Friday, July 6, 2007

We Accept All Major Credit Cards, Checks and COD. Call Now!

Noong bata pa ako, e napakahilig kong manuod ng mga infomercials sa Home TV Shopping at sa kung anu-ano pang shopping channels. Nakakamangha kasi ang mga produktong ipinapakita rito.

Kapag walang cartoons, eto ang tinitira ko dahil siyang tunay na nakakaadik ang mga infomercials. At dahil sa sobrang kaaadikan ko e umabot na ako sa punto na kabisado ko na ang pagkakasunod-sunod ng mga produktong ipapalabas pati na rin ang bawat linya ng mga hosts.

Kaya naman gusto ko sa inyong ibahagi ang ilan sa aking mga paboritong infomercials:

1. Magic Static Duster



Espesyal na Kakayahan: Gumagamit ng static electricity upang mahila ang mga alikabok at dumi. May kakayahan rin itong sumuot sa masisikip na lugar gaya ng mga pagitan ng Venetian blinds at mga sulok-sulok ng bahay.

Makalaglag Panga na Sandali: Hawak ng isang kunwa-kunwariang nanay ang duster sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay may hawak ng isang kumpol ng balahibo. Bibibitawan niya ang balahibo at didikit ito ng kusa sa duster. Tatanggalin niya ito at papaulit-ulitin ang proseso.

Siyempre, habang ginagawa niya ang lahat ng ito e, todo ngiti siya habang ang mga mata naman niya ay nanlalaki.

2. Buster Cat Pest Repellent

Espesyal na Kakayahan: Nakakapagtaboy ng mga daga at ipis sa pamamagitan nang paggawa ng high-frequency sound waves na sila lamang ang nakakarinig. Kapag hindi nakaalis kaagad ang mga peste, e sisirain ng high-frequency sound ang kanilang central nervous system.

Makalaglag Panga na Sandali: Naglagay ng humigit-kumulang limang daga sa isang glass case. Isinaksak nila ang Buster Cat sa isang outlet at ini-on. Di nagtagal e nagkagulo ang ang mga daga na parang mga adik na nag-aagawan sa bato. Tawa ako ng tawa dahil para silang mga nagii-slamming. Pagkatapos ng slamming session, e nangisay at natepok ang mga ito.

Ano kaya ang high-frequency sound na ginagawa ng Buster Cat? Siguro Ulan ng Cueshe o dili kaya, e yung Kering-Keri ni Kim Chiu ang naririnig ng mga daga at ipis kaya sila mga nabaliw.

3. Sandolin Breast Enhancer

Espesyal na Kakayahan: Isang capsule na nakakapagpalaki ng suso. Kung gagamitin mo ito sa loob ng tatlong buwan, mula 32 A, e magiging 34 C ang laki ng inyong suso.

Ang infomercial ay may ipinapakitang before and after video ng mga babaeng gumamit ng Sandolin kung saan daliri lang ang pinangtatakip nila sa kanilang mga utong upang makita ng mabuti kung gaano kalaki ang ipinagbago ng mga suso nila bago gumamit ng Sandolin.

Makalaglag Panga na Sandali: Nang makita ko na ang first 100 callers ay makatatanggap ng Rosy Areola Cream. Ang cream na ito ay ipinapahid sa utong upang maging kulay rosas ang mga ito.

Sa sobrang epektib, e kayang-kaya nitong gawing kulay rosas ang mga utong niyo kahit na mas maitim pa ang mga iyan kaysa sa alkitran o kamagong. Bwahaha!

Nakakatakot naman kapag maitim yung mismong suso pero pink yung utong diba? Parang strawberry-filled, chocolate donut dating nun!

4. Ab Flex



Espesyal na Kakayahan: Kung ikakadyot mo ito sa iyong tiyan sa loob 3 minuto bawat araw, e siguradong pwedeng-pwede ka nang isali sa pelikulang 300.

Makalaglag Panga na Sandali: Nang mapansin ko na ang Ab Flex ay kamukha ng Jet Cannon ng Maskman.



Di ba?

***

Ilan lang ang mga iyan sa mga paborito ko pero dahil ang haba na nito e itinigil ko na.

Teka muna, bago ko tuluyang tapusin ang entry na ito, e may itatanong ako sa inyo:

Bakit lahat ng produkto sa mga shopping networks, kung hindi P1995, e P2995 o P9995? Bakit kailangang P*995 ang presyo? Sagutin niyo ako--matagal na yang bumabagabag sa isip ko.

28 Comments:

Blogger Trixielle said...

Hahah nag iislam ampotek ka, laughtrip ka talaga

July 6, 2007 at 8:45:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Gustong-gusto ko bumili dati niyang Magic Duster na yan.

