Phoenix Down
Buhay pa ako...
Sa wakas, natapos na rin ang isinumpang semestre na 'to. Makakatulog na rin ako bago ipalabas ang Unang Hirit. At higit sa lahat, hindi ko na makikita ang pagmumukha ng aming mga kinasusuklamang propesor.
Pero para maging patas, ay mayroon din naman akong mga natutunan ngayong semestre:
Ang totoong Black Sea ay wala sa Southeastern Europe kungdi nasa likod ng UST (Dapitan, Laong Laan) at Recto.
Sa aking latest count ay anim na beses akong lumusong sa baha ngayong semestre. Buti na lang at hindi ako natulad kay Aling Viring (character sa pelikulang Feng Shui). Year of the Rat siya tapos sumilip pa siya sa Ba'gua ni Kris Aquino. Ayun, namatay tuloy siya sa Leptospirosis.
At tuwing may baha, kahit walang price hike ng langis sa world market ay nagtataas pa rin ang mga pedicab drivers ng singil sa pasahe.
P15 para wala pang sampung segundong pagsakay.
As Long As You Love Me
(Habang nasa loob ng Jeep)
Ten-nen-den. Te-nen-den (tu-nun-dun). Ten-nen-tenen-nen-den.
Although loneliness has always been a friend of mine...
Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng humigi't kumulang isang dekada, e mumultuhin pa rin ako ng kantang 'to. Ang nakakatakot, kabisado ko pa rin siya--pati mga second voices.
May magagawa pa ba ako? E di pinanindigan ko na at dinama ang pagkanta habang nakatingin sa labas kasama ang hangin at usok na bumubuga sa mukha ko.
Pwede na sa MYX! Kulang na lang ay may lumabas na lyrics sa may bandang ibaba.
Rambutan
Tuwing madaling araw ay inirereplay sa Cinema One ang mga lumang bomba films. Naabutan ko kagabi ang pelikula nina Rosanna Roces at Jao Mapa. Naghalikan sila sa dalampasigan habang may kagat-kagat na rambutan si Rosanna.
Hirap naman niyan. Paano kapag naubos na yung laman?
Sino lulunok nung buto?
Pacquiao
Buti na lang at may live video streaming sa internet. Natapos ko yung laban sa loob ng 30 minutes. Kung di ba naman adik ang GMA e. Biruin mong kada isang national anthem e may patalastas?
Ang tunay na panalo sa labang ito ay hindi si Manny kungdi ang asawa niyang si Jinkee. May pang-shopping na naman siya.
Ibang lebel 'tong si Jinkee. May highlights ang buhok, may mga commercials at English kung sumagot sa interview.
Huwag magtaka kung magkaroon si Jinkee ng Teleserye.
Tiyak na maiingit ang asawa ni Penalosa niyan.
Calamansi Soap
Gusto kong patayin kung sino man ang naglagay ng calamansi soap sa banyo namin.
Masarap na sana at success ang aking seremonyas sa banyo pero nang maghuhugas na ako ay di sinasadyang nadampot ko ang calamansi soap.
Ang hapdi! AMP! Parang binabalatan ang butas ng pwet mo sa sakit.
Maiba lang ako...
Pumuti naman kaya ang butas ng pwet ko?
Bwahahahaha!

- Kung kailangan kong sumulat ng straight news para iligtas ang aking buhay, lead paragraph pa lang ang nagagawa ko, e iiwan na agad ng kaluluwa ang katawan ko--kung meron man.
- Ang subject namin na Filipino, ay tungkol sa buhay ng aming propesor. Kaya laking gulat ko nang pinagawa niya kami ng isang children's story book bilang final requirement. Akala ko kasi talambuhay niya ang ipapagawa niya. Tapos, ang pinakamalupit ang pagkakasulat ay di lamang bibigyan ng uno, kungdi ipapadala pa kay Ate Charo.
- Nagkakaroon ako ng writer's block tuwing makakatapos ako ng isang paragraph sa isinusulat kong article. Kailangan kong ituon ang isip ko sa ibang bagay bago bumalik ang aking "groove" sa pagsusulat. Buti na lang may X-Tube.
- Huwag na huwag babasahin ang isinusulat na article hangga't hindi ka pa tapos dahil hinding-hindi ka matatapos.
- Kabisado ko na ang script ni Jaymee Joaquin sa Games Uplate Live
Ang totoong Black Sea ay wala sa Southeastern Europe kungdi nasa likod ng UST (Dapitan, Laong Laan) at Recto.
Sa aking latest count ay anim na beses akong lumusong sa baha ngayong semestre. Buti na lang at hindi ako natulad kay Aling Viring (character sa pelikulang Feng Shui). Year of the Rat siya tapos sumilip pa siya sa Ba'gua ni Kris Aquino. Ayun, namatay tuloy siya sa Leptospirosis.
At tuwing may baha, kahit walang price hike ng langis sa world market ay nagtataas pa rin ang mga pedicab drivers ng singil sa pasahe.
P15 para wala pang sampung segundong pagsakay.
As Long As You Love Me
(Habang nasa loob ng Jeep)
Ten-nen-den. Te-nen-den (tu-nun-dun). Ten-nen-tenen-nen-den.
Although loneliness has always been a friend of mine...
Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng humigi't kumulang isang dekada, e mumultuhin pa rin ako ng kantang 'to. Ang nakakatakot, kabisado ko pa rin siya--pati mga second voices.
May magagawa pa ba ako? E di pinanindigan ko na at dinama ang pagkanta habang nakatingin sa labas kasama ang hangin at usok na bumubuga sa mukha ko.
