Thursday, October 11, 2007

Phoenix Down

Buhay pa ako...

Sa wakas, natapos na rin ang isinumpang semestre na 'to. Makakatulog na rin ako bago ipalabas ang Unang Hirit. At higit sa lahat, hindi ko na makikita ang pagmumukha ng aming mga kinasusuklamang propesor.

Pero para maging patas, ay mayroon din naman akong mga natutunan ngayong semestre:
  • Kung kailangan kong sumulat ng straight news para iligtas ang aking buhay, lead paragraph pa lang ang nagagawa ko, e iiwan na agad ng kaluluwa ang katawan ko--kung meron man.
  • Ang subject namin na Filipino, ay tungkol sa buhay ng aming propesor. Kaya laking gulat ko nang pinagawa niya kami ng isang children's story book bilang final requirement. Akala ko kasi talambuhay niya ang ipapagawa niya. Tapos, ang pinakamalupit ang pagkakasulat ay di lamang bibigyan ng uno, kungdi ipapadala pa kay Ate Charo.
  • Nagkakaroon ako ng writer's block tuwing makakatapos ako ng isang paragraph sa isinusulat kong article. Kailangan kong ituon ang isip ko sa ibang bagay bago bumalik ang aking "groove" sa pagsusulat. Buti na lang may X-Tube.
  • Huwag na huwag babasahin ang isinusulat na article hangga't hindi ka pa tapos dahil hinding-hindi ka matatapos.
  • Kabisado ko na ang script ni Jaymee Joaquin sa Games Uplate Live
Black Sea

Ang totoong Black Sea ay wala sa Southeastern Europe kungdi nasa likod ng UST (Dapitan, Laong Laan) at Recto.

Sa aking latest count ay anim na beses akong lumusong sa baha ngayong semestre. Buti na lang at hindi ako natulad kay Aling Viring (character sa pelikulang Feng Shui). Year of the Rat siya tapos sumilip pa siya sa Ba'gua ni Kris Aquino. Ayun, namatay tuloy siya sa Leptospirosis.

At tuwing may baha, kahit walang price hike ng langis sa world market ay nagtataas pa rin ang mga pedicab drivers ng singil sa pasahe.

P15 para wala pang sampung segundong pagsakay.

As Long As You Love Me

(Habang nasa loob ng Jeep)

Ten-nen-den. Te-nen-den (tu-nun-dun). Ten-nen-tenen-nen-den.

Although loneliness has always been a friend of mine...

Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng humigi't kumulang isang dekada, e mumultuhin pa rin ako ng kantang 'to. Ang nakakatakot, kabisado ko pa rin siya--pati mga second voices.

May magagawa pa ba ako? E di pinanindigan ko na at dinama ang pagkanta habang nakatingin sa labas kasama ang hangin at usok na bumubuga sa mukha ko.

Pwede na sa MYX! Kulang na lang ay may lumabas na lyrics sa may bandang ibaba.

Rambutan

Tuwing madaling araw ay inirereplay sa Cinema One ang mga lumang bomba films. Naabutan ko kagabi ang pelikula nina Rosanna Roces at Jao Mapa. Naghalikan sila sa dalampasigan habang may kagat-kagat na rambutan si Rosanna.

Hirap naman niyan. Paano kapag naubos na yung laman?

Sino lulunok nung buto?

Pacquiao

Buti na lang at may live video streaming sa internet. Natapos ko yung laban sa loob ng 30 minutes. Kung di ba naman adik ang GMA e. Biruin mong kada isang national anthem e may patalastas?

Ang tunay na panalo sa labang ito ay hindi si Manny kungdi ang asawa niyang si Jinkee. May pang-shopping na naman siya.

Ibang lebel 'tong si Jinkee. May highlights ang buhok, may mga commercials at English kung sumagot sa interview.

Huwag magtaka kung magkaroon si Jinkee ng Teleserye.

Tiyak na maiingit ang asawa ni Penalosa niyan.

Calamansi Soap

Gusto kong patayin kung sino man ang naglagay ng calamansi soap sa banyo namin.

Masarap na sana at success ang aking seremonyas sa banyo pero nang maghuhugas na ako ay di sinasadyang nadampot ko ang calamansi soap.

Ang hapdi! AMP! Parang binabalatan ang butas ng pwet mo sa sakit.

Maiba lang ako...

Pumuti naman kaya ang butas ng pwet ko?

Bwahahahaha!

19 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Naks Poli (close daw ba?!), buti naman na nakapag-update ka na. Medyo matagal tagal din ang inantay ko. Grabeh nakakamiss kasi mga posts mong makulit. :p

October 11, 2007 at 5:36:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

AAHAHAHAHAH!!! haay. namiss ko mga sulat mo poli-perpek! ^____^ parang ang tagal ko ring hindi nakabasa ah?

