Friday, May 4, 2007

Ubos na ang Malilinis kong Brip

Ang init. Parang isinalang ang Pilipinas sa loob ng isang higanteng pugon na nag-uumapaw sa nagliliyab na kahoy na panggatong. Pagkahango, ay iiipit naman sa isang mamasa-masa at higanteng kili-kili.

Ayos naman sa akin kung mainit--lang. E ang kaso, bukod sa mainit e napaka-humid o lagkit ng hangin. Kahit ang pinakamaaliit na galaw ng iyong katawan ay magpapabunsod sa iyong mga iswet glands upang maglabas ng pawis. Yun bang tipong nakaupo ka lang sa isang sulok habang ginagawa mong carbon dioxide ang oxygen e pinagpapawisan ka na kaagad.

Siguro, kung tinipon ko ang bawat butil ng pawis na lumubas mula sa aking balat ngayong bakasyon e nasolusyunan ko na ang tag-tuyot at ang kawalan ng tubig na maiinom sa Aprika.

Sa ganitong klase ng panahon, parang ang sarap gayahin nung lumang-lumang patalastas ng Nestea kung saan may isang lalaking maglalatag ng asul na kumot sa ibabaw ng damuhan. Pagkatapos ay iinom siya ng Nestea Iced Tea habang patalikod na bumabagsak sa nilatag niyang kumot. At sa minuto na dumikit ang katawan niya sa kumot, e biglang may magtatalsikan na tubig! Naging swimming pool na pala yung kumot!

Sinubukan ko na to dati nung bata ako, bukol ang inabot ko. Hindi ko na tuloy nasabi ang pariralang "Nestea, take the plunge!" sa dulo.

Sa loob ng isang araw nakaka-apat na ligo ako: una, pagkagising; pangalawa, pagkatapos ng tanghalian; pangatlo, pagkatapos ng hapunan at pang-apat, bago humimlay sa kama. Ayos, ang sarap ng pakiramdam!

Kaya lang dahil apat na beses akong naliligo, e apat na beses rin akong nagpapalit ng damit. Kaya naman kanina pagbukas ng aparador e hindi na ako nagtaka na wala na pala akong malinis na brip na maisusuot.

Sinubukan kong magsuot ng mga shorts na may built-in na brief --hindi maganda, maluwag, walang suporta. Minsan lumulusot sa gilid ang hindi dapat lumusot. Kaya...

Napagdesisyunan ko na huwag na lang magsuot ng ganung tipo ng short. Kaya naman ang istatus ko ngayon e "going commando" o "free-balling." Presko kasi malayang nahahanginan. Ang problema lang e kapag nagsimula ng pawisan "iyon." Dahil walang sumisipsip ng pawis ko "doon" e parang basang sisiw lagi ang alaga ko. Kawawa naman.

Pahiram naman ng brip.

12 Comments:

Anonymous tin said...

hahahahah! >___<

ayos! ginawa mo rin pala yun! Ang Nestea Take THe PLUNGE! hahahaha! uso yan nung bata ako, ginagawa namin yan ng kapatid koh! hahahah! dati... pero hindi kami maxado submerged sa thought na lulubog kami, kaya protektado pa rin ang ulo!

ang alam ko, may namatay daw dahil sa panggagaya ng patalastas na yon! hahahaha!

grabe nga ang init! akala ko, pag-uwi ko dito e mas malamig kesa manila. GRABE! sa labas ako ng kwarto natutulog sa sobrang INIT!!! ^___^

May 4, 2007 at 9:29:00 PM GMT+8  
Blogger the_fallen said...

huwawawaw... nestea...

ginagawa ko yun sa kama e so basically tumatalbog lang ako. di naman ako nauuntog.

kawawa ka naman.

wala na ba yung mga luma mong brip na malamang 'bacon' na ang garter? nasa bahay ka lang naman e.. lolx

May 5, 2007 at 1:05:00 AM GMT+8  
Blogger Jake The Miserable said...

Now that's what I call "air-cool."

Oks lang 'yan, pards. Kahit ako minsan e... Nyehehehe.

Ako e dalawang beses pa lang naman kung maligo. Isa bago maglakwatsa, isa e bago matulog. At tulad mo, nauubusan din ako ng brip.

May 5, 2007 at 1:38:00 PM GMT+8  
Blogger mikaela said...

irecycle mo nlng mga brip mo.
SIDE A sa umaga SIDE B sa gabi..
hahaha

May 5, 2007 at 2:02:00 PM GMT+8  
Anonymous james said...

syet...sobrang init nga! mabuti sana kung namamawis lang talaga yon e. kaso minsan nangangati na rin dahil sa pawis at lagkit.

masarap mag-commando mode. ganon na rin ako pag natutulog. presko. sarap ng pakiramdam pagkagising. weeeee....

May 5, 2007 at 4:50:00 PM GMT+8  
Anonymous Peter said...

peborit ko yang commercial ng nestea.. sobrang ginagaya ko yan dati hanggang sa magkanda bukol bukol nako..

ang init ka.. pero advantage sakin yun..para ma burn pa ung unwanted fats ko.. :)

May 6, 2007 at 3:50:00 AM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

potah! naaawa ako s ginwa mo s sarili mo.. hehe! nestea nestea k p jan ha?! wehehe! as 4 d ubos n ang brip n issue.. wtf?! "FREE-BALLING"!? shiyet!! :D

May 6, 2007 at 12:54:00 PM GMT+8  
Blogger eloiski said...

sobrag napakainit ngang tlg! masarap maligo pro ang problema panu kung walang tubig tulad ng sa min! Kahit gustuhin mo maligo ng ilang beses di mo magawa dhl nauubusan nga! hay!

May 6, 2007 at 2:01:00 PM GMT+8  
Blogger Shari said...

Haha seems like almost everyone tried that Nestea Iced Tea plunge na yan. Kami rin ng insan ko, lagi naming ginagawa yan actually. Pero ngayon hindi na, masyado na ata kaming malaki, pano ba naman baka biglang mawalan ng tubig ang pool pagka-plunge ko dun sa sobrang tidal wave, haha.

Bili ka ng disposable brief, pero wag mong idispose. Irecycle mo, lololol. Okay lang yan, at least may sumasalo pa rin sa ano, kesa naman nakatiwangwang diba?

But on the other hand....

Sige, wag na lang! :D

May 6, 2007 at 3:26:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Allan, try mo wag maligo ng isang araw. Ang sarap mangulekta ng libag.

May shorts pala na may built-in brip?!

At patay na raw si mama Celia Rodriguez!

-bitch3

May 6, 2007 at 5:37:00 PM GMT+8  
Blogger LucAnAku' said...

naligaw.. ahehehe... may pa nestea-nestea ka pa! 4 times ka maligo? ako 3 times... hehehe... pero di pa naman ako nauubusan ng damit *toinkz!* subrang init nga sa pinas! grabe.. minu-minuto ako umiinom ng cold drinks kase naman ang bilis ko mawalan ng tubig sa katawan eh... natutuyot ako!

May 6, 2007 at 11:04:00 PM GMT+8  
Blogger Euri said...

Sinabi mo pa. Ang init talaga. XP

May 7, 2007 at 10:19:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home