Sunday, July 1, 2007

experiMENTAL PSYCHOlogy

Ngayong semestre e may subject kaming tinatawag na Experimental Psychology. Mmm...sounds exciting...sounds paahbolous! Ngunit ako'y nabigo noong aming first meeting. Hindi dahil sa subject--sa propesor. Taragis, kung matatawag nga siyang propesor.

Hindi ko maintindihan kung anong klase siyang nilalang. Hindi mo malaman kung isa siyang frustrated na madre o founder ng isang kulto. Maaari ring sexually deprived lang talaga siya.

Bago magtapos ang aming unang meeting, ipinalista niya ang aming cellphone numbers upang ma-text niya raw kami kung sakaling mayroon siyang mahalagang announcement. Ngunit mayroon siyang isang kondisyon--hindi mo maaring ilagay ang number mo kung mayroon itong tatlong 6.

Hindi ko inaasahan iyon kaya napakamot na lang ako ng ulo. Malas raw yun kaya ayaw niya. May napuntahan raw kasi siyang website kung saan ipinaliliwanag ang salot na dulot ng tatlong 6 sa tao kung mayroon nito ang sim card o ang mga microchips mo.

Tsk, tsk. Ipinagmamalaki pa namang niyang isa rin siyang researcher bukod sa pagiging propesor, counselor at matandang dalaga tapos naniniwala siya agad sa mga bagay na nababasa niya sa internet?! Takte.

Paano kaya kapag namili siya at ang kabuuang babayaran niya ay P334 ngunit wala siyang barya kungdi P1000 na buo?

Siya: Miss bale magkano lahat ito?
Saleslady: Three hundred and thirty four pesos po ma'am.
Siya: (iniabot ang P1000)
Saleslady: Ma'am I received 1000 pesooos! (binuksan ang cash register at kumuha ng panukli)
Saleslady: Ma'am here's your change! 666 pesooos!
Siya: AAAAAAAAAARRRRRRRRRGGGGGGGGHHHHH!
Saleslady: Bakit ho ma'am?
Siya: Anung bakit? Hindi mo ba alam na malas ang tatlong 6! Nabasa ko sa internet!
Saleslady: Ah ganuon ho ba?!
Siya: Ay naku! Mabuti pa e alisin mo na lang itong Lactacyd sa mga pinamili ko! Tutal wala namang aamoy at kakain ng pu@% ko.
Saleslady: Buti nga sa inyo ma'am adik po kasi kayo. Pero, pasensiya na po ma'am pero hindi po pwede. Nailagay ko na po sa loob ng cash register ang pera at naka-store na sa memory ng computer ang halaga ng pinamili niyo. Ako ang malilintikan kung pakikielaman ko iyon. Bakit di niyo na lang ihagis yung piso diyan sa sahig para maging P665 na lang yan? Ma'am naman hindi ginagamit ang utak.

***

Noong sumunod na meeting naman ay may itinuro siyang dasal na nakakapagligtas raw ng isang libong kaluluwa sa mundo. Tuwing dadasalin mo raw ito e magkakaroon ka raw ng isang libong kaluluwa. The more you pray and the more souls you save, the more chances of going to heaven! Naks, parang raffle promo lang!

Pagkatapos naming dasalin iyon, e nagcompute siya sa board kung ilang kaluluwa ang ang nailigtas namin. Nagcompute rin siya ng projected number of souls na maililigtas namin sa loob ng isang buwan kung dadasalin namin iyon at least once a week (tuwing klase niya).

Siya: Okay class, who can give some of the strenghts and weaknesses of a case research strategy? Anyone? You!
Ako: Ma'am nagkakamot lang po ako ng ulo.
Siya: Di bale. Just answer my question, hijo.
Ako: One of its strenghts is its ability to give a detailed description. Sa weakness naman, it has potential for selective bias.
Siya: Very good hijo! 5462 souls for you
Siya: Class, may I just remind you na kapag naka 5,000,000,000,000 souls kayo at the end of the semester, e uno na kayo sa klase ko! Kahit bagsakan kayo sa quiz! Basta ma-meet niyo lang ang quota, ayos na!
Ako: YES! 4,999,999,994,538 souls na lang, uno na ako!

