. Huwag ka munang mambubuntis ha?

Ako: Mas adik ka Ma!

Malibog raw ako?! Hindi naman a! Isang curious na bata lang talaga ako!

22 Comments:

Blogger Biby Cletus said...

Nice post, its a really cool blog that you have here, keep up the good work, will be back.

Warm Regards

Biby Cletus - Blog

May 10, 2007 at 2:17:00 PM GMT+8  
Blogger mikaela said...

buti ok lang sa kanya noh?
haha

May 10, 2007 at 2:52:00 PM GMT+8  
Anonymous ge said...

hahaha!tae ka poli!hahahaha!gago ka tlga!hahahahahahaha!

naiimagine ko kayo ni angelina!manang mana ka tlga sa ina mo!hahahahaha!

ahahahahahahahahahahahahahahaha!

May 10, 2007 at 3:00:00 PM GMT+8  
Anonymous eloiski said...

wOw! ambait nmn ng ermat mu! Ang sweet! ako inadvanz ko na gep ko ke mama. Binuksan na nya at nasiyahan nmn kahit papaano.

Salamat sa idea, makagawa nga uli ng entry 2ngkol kay nanay!

wahiihihihi!!!

May 10, 2007 at 5:13:00 PM GMT+8  
Anonymous padre salvi said...

haha. ang open naman ng nanay mo. at ang sipag pa. haha. asa pang nanay ko ang maglilinis ng kwarto ko. grabe, mas possible pa ngang maging hari ako ng england kesa sa linisin ni mama ang kwarto ko eh. saka magagalit siya sakin sakaling malaman niya na nag-iipon ako ng bold cds. haha

May 10, 2007 at 5:14:00 PM GMT+8  
Blogger Richard Lionheart said...

Whahaha!

Galing mo anman Kuya! At least open minded ang mother mo... ako hindi e...

hehe...

adventure tayo minsan..
www.adventuresofalionheart.blogspot.com

May 10, 2007 at 6:34:00 PM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

grabe!!! :D

May 10, 2007 at 8:46:00 PM GMT+8  
Blogger the_fallen said...

nyehehehe...!

haw swet!

poli pervert! XD

May 10, 2007 at 10:04:00 PM GMT+8  
Anonymous Keshia said...

Dude. Seryoso yan?

May 11, 2007 at 12:15:00 AM GMT+8  
Blogger the philosphical bastard said...

this post made my day. btw, sa sunday ang mothers day. paki-greet nlng mom mo. ahehe.

pwede bang maki-link?

May 11, 2007 at 7:57:00 AM GMT+8  
Blogger Shari said...

I love organized chaos. Yan ang sistemang umiiral sa mga gamit ko. Once may gumalaw, litung-lito na ako kung nasan ang mga bagay-bagay.

Haha, para palang nanay ko ang nanay mo. Pati na rin ang relasyon natin sa kanila. Si nanay nakikita rin niya yung mga literotica ko sa kwarto lalo na pag nagaayos kami ng mga librong idodonate namin at nagtatapon ng mga di na kelangan. Hindi niya tinatapon yung mga literotica ko, harhar!

May 11, 2007 at 9:24:00 AM GMT+8  
Blogger Puransisuko said...

Malibog ka nmn talga
Poli pero atleast may control ka nmmn..

hehe..

May 11, 2007 at 12:22:00 PM GMT+8  
Blogger Nikki said...

Mahal na mahal ka nga ng nanay mo! HAHA

May 11, 2007 at 5:33:00 PM GMT+8  
Anonymous Szusza said...

Your mom wins a million internets!

Btw, the pictures you posted in my LJ don't show up. T_T

May 11, 2007 at 8:05:00 PM GMT+8  
Anonymous Tin said...

hahaha ^_^ tama ka! ang sweet nyong dalawa, hekhekhek...

gaya ng ibang conservative na parents, patay ako kapag nahanapan ako ng kahit anong ganyan sa gamit koh.

e nung nagdrowing nga lang ako ng naghahalikan, pinagalitan ng dad ko ang nanay ko. Nasa eskwelahan kasi ako nung nung mga araw na yun. Galit na galit daw.

Buti nalang, umuwi ako ng may unexpected medal galing sa eskwelahan... heheh... nawala ang galit nya.

Scary daw.... buti nalang talaga... ~_~

Happy mother's day sa mga nanay natin! Cheers!

May 11, 2007 at 9:10:00 PM GMT+8  
Blogger Jake The Miserable said...

Rak on pare!

*apir mga mama's boys*

May 11, 2007 at 11:57:00 PM GMT+8  
Blogger Paula said...

adik! ang baet ni ma! *naki 'ma' daw ba*

haha. buti hindi nashock nanay mo? eh ako kung nakita ng mga hinayupak kong magulang ang mga obra ko *yaoi* eh baka pinagmadre na siguro ako.. >_>

May 12, 2007 at 9:17:00 PM GMT+8  
Blogger Conrad said...

cool post man!!haha..a word of advice, keep your porn collection out of your mom's reach..haha.

May 12, 2007 at 9:38:00 PM GMT+8  
Blogger danceordropdead said...

Sweet mom. Sweet post. Linking you aight? Then again I'd still link you without asking. Love it here.

May 23, 2007 at 4:47:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Wag ka na magmalinis.

Curious ka AT MALIBOG.







Lover

May 26, 2007 at 1:44:00 PM GMT+8  
Anonymous greenpinoy said...

anak ng...ganyan kayo magusap ng nanay mo?!?! astig! hahahahahaha

June 5, 2007 at 1:35:00 PM GMT+8  
Blogger iam way said...

ahahahah ang lupet nio naman magusap ng mama mo kakaiba pano kaya kung si lolo makita nia ung tiktik sa ilalim ng kama ko sabihin ko kaya sa kanya mana mana lang at mas malala pa nga sia eh... di kaya murahin ako nun?

March 9, 2008 at 9:03:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home