Tuesday, October 30, 2007

Halowin

Shake Rattle and Roll

Nakaaaliw ang tuwing darating ang pahanong ito dahil wala kang ibang mapapanuod sa Cinema One kungdi Shake Rattle and Roll marathon. Ibig sabihin kung may na-miss ka sa series, e ito na ang pagkakataon mong makumpleto ito.

Mapupurga na naman tayo sa mukha ng mga Shake Rattle and Roll mainstays na sina Manilyn Reynes at Lilia Cuntapay (Yung matandang babaeng mahaba and buhok na ubanin na laging aswang ang ganap). Siyempre hindi kumpleto ang Shake Rattle and Roll experience kapag hindi mo nakita ang pinakasikat na halimaw ng series--and undin.



Kuriku-kuri-kuri-kuriku! Undin, nasa akin ang mga itlog mo! Bwahaha!
Source

Huwag na huwag niyong paglalaruang ang mga itlog ng undin kung ayaw niyong matulad kay Ai-Ai Delas Alas na nilusaw ng undin! Bwahaha!


Araw ng mga Patay

Dati, mga pamilyang nagdadalamhati ang makikita mo sa mga sementeryo tuwing Araw ng mga Patay. Ngayon naman, mga pamilyang nagpi-picnic ang makikita mo! Noong isang beses nga, e may nakita akong pamilya na kumpleto talaga sa gamit--may banig pa at electric fan!

Maya-maya pa, e inilabas na nila ang mga tupperware at kaldero nila na naglalaman ng kanin at adobong manok. Tapos nun e may narinig pa akong nagsabi ng...

"Pakipasa naman yung baked mac!"

AMP!

***

At kung ang karamihan sa atin ay pupunta sa mga sementeryo, ang kapitbahay naman namin ay magdaraos ng kanyang debut! Ang naiisip ko e dapat sa sementeryo na lang gawin ang kutilyon para tipid. Tapos naka-corpse bride na damit yung debutante habang ang mga kasali sa kutilyon ay naka-Kokey at Kakay na costume.

"O yung mga kasali sa 18 candles, pumili na kayo ng mga kandila sa mga puntod diyan at magsisimula na tayo!"

"O yung mga kasali sa 18 roses kahit hindi na rose! Okay na yang mga bouquet na dinala niyo para sa patay. Basta tanggalin niyo lang yung ribbon na may nakasulat na "Condolence" at "In loving memories of..."

Sayang hindi ako imbitado.


Lamay at Libing


Kapag namatay ako nang sikat at mayaman na mayaman, sisiguraduhin kong ubod ng lupit ng aking magiging lamay at libing. Sa ngayon, ay may mga kaunting ideya at plano na ako:
  • Sa Araneta Coliseum gagawin ang lamay. FREE admission.
  • Si Edu Manzano ang magho-host ng tong-its habang si Kris Aquino naman sa saklaan.
  • Imbes na korniks, ginupit na tsinelas o butong-pakwan, e maliit na dyamante ang gagamiting pantantos sa mga bingo cards.
  • Imbes na simpleng biskwit at Sky Flakes, ay Oreo cookies ang ipapakain sa mga nakikipaglamay. Magkakaroon din ng chocolate fountain.
  • Imbes na mainit na Cafe Puro sa styrofoam cups, e aarkilahin ang Starbucks. Party na naman ang mga Istarbakers! Frappe all you can 'to!
  • Imbes na estatwa ng mga anghel, e ang anim na Victoria's Secret Angels ang nakalibot sa aking kabaong
  • Siyempre, televised ito worldwide.
  • Para naman sa lugar na paglalagakan ng aking mga labi, ay pinag-iisipan ko pa kung sa St. Peter's Basilica sa Vatican City o sa Great Pyramid sa Egypt. Ano sa tingin niyo?
Eto pa lamang ang mga naiisip ko sa ngayon. Kung may mga suggestions kayo kung paano pa lalong mapapalupit ang aking lamay at libing, e huwag kayong mag-atubiling magsabi!

Sunday, October 28, 2007

Mga Pinagkakaabalahan

Tinamaan na naman ako ng aking sakit na katamaran kaya hindi ako makapag-update at bloghop. Medyo tinatamad rin akong magsulat dahil nagsawa na ako nung nakaraang semester--gusto ko naman siyang takasan kahit sandali lang. Hehe.



Bukod sa panunuod ng porn at pagtunganga, e mayroon din naman akong ibang pinagkakaabalahan gaya ng pagbabasa ng mga libro ni Haruki Murakami.

Tae, kulang isang linggo na lang ang nalalabi sa sembreak pero dalawa pa lang ang natatapos ko Hindi kasi ako makapagbasa ng tuloy-tuloy dahil nanunuod rin ako ng mga anime. Kung mapapansin niyo e naka-condom pa yung tatlong libro. Nagpapanic na ako dahil kailangang kong matapos lahat 'to bago magpasukan dahil tiyak mawawalan na naman ako ng buhay.

