Kapag Valentines Day...
1. Box-office ang mga motel.
Kawawa 'yung mga walang malulugaran upang maidaos ang kanilanglibog pagmamahalan. Kailangang nilang magtiyaga sa loob ng kotse, sa talahiban o kaya naman sa Luneta.
O mas masaklap, sa kwarto ng mga magulang nila.
***
Isipin mo...
Sabay-sabay na nag-uungulan ang mga tao sa loob ng mga motel. Isabay mo pa ang sabay-sabay na pag-squeak ng kani-kanilang mga kama...
Puta parang 'di ako makakatulog mamaya a.
2. Nagkakaroon ng panic buying ng Ferrero Rocher.
Kawawa 'yung mga walang malulugaran upang maidaos ang kanilang
O mas masaklap, sa kwarto ng mga magulang nila.
***
Isipin mo...
Sabay-sabay na nag-uungulan ang mga tao sa loob ng mga motel. Isabay mo pa ang sabay-sabay na pag-squeak ng kani-kanilang mga kama...
Puta parang 'di ako makakatulog mamaya a.
2. Nagkakaroon ng panic buying ng Ferrero Rocher.
Tuwing Valentine's Day, hindi pupuwedeng hindi ka makakakita ng mga lalaking may dala-dalang Ferrero Rocher. Ito na yata ang "official Valentine's Day chocolate" ng Pilipinas.
Parati kong tinatanong sa sarili ko kung bakit parating Ferrero Rocher ang chocolate na pinangre-regalo sa ating mga katalik na kaibigan samantalang marami namang iba. Andyan ang Flat Tops, Curly Tops, Serge, Nips, Chocnut at La-La.
Siguro kaya gusto ng lahat ang Ferrero Rocher ay dahil sa malutong na mani na makakagat mo sa gitna....
Bukod sa pagkakaroon ng masarap na mani, maganda rin ang lalagyanan ng Ferrero Rocher--gintong palara. Kaya kung sakaling magtrip ang mag-syota na mag-pot session pagkatapos kumain ng Ferrero Rocher, MALUPET!
Pero kung ako ang tatanungin, ang pinakamagandang chocolate na ipangregalo ay Hershey's Chocolate Syrup.
Kailangan mo lang alamin kung paano gamitin 'yung syrup nang tama...
Hehehe.
Nga pala, kung balak niyong regaluhan ng chocolate ang mga nanay niyo sa darating na Valentine's, inirerekomenda ko 'yung pinakamalaking Toblerone para puwede niyang gawing palo-palo ng labada.
***
Nanuod ako sa YouTube ng mga commercial ng Ferrero Rocher at napag-alaman kong maraming acceptable na pronunciation ang Ferrero Rocher.
Sa Italy, (Ferrero Ro-ker); sa France (Ferrero Roh-shi); sa USA (Ferrero Row-shay) at sa Pilipinas naman (Ferrero).
Hangga't may Valentine's Day, hindi malulugi ang Ferrero Rocher.
3. Naso-sold out and mga condom.
Tangina, dapat lang.
Baka nga naman imbes na mga anghel na kumakanta ng Hallelujah sa langit ang marinig niyo, e kampana ng simbahan ang kumalembang.
Lalong kailangan ng condom kapag magmo-motel ang mag-syota.
Aba, maawa naman kayo sa mga maglalaba ng mga punda ng unan at sapin sa kama.
Pati na rin sa mga magpupunas ng kisame.