Gusto ko rin nung Star Mop. Nung isang beses kinukumbinsi ko pa si ina na bumili non. Tsaka yung Revo Styler! Hahahahahaha!

Natawa ako don sa alkitran. Naalala ko kayo ni Josie. Hehehe.


Di ko alam kung bakit ganon yung mga presyo pero masayang pakinggan pag sinasabi nung disembodied voice yung mga presyo. Feel na feel niya kasi.




Lover

July 6, 2007 at 8:49:00 PM GMT+8  
Blogger the_fallen said...

tae ka.

andami mong nalimutan ha!

eh ung mga imbensyon ni aunt audrey e kinalimutan mo na!

pano na ang smart stacks?

o yung plantsang hindi nakakasunog ng damit??

eh ung chopper, grinder, at blender na all-in-one??

ung cookware na my teflon ang paligid???

wala lang

XD

July 6, 2007 at 10:52:00 PM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

this is what you call 'quality tv'! hehe! favorite ko ung mga plabas ni aunt audrey! :p

July 7, 2007 at 9:38:00 AM GMT+8  
Blogger Poli said...

Alamat talaga yang si Audrey Watson.

Kabisado ko pa rin hanggang ngayon yung Fat Free Express. Yung Smart Stacks onti na lang.

@Louise: Kung isasama ko lahat yan e magiging nobela na itong entry ko! Hehe!

July 7, 2007 at 10:36:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ahahahaha eh yung silhouette kwarenta? yung papayat ka in 3 minutes pagkatapos mong ipahid? ahahahahahahhaa

July 7, 2007 at 12:48:00 PM GMT+8  
Blogger Poli said...

@greenpinoy: Wala kasi akong mahanap na masyadong info sa silhouette 40! Pero yun ang pinaka mag-gimik sa lahat ng mga home tv shopping products.

July 7, 2007 at 3:36:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hhahaahhaah!!!!

>____T buti't mahaba ang pasensya mo sa kakanood nyan?! hekhekhek...

July 7, 2007 at 3:50:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Kailangan ng Silhouette 40 sa susunod na entry XDDD

July 7, 2007 at 9:30:00 PM GMT+8  
Blogger Jigs said...

Thank God! May silbi din pala ang pag-aaral ko ng Business Mgmt! Hahaha!

Ang dahilan kung bakit 9 or 5 ang huling number sa mga presyo ng mga produkto sa infomercial, ay isa itong marketing strategy.

It's called Psychological Pricing. According to observations and statistics in marketing, customers are more inclined to buy a product if the price ends in an odd number, usually 9 or 5. It may not always work because we look at pricing more logically. 1 peso or 5 pesos isn't really that big of a difference.

So there's your answer to your question! Glad to be of use! Hahaha!

Ang paborito kong infomercial ngayon ay yung ultimate chopper thingy. Nakakaimpress kasi when it turned concrete to dust and granulated sugar into powdered sugar. Hahaha!

Recently, natutuwa ako sa Venta5! Hehe!

July 8, 2007 at 3:25:00 AM GMT+8  
Blogger pusa said...

haha peborit ko rin manood ng mga infomercial dati.

dun sa price , marketing strategy nila un, to make it look like your paying less, kc kun outright 2k un price na ilagay nila isipin mo mahal, pero kun 1995, feeling mo 1k lang un item.

July 8, 2007 at 9:20:00 AM GMT+8  
Blogger Poli said...

@Jigs: Wow! Buti na lang talaga at nag-aral ka ng Business Management! Hehe! Napaka-detailed ng explanation!

@Pusa: Oo nga no! Hindi ko kasi siya nakita sa ganoong paraan. Pag nakakakita kasi ako ng 1995 ang naiisip ko e "Hala, dalawang libo din yan e."

Pero iba-iba naman siguro ang bawat mga tao. Nyahaha.

July 8, 2007 at 11:13:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

wahaha.
naman, adik din ako sa home shopping network...
yung tipong nasa channel 9 at abc 5 ba...
kung gma at abs ang naglalaban sa ratings, aba! rpn9 at abc5 ang nagpapatayan sa home TV shopping....
may mga items na din kami galing diyan...
ever heard of The Tiger vacuum (marunong pala humigop ang tigers) at yung Revo Styler ( yung umiikot sa buhok) tapos bumili din tatay ko nung Magic Wok (yung ginagamit ng mga intsik ba) at yung Super Creel and Reel (for fishing, baby!)

uto-uto naman sila...
ayaw mo nun, may butal ka na P5.00!
^__^

July 8, 2007 at 12:48:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

yung smart stacks talaga ni mareng audrey, muntik ko n ipabili yun sa nanay ko! ODOR FREE!

yung power driver (mala-baril na screwdriver) pati yung baliw na sponge (grabing absorbong powers) yung pinaka naaalala ko. astig. pero mahal. hhahahaha. JetAir din pala. hahaha.