Bukod diyan, e kailangan ko ring mapanuod ang mga sumusunod na anime bago magpasukan:
  • Toki wo Kakeru Shoujo
  • Mushi-shi
  • Byousoku 5 Centimeters
  • Monster
  • The Place Promised In Our Early Days
  • Perfect Blue
  • Le Chevalier D'Eon
  • Samurai Champloo
  • Sayonara Zetsubo Sensei
Katatapos ko lang ng Death Note at Battle Royale (Oo, napaka-late ko pagdating sa mga ganito). Gusto ko tuloy gumawa ng Pinoy Battle Royale: Celebrity Edition. Siyempre kasali na sina Jay Justiniano ng Cueshe, Kim Chiu at Gerald Anderson doon by default.

Tae, i-good luck niyo naman ako na magawa ko itong lahat. Hehe.

Thursday, October 11, 2007

Phoenix Down

Buhay pa ako...

Sa wakas, natapos na rin ang isinumpang semestre na 'to. Makakatulog na rin ako bago ipalabas ang Unang Hirit. At higit sa lahat, hindi ko na makikita ang pagmumukha ng aming mga kinasusuklamang propesor.

Pero para maging patas, ay mayroon din naman akong mga natutunan ngayong semestre:
  • Kung kailangan kong sumulat ng straight news para iligtas ang aking buhay, lead paragraph pa lang ang nagagawa ko, e iiwan na agad ng kaluluwa ang katawan ko--kung meron man.
  • Ang subject namin na Filipino, ay tungkol sa buhay ng aming propesor. Kaya laking gulat ko nang pinagawa niya kami ng isang children's story book bilang final requirement. Akala ko kasi talambuhay niya ang ipapagawa niya. Tapos, ang pinakamalupit ang pagkakasulat ay di lamang bibigyan ng uno, kungdi ipapadala pa kay Ate Charo.
  • Nagkakaroon ako ng writer's block tuwing makakatapos ako ng isang paragraph sa isinusulat kong article. Kailangan kong ituon ang isip ko sa ibang bagay bago bumalik ang aking "groove" sa pagsusulat. Buti na lang may X-Tube.
  • Huwag na huwag babasahin ang isinusulat na article hangga't hindi ka pa tapos dahil hinding-hindi ka matatapos.
  • Kabisado ko na ang script ni Jaymee Joaquin sa Games Uplate Live
Black Sea

Ang totoong Black Sea ay wala sa Southeastern Europe kungdi nasa likod ng UST (Dapitan, Laong Laan) at Recto.

Sa aking latest count ay anim na beses akong lumusong sa baha ngayong semestre. Buti na lang at hindi ako natulad kay Aling Viring (character sa pelikulang Feng Shui). Year of the Rat siya tapos sumilip pa siya sa Ba'gua ni Kris Aquino. Ayun, namatay tuloy siya sa Leptospirosis.

At tuwing may baha, kahit walang price hike ng langis sa world market ay nagtataas pa rin ang mga pedicab drivers ng singil sa pasahe.

P15 para wala pang sampung segundong pagsakay.

As Long As You Love Me

(Habang nasa loob ng Jeep)

Ten-nen-den. Te-nen-den (tu-nun-dun). Ten-nen-tenen-nen-den.

Although loneliness has always been a friend of mine...

Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng humigi't kumulang isang dekada, e mumultuhin pa rin ako ng kantang 'to. Ang nakakatakot, kabisado ko pa rin siya--pati mga second voices.

May magagawa pa ba ako? E di pinanindigan ko na at dinama ang pagkanta habang nakatingin sa labas kasama ang hangin at usok na bumubuga sa mukha ko.

Pwede na sa MYX! Kulang na lang ay may lumabas na lyrics sa may bandang ibaba.

Rambutan

Tuwing madaling araw ay inirereplay sa Cinema One ang mga lumang bomba films. Naabutan ko kagabi ang pelikula nina Rosanna Roces at Jao Mapa. Naghalikan sila sa dalampasigan habang may kagat-kagat na rambutan si Rosanna.

Hirap naman niyan. Paano kapag naubos na yung laman?

Sino lulunok nung buto?

Pacquiao

Buti na lang at may live video streaming sa internet. Natapos ko yung laban sa loob ng 30 minutes. Kung di ba naman adik ang GMA e. Biruin mong kada isang national anthem e may patalastas?

Ang tunay na panalo sa labang ito ay hindi si Manny kungdi ang asawa niyang si Jinkee. May pang-shopping na naman siya.

Ibang lebel 'tong si Jinkee. May highlights ang buhok, may mga commercials at English kung sumagot sa interview.

Huwag magtaka kung magkaroon si Jinkee ng Teleserye.

Tiyak na maiingit ang asawa ni Penalosa niyan.

Calamansi Soap

Gusto kong patayin kung sino man ang naglagay ng calamansi soap sa banyo namin.

Masarap na sana at success ang aking seremonyas sa banyo pero nang maghuhugas na ako ay di sinasadyang nadampot ko ang calamansi soap.

Ang hapdi! AMP! Parang binabalatan ang butas ng pwet mo sa sakit.

Maiba lang ako...

Pumuti naman kaya ang butas ng pwet ko?

Bwahahahaha!