Friday, July 20, 2007

Cram-o-thon

Diskleymer: Medyo serious at boring. Pagtiyagaan niyo na lang.

Nitong mga nakaraang araw wala na akong ginawa kungdi mag-cram. Kadalasan e 4:30 o 5:30 na ako ng umaga nakakatulog. Ang mas masaklap dito, hindi porke't natulog na ako e nangangahulugang tapos ko na ang mga assignments, papers etc. Kinakailangan ko pang sumaglit sa mga internet cafe tuwing may break para tapusin o i-edit ang mga takteng papers.

Sa totoo lang, napakatagal nang ibinibigay na oras sa amin para gawin ang mga assignments. Isa hanggang dalawang linggo pa nga e. Pero kahit na ganuon, e nagka-cram pa rin ako. Yan ang dinudulot ng katamaran at procrastination.

"Bukas na lang" at "mamaya na lang" ang dalawa sa mga paborito kong dialogue kapag mayroong assignment. Tapos, saka ako matataranta kapag pasahan na kinabukasan.

Naging bisyo (sakit) ko na ang pagka-cram. Elementary pa lang, ganito na ako. Kadalasan, sa eskwelahan na ako gumagawa ng assignments. Kung saklaping hindi matapos, e kopya na lang sa katabi o barkada. Kapag may quiz o test, sa jeep ako nag-rereview kaya parati akong tulala sa harap ng test paper. Awa naman ni Fafa Jesus e pumapasan naman ako.

Madalas ko kasing pairalin ang pride at yabang ko (lalo na noon). At dahil pumapasa naman ako at nakakakuha paminsan-minsan ng mataas na grado kahit hindi ako mag-aral, ang bumaon sa isip ko, e "Bakit kailangan ko pang mag-aral e pumapasa naman ako?"

Asar ako noong elementary at high school sa mga estudyanteng pala-aral at napakabookish. Iniisip ko na kaya lang naman sila nakakakuha ng mataas na grado, e dahil kabisado nila ang buong libro. Win-win situation para sa akin ang hindi pag-aaral. Kapag nakakuha ka ng mataas, ang lupit ng dating mo. Kapag bumagsak ka naman, okay lang--di ka naman nag-aral e.

Ito na marahil ang dahilan kung bakit ni minsan e hindi ako nagka-honor noong elementary at high school. Kaya nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ako naging pala-aral noon at kung bakit pinairal ko ang aking kayabangan. Natatawa ako dahil ang mga nilalait ko na pala-aral at bookish, e ang mga nagsipagmartsa ng may medalya noong high school graduation.

Noong unang taon ng kolehiyo e bitbit ko pa rin ang ugaling iyon. Saka lang ako medyo natauhan ng makatikim ako ng grade na 75 o 3 sa History. Mula elementary hanggang high school kasi, e 85 ang pinakamababa kong nakuha. Pers taym kong maka line of 7 kaya ang sama ng loob ko.

Na-realize ko na hindi na uubra ang dati kong ugali ngayong kolehiyo kaya naman kahit papaano e nage-effort na akong mag-aral ngayon. Kaya lang, mas madalas talaga ang mga araw na tinatamaan ako ng dati kong sakit--katamaran, procrastination at kayabangan. Takte, ikaw ba naman ang ipanganak na Leo sa Year of the Dragon! (Nyak, isinisi sa Astrology!)

Gaya ngayon, may paper na naman na due sa Wednesday pero wala pa akong naiinterbyu para sa article ko.

Bukas na lang.

16 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ahahaha! may pagka-madam auring ka rin pala!

don't worry! ahekhek. may kakilala din akong leo na under ng mighty dragon year! at dahil bilib ako sa kanya, sa tingin ko naman, bilib din ako seo! ^_^ matalino ka naman eh. kelangan lang talagang pindutin ang "sipag" button mo ng mas madalas at simbilis gaya ng paglalaro ng playstation. hehehe... (akalain mo, pareho rin kayo ng humor ^_-)

ako rin wala pang para sa paper sa FC. hehe. bukas na din! ^_^

July 20, 2007 at 9:21:00 PM GMT+8  
Blogger mikaela said...

sa totoo lang, mas gumagana ang utak ko kapag nagccram eh..ganun ka rin ba?

July 20, 2007 at 10:10:00 PM GMT+8  
Blogger Jigs said...

I'm a crammer too, pero I think mas applicable sakin ang term na "ACCIDENTAL CRAMMER"

Even if I make a paper ahead of time, I still end up cramming kasi hindi ko parin natatapos.

I'm also guilty of loafing around. I sometimes don't study because I'm confident about my stock knowledge, which is never a good thing.

July 20, 2007 at 10:56:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

okai lang yan, ikaw naman si poli perfect e!hahaha!lumelebelebelebel!

July 20, 2007 at 11:23:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

poli, hindi naman cramming tawag diyan ...partida lang!

July 21, 2007 at 2:26:00 AM GMT+8  
Blogger Jhed said...

Parte na ng buhay ko ang pagka-cram, kaya naman nakasanayan ko na ito. Hehe!

Pareho tayo, nung HS.. I don't give much effort in studying. Pero pagdating ko nung college and got a a line of 7 on SOME of my subjects (Zoology! Nooooo!).. aba, e natauhan talaga ako.

Kaya ngayon, isa na lang line of 7 ko. Haha! Sorry, ayaw ko talaga ng Philippine Literature. LOL.

July 21, 2007 at 9:38:00 PM GMT+8  
Blogger Nikki said...

Kaya pala tamad din ako... HAHA Leo at Dragon din... sakit ba natin yun?

July 22, 2007 at 7:19:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

leo at dragon din ako. at may critical review akong ipapasa sa huwebes na hindi ko pa nagagawa. mabuhey tayo!

-biotch3

July 23, 2007 at 10:49:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

first time mo mag ka-tres poli? haha! hayaan mo na yun masasanay ka rin..pag pinagpatuloy mo yan..

2nd yr ata ako namutiktik sa tres..nagseryoso ako nun ng konti pero hindi maiwasang magka-tres pa rin..

ayos ah win-win situation..haha!

July 23, 2007 at 11:46:00 AM GMT+8  
Blogger The King said...

I am an eternal crammer. But I've never mastered it (meaning, getting the desired results, despite the, err, cramming).

July 24, 2007 at 2:30:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Masarap kayang mag-cram!
Wahahaha!
Exhilirating at exhausting ang pakikipag-unahan sa takdang oras.
Masarap i-stretch ang kakayahan mo bilang tao at mag-aaral.
Take it from the expert!
Wahahaha!

Tandaan mo: nagka-cram din si MAY LEE sa kanyang show about the modern asian woman. Siya ang tunay na batayan ng lahat ng bagay. XD

-oso na kyut

July 25, 2007 at 10:01:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Kaya ka pala nakaka-uno kay Ma'am Vilaadolid ah... mayabang...

July 25, 2007 at 2:50:00 PM GMT+8  
Blogger Poli said...

^^

Teka di ka man lang nagpakilala!

Diba sabi ko nga mayabang ako? Hehe!

July 25, 2007 at 7:27:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

I'm actually cramming a paper while reading this.

EVERY student has their lazy moments (well, except my girlfriend, but haz). At least you've acknowledged yours. Think if you really want to do something about it. xD

Meanwhile, I continue to panic. xD

July 25, 2007 at 10:47:00 PM GMT+8  
Blogger july said...

bad3p nga may history pa sa college. apat pa. unang tres ko din to sa uste eh. sunugin ang ab hehehe

August 16, 2007 at 12:55:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Naks. Personal. Congrats.




Lover

September 5, 2007 at 12:10:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home