Pwede na sa MYX! Kulang na lang ay may lumabas na lyrics sa may bandang ibaba.
Rambutan
Tuwing madaling araw ay inirereplay sa Cinema One ang mga lumang bomba films. Naabutan ko kagabi ang pelikula nina Rosanna Roces at Jao Mapa. Naghalikan sila sa dalampasigan habang may kagat-kagat na rambutan si Rosanna.
Hirap naman niyan. Paano kapag naubos na yung laman?
Sino lulunok nung buto?
Pacquiao
Buti na lang at may live video streaming sa internet. Natapos ko yung laban sa loob ng 30 minutes. Kung di ba naman adik ang GMA e. Biruin mong kada isang national anthem e may patalastas?
Ang tunay na panalo sa labang ito ay hindi si Manny kungdi ang asawa niyang si Jinkee. May pang-shopping na naman siya.
Ibang lebel 'tong si Jinkee. May highlights ang buhok, may mga commercials at English kung sumagot sa interview.
Huwag magtaka kung magkaroon si Jinkee ng Teleserye.
Tiyak na maiingit ang asawa ni Penalosa niyan.
Calamansi Soap
Gusto kong patayin kung sino man ang naglagay ng calamansi soap sa banyo namin.
Masarap na sana at success ang aking seremonyas sa banyo pero nang maghuhugas na ako ay di sinasadyang nadampot ko ang calamansi soap.
Ang hapdi! AMP! Parang binabalatan ang butas ng pwet mo sa sakit.
Maiba lang ako...
Pumuti naman kaya ang butas ng pwet ko?
Bwahahahaha!
19 Comments:
Naks Poli (close daw ba?!), buti naman na nakapag-update ka na. Medyo matagal tagal din ang inantay ko. Grabeh nakakamiss kasi mga posts mong makulit. :p
AAHAHAHAHAH!!! haay. namiss ko mga sulat mo poli-perpek! ^____^ parang ang tagal ko ring hindi nakabasa ah?
meron sa net yun laban ni manny!? daya tlga ng GMA noh!
poli irecommend ko blog mo sa pinsan ko! hehehe
haha. aliw talaga. so close na kayo nyan ng psycho prof mo? haha :D
"Ang totoong Black Sea ay wala sa Southeastern Europe kungdi nasa likod ng UST (Dapitan, Laong Laan) at Recto."
ehnako. umihi lang aso sa dapitan baha na.
nung isang araw, ito naman narinig ko.. "maari bang malaman ko.. kung feel na feel mo ng sabihin sana ay sabihin na ito.." nahiya ako sa sarili ko kase memorize ko din sya. flames!!! Haha :D
namiss ka namin! ilang araw din na hindi ako nakatawa. Mabuti at bumalik ka na. Ayon sari-saring patawa ang dala.
Talbog talaga yang asawa ni manny. walang katulad. kung namamaga ang pisngi ng asawa sa suntok ganun rin ang highlights ng kanyang buhok. joke!
Welcome back Poli!! Na-miss ko yung mga post mo.
Buti nga 15 lang ang singil sa iyo..sa Pedro Gil na nagiging Manila Bay (lang) kapag malakas ang ulan, 30 pesos ang singil.
Wagi nga ang byuti ni Kumareng Jinkee...kaso baka gumanti ang asawa ni Penalosa. Mag a la Inday, banatan ng Saligang Batas ang mga reporter.
malaki tlga ang kailangang ipagpasalamat ng sanlibutan sa X-tube!
Magliliwanag na naman ang mga leeg at braso ni Jinky sa dami ng diamonds niya. HAHA!
poli-uhh
hindi lang ikaw ang nanganib non sa leptospirosis. XDD
at masaya lumusong sa baha. buti nga walang nagnakaw sa lumutang kong tsinelas!!
ahhahaha. patowk pala si jinkee eh. XD
kami ang pinakahuling babahain sa lahat..
sa dami ba naman ng puno sa updil
woohoo! ang pagbabalik ni poli. sasaya na naman ang mundo :D
siguro, meron nang mekanismo sina rosanna para iluwa yung buto pag naubos na yung laman.
poli! tama lahat ng natutunan mo! hahaha!
naku!
buhay na naman si poli,
patay tayo d'yan!
...
ngayon ko lang nalamang may calamansi soap pala, akala ko alamat lang yun e. saan ba makakabili nyan para masubukan kung maasim nga?
antayin pa ntin kng mbubuhay pa tyo pag dting ng thesis ;D
haha, kala ko pa naman pinakamahal na yung binayaran kong 10pesos mula ministop dapitan hanggang dapitan gate haha, may overpricing pa pla. hehe. astig talaga ang black sea ng dapitan.
nakow overpricing na nga yun tsong..sinasamantala nila kasi dun lang sila kumikita ng malaki..baka nga yung mga pedicab drivers ang malakas magdasal na sana umulan at bumaha para kumita sila ng malaki laki..ako nga eh nakisilong lang sa payong 5 petot agad eh ilang dipa lang naman ang layo ng pinuntahan ko.
adik i love your entry! panalo! :P
hehehehe kulet naman pala dito ... e buti hindi ka pinagawa ng thesis ng prof mo para wala na syang hirap sa thesis nya sa masteral lol ...ganyan yung mga naging prof ko nun e.
kudos..
pers tym kong nabasa blog mo..
nakaka-aliw..pampalipas oras ng walang kwentang sembreak..hehe
ang kulet..
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home