***

Wala namang katutwang nangyari sa sumunod na meeting bukod sa quotable quote niya na...

"Sa Numerology, importante ang numbers."

Tae, maluha-luha na ako sa pagkabagot at antok. Parusa talaga ang tatlong oras na kapiling namin siya. Takte, takte, takte.

Kaya naman, kung anu-anong masasayang bagay na lamang ang iniisip ko. Iniisip ko na dinidikit niya ang dila niya sa blade ng electric fan. Iniisip ko na binubunot niya ang bulbol niya isa-isa gamit ang plais (pliers para sa mga sosyal). Iniisip ko rin na nilaglagyan niya ng Mighty Bond ang mga kili-kili niya. Kapag natuyo, e bigla siya magja-jumping jacks.

Hay buhay. May quiz kami bukas at hindi pa ako nag-aaral. Kung bumagsak ako at na-singko, e isa lang ang dahilan-- ang blog entry na ito.

27 Comments:

Blogger p said...

Nang sumunod na araw...

Poli: ma'am ano po'ng scientific na basehan ng paniniwala ninyo?
Ma'am: aaaaaaahh. get out of my class!

July 1, 2007 at 10:44:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

What the fuck?

And that's related to Experimental Psychology (whatever that means)? HOW?

Good grief. Your prof reminds me of my old Theology prof. She actually requested to see me after class. She then proceeded to pat my back and ask me if I had a disturbing childhood.

Failure.

July 1, 2007 at 11:10:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

huh?! lakas topak naman ng prof nyo. Baka yan ung tipong masyadong matalino, nabaliw na..

July 2, 2007 at 12:10:00 AM GMT+8  
Blogger Jigs said...

3 hours with that professor?! I would've gone crazy! Nagulat talaga ako when you said she started calculating the number of souls you saved by praying. What kind of degree does she have? AB Weirdo with a major ing on Crazy?!

July 2, 2007 at 12:10:00 AM GMT+8  
Blogger p said...

actually parang like ko siya. feeling ko magkakasundo kami. mahilig kasi 'ko sa mga weirdong tao eh, lalo pa't sexually deprived. kiss mo nga siya para sakin poli! ahehe

July 2, 2007 at 5:25:00 AM GMT+8  
Blogger Lei_SATG said...

hahahahaha!!!! oo nga, kayo ine-experimentuhan nya. lol

July 2, 2007 at 10:22:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kailangan kong makilala ang propesor niyo at ng mabigwasan sa ulo. comedy e. pota. saya siguro ng klase niyo.

July 2, 2007 at 5:14:00 PM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

ay naku! may prof aqng ganyan! s phil. lit! phil lit ang subject, mga tinu2ro 2ngkol s destiny channel, basketball, religion! ewan ko ba sa matandang un! adeeeeekkk!!!! aus lng, buti aq isang oras q lng xa nkikita! ikw tatlong oras! shiyet! maganda p nmn sna ung exp. psych! sayang! tsk tsk tsk

July 2, 2007 at 9:42:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ang pakaantay-antay kong post! hehehehe!

haay nako, inis na inis na kaya ako ,sa harap pa naman ako nakupo! dumadami pa lalo ang kasalanan ko! sasabhin ko sana na palitan nlng kaya nia si sir george tutal xa naman yung 'magaling!'

posible pa kaya ang mga plinaplano natin para isilid siya don sa 'aircon na walang aircon?' hmmm?

July 3, 2007 at 12:17:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

haha! nagbubunot gamit ang pliers? ayos! ayos poli madami ka na-save na souls...marami ka na nga raffle entry para maka-jackpot sa trip to heaven..

July 3, 2007 at 9:09:00 AM GMT+8  
Blogger mikaela said...

buti na lang at mainit sa classrum natin at hindi na tayo nagquiz..tangna.. puro kalokohan lng tlga ang tinuturo nya.. i boycott na natin xa!!!