October 11, 2007 at 6:00:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

meron sa net yun laban ni manny!? daya tlga ng GMA noh!

poli irecommend ko blog mo sa pinsan ko! hehehe

October 11, 2007 at 8:19:00 PM GMT+8  
Blogger JoiceyTwenty said...

haha. aliw talaga. so close na kayo nyan ng psycho prof mo? haha :D

"Ang totoong Black Sea ay wala sa Southeastern Europe kungdi nasa likod ng UST (Dapitan, Laong Laan) at Recto."

ehnako. umihi lang aso sa dapitan baha na.

nung isang araw, ito naman narinig ko.. "maari bang malaman ko.. kung feel na feel mo ng sabihin sana ay sabihin na ito.." nahiya ako sa sarili ko kase memorize ko din sya. flames!!! Haha :D

October 11, 2007 at 9:08:00 PM GMT+8  
Blogger RedLan said...

namiss ka namin! ilang araw din na hindi ako nakatawa. Mabuti at bumalik ka na. Ayon sari-saring patawa ang dala.

Talbog talaga yang asawa ni manny. walang katulad. kung namamaga ang pisngi ng asawa sa suntok ganun rin ang highlights ng kanyang buhok. joke!

October 11, 2007 at 9:08:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Welcome back Poli!! Na-miss ko yung mga post mo.

Buti nga 15 lang ang singil sa iyo..sa Pedro Gil na nagiging Manila Bay (lang) kapag malakas ang ulan, 30 pesos ang singil.

Wagi nga ang byuti ni Kumareng Jinkee...kaso baka gumanti ang asawa ni Penalosa. Mag a la Inday, banatan ng Saligang Batas ang mga reporter.

October 11, 2007 at 11:15:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

malaki tlga ang kailangang ipagpasalamat ng sanlibutan sa X-tube!

October 12, 2007 at 3:18:00 AM GMT+8  
Blogger Jhed said...

Magliliwanag na naman ang mga leeg at braso ni Jinky sa dami ng diamonds niya. HAHA!

October 12, 2007 at 3:30:00 AM GMT+8  
Blogger The Rain Sprite said...

poli-uhh

hindi lang ikaw ang nanganib non sa leptospirosis. XDD

at masaya lumusong sa baha. buti nga walang nagnakaw sa lumutang kong tsinelas!!

ahhahaha. patowk pala si jinkee eh. XD

October 12, 2007 at 3:15:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kami ang pinakahuling babahain sa lahat..

sa dami ba naman ng puno sa updil

October 12, 2007 at 5:39:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

woohoo! ang pagbabalik ni poli. sasaya na naman ang mundo :D

siguro, meron nang mekanismo sina rosanna para iluwa yung buto pag naubos na yung laman.

October 12, 2007 at 8:29:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

poli! tama lahat ng natutunan mo! hahaha!

October 12, 2007 at 10:31:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

naku!

buhay na naman si poli,
patay tayo d'yan!


...

ngayon ko lang nalamang may calamansi soap pala, akala ko alamat lang yun e. saan ba makakabili nyan para masubukan kung maasim nga?

October 13, 2007 at 3:25:00 AM GMT+8  
Blogger kim said...

antayin pa ntin kng mbubuhay pa tyo pag dting ng thesis ;D

October 14, 2007 at 4:23:00 PM GMT+8  
Blogger july said...

haha, kala ko pa naman pinakamahal na yung binayaran kong 10pesos mula ministop dapitan hanggang dapitan gate haha, may overpricing pa pla. hehe. astig talaga ang black sea ng dapitan.

October 14, 2007 at 6:41:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

nakow overpricing na nga yun tsong..sinasamantala nila kasi dun lang sila kumikita ng malaki..baka nga yung mga pedicab drivers ang malakas magdasal na sana umulan at bumaha para kumita sila ng malaki laki..ako nga eh nakisilong lang sa payong 5 petot agad eh ilang dipa lang naman ang layo ng pinuntahan ko.

October 15, 2007 at 8:39:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

adik i love your entry! panalo! :P

October 15, 2007 at 3:20:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hehehehe kulet naman pala dito ... e buti hindi ka pinagawa ng thesis ng prof mo para wala na syang hirap sa thesis nya sa masteral lol ...ganyan yung mga naging prof ko nun e.

October 19, 2007 at 11:23:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kudos..

pers tym kong nabasa blog mo..
nakaka-aliw..pampalipas oras ng walang kwentang sembreak..hehe

ang kulet..

October 23, 2007 at 4:55:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home