July 9, 2007 at 1:53:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

YOU FORGET HANDY CHEF! HANDY CHEF!

I memorize the whole damn thing.

July 9, 2007 at 6:24:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

*forgot pala. Ano ba yan. xD

July 9, 2007 at 6:25:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

hehe! nanonood din ako nyan dati pero hindi ako bumibili..mahal kasi eh pero nakakamangha lang mga demo nila..

July 9, 2007 at 9:21:00 AM GMT+8  
Blogger super xam said...

haha.. kakatawa ka.. onga, bket wlang silhouette 40? peyborit pa naman yun ng kapitbahay ko date.

July 9, 2007 at 10:45:00 AM GMT+8  
Blogger p said...

natatawa ko dun sa mga informercial noon. pinaka-natawa ko dun sa Breathe Thin.. ewan ko kung may nakakaalala pa. ahehehe

pero kamukha ng nung ab flex ang jet canon.

July 9, 2007 at 1:29:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

At sino ba naman ang makakalimot ng...

BUT WAIT, THERE'S MORE!

Sa'kin naman, hindi ko malilimutan 'yung "Strong Dragon 999." Pawang panlalaki lamang 'ya-an.

Todo-elibs din ako sa Handy Chef.

At kung anu-ano pa.

But wait, there's more!

July 10, 2007 at 11:16:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

allan! may abflex kami! at smartstacks, at brown and crisp, at marami pang iba. mabuhay ang home tv shopping!

*can't resist- muntik na si fed. next year talaga...*

July 11, 2007 at 10:51:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

at nga pala, yung mga daga sa cat buster hindi namamatay... lumilipat lang sila sa kapitbahay.

-bitch3

July 11, 2007 at 10:54:00 AM GMT+8  
Blogger Marcs said...

Yung kung bakit ginagawa nilang P1995 yung presyo imbes na P2000, simple lang ang explanation doon. May mentality kasi ang mga tao na tumitingin muna sa left digit imbis na sa kabuuang presyo bago bumili. Mahilig kasi tayo sa mga mura at discounts.

Halimbawa:

Saan ka magpapagupit?
A - 49.99
B - 50

Syempre, without a second look, lalo na kung hindi ka marunong magbilang, papasok sa isip mo yung Barber Shop A kasi mas mura.

Eto pa. Alin ang bibilhin mong unlimited rice na meal?

A - 99
B - 100

Syempre mas posible na dun ka pupunta sa Restaurant A kasi mas makakamura ka nga naman ng piso.

:)

October 4, 2012 at 10:25:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

That will be the day time when consuming edible oysters would bring in not
merely food with the table but also pearl for jewelry.

Nevertheless males are a little way behind and also jewelry for males is one on most idealistic pieces of jewelry worn
by men. The campaign was rolled out in 1950; within a few years, diamond jewelers could barely keep up with the demand
for diamond rings - including mens diamond rings.


My homepage :: promise rings at macy's

June 10, 2013 at 11:24:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Even 2-3 light to moderate workouts every week
walking or running is positive to fight acne. Start Using These
Products, Soon - I suggest chatting with
a dermatologist or your doctor before you begin any vitamin
regiment. Warm the face with hot compresses to start pores, soften the dead skin cells and soften
sebum. If the zits isn't cured punctually, it can bring about blemishes on the skin.

Feel free to surf to my web-site ... Acne Zones

June 12, 2013 at 2:07:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

There are many different styles to choose from and once again, it would be better to ask the man for his input and
what he prefers. Choose a reliable outlet: There has been so much increase
in demand for diamond jewelry that many outlets have been opened to
sell diamond jewelry. For all those interested in buying
pearls, or for gem enthusiasts who want to learn much more,
listed below are solutions to some with the most commonly asked queries about pearls.


Also visit my blog post :: site

June 12, 2013 at 8:43:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Evidently, the divorce ring has been around for awhile.
You must start shopping for your rings at least two to three months before the D day.
They zero in within the newest progress that is popular amongst kids and can come out
with watches on people unique themes.

My weblog - promise rings kay jewellers

June 18, 2013 at 7:39:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Most engraving is also available in a variety of fonts allowing the
font selection to also be a part of the overall ring design.
What sort of stone would they like set in the ring.
As any ring is, a Purity Ring is a universally recognized
symbol of positive intentions: you wear it, you look at it, you
show it off, and you become emotionally attached
to it.

My site :: webpage

June 18, 2013 at 3:58:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home