July 3, 2007 at 10:34:00 AM GMT+8  
Blogger kim said...

Powtang PSYCHO professor un..
Amboring nga niya Poli!
buti na nga lng mdjo likod2 pa kyo eh.. hehehe

July 3, 2007 at 11:00:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Experimental Psychology. Taena parang interesante nga 'yan.

Either psychotic talaga 'yun, sexually-deprived, tumira ng juts, o pinag-e-eksperimentuhan kayo.

Mag-drop ka na. LOL.

Ay teka 'wag. Mas interesante 'yan sa isang banda. Kasi masarap pagtripan.

July 3, 2007 at 1:35:00 PM GMT+8  
Blogger Trixielle said...

I think your prof is on drugs O.o

July 3, 2007 at 11:00:00 PM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

basta pare gudluck nlng s prof mo! :D

July 3, 2007 at 11:12:00 PM GMT+8  
Blogger The Rain Sprite said...

tae. mukha nga siyang hindi naglalactacyd eh.

July 4, 2007 at 10:12:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

baka naman part time actor siya at pinagttripan lang kayo o ineeksperimentuhan nga tapos sa end of sem sasabihin niya na joke lang lahat yun??

July 5, 2007 at 5:02:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hahahaha! ^___^ natawa naman ako sa imagination mo... buti ka pa, nasa likod.

hindi ko rin kayang pumasok nalang sa mundo ko eh - kaharap ba naman siya?

Ididikit ang dila sa electric fan? ^0^ case study ba ito? hekhek...

"Sa Numerology, importante ang numbers." - hekhekhek... napansin ko nga rin itoh. ano pa nga bang pag-uusapan sa numerology? planeta kaya?

July 5, 2007 at 2:14:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Nakakabaliw talaga ang mga ibang professors, hindi mo alam kung matatawa ka o maiinis.

July 6, 2007 at 6:45:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Haha!

Nakakatawa yung prof mo.




Lover

July 6, 2007 at 8:28:00 PM GMT+8  
Blogger Nikki said...

Hay naku... mas malala ako nandun ako sa gitna... ayaw ko na nga siyang tignan...

July 7, 2007 at 9:50:00 AM GMT+8  
Blogger The King said...

Laughtrip naman yang prof mo!

Catholic school ba kayo? Bat ganyan yan? And kahit na Catholic school pa kayo, maling-mali pa rin! Ay nako, kun kaklase kita, sabay tayong magbabash diyan, hehe!

July 9, 2007 at 3:11:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

adik poli.... ano bang ginagawa namin sa gabi dito sa dorm? nag-si-666... hahah!!! tae ka... nakakabaliw mga posts mo ha... kmukhang kamukha niya talaga yung pamangkin niya!! pati sa ugali at kawirduhan.. sulat ka naman tungkol sa family relations nilang dalawa....

July 12, 2007 at 9:04:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Nais ko mang mag-comment, baka maramdaman pa niya ito. Alam mo naman Poli na ekis na ekis na ako sa kanya.. Baka sabihan na naman niya ako ng "This is the first and last time you'll go out of the room for this meeting." o di kaya naman e "Steady ka lang."

Steady lang ho ako ma'am.. Basta iba na yung prof sa lemyak na subject na to.

July 17, 2007 at 1:29:00 AM GMT+8  
Blogger JoiceyTwenty said...

This comment has been removed by the author.

August 17, 2007 at 10:00:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kilala ko yung prof na tinutukoy mo... at naalala ko ung prayer na yan.. hinding hindi ko makakalimutan ung sinabi nya sa akin na ninanakaw ko daw ung kuryente ng college namin.. hello naman sa kanya, tayo ring mga studyante ang nagbabayad nun. gustong gusto ko pa naman ipakita sa kanya noon yung breakdown ng tuition fee. ewan ko ba sa kanya.

October 15, 2007 at 4:51:00 PM GMT+8  
Blogger wp025 said...

wow- gee that really helps! not!!!!

June 27, 2010 at 3:16:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home