Sunday, March 2, 2008

Chew-ngawa

Kapag nagpa-survey ka kung saan madalas idinidikit ng mga tao ang kanilang mga pinagsawaang chewing gum (chew-ngawa for short), siguradong ang pinakasikat na sagot ay walang iba kungdi:

"Sa ilalim ng lamesa o desk."

Napakadaling idura sa basurahan ng chewing gum pero bakit ang iba sa atin e mas pipiliin pang idikit ito sa ilalim ng lamesa o sa ilalim ng mga desk sa mga classrooms? Siguro, ang iba sa atin ay nakakaramdam ng sense of accomplishment at satisfaction tuwing idinidikit nila ang mga nginata at pinaglawayan nilang mga chewing gum.

Para sa mga taong ito, ang pagdidikit ng chewing gum ay ang kanilang paraan para mag-iwan ng marka; para ipangalandakan sa ibang tao na "I was here!" Kung tutuusin, ang pagdidikit ng chewing gum sa ilalim ng mga lamesa ay maihahambing sa pagsusulat ng mga vandalisms gaya ng:
  • "Poli was here!"
  • "Emo is love!"
  • "My life is miserable, kill me now!"
  • "Kupal si Prof. (insert name of your favorite professor)"
  • "Laro tayo! 0917XXXXXXXX, text me. Preferably mga taga-Mandaluyong area."
Kung sa bagay, bad manners nga namang maituturing kapag sa ibabaw ng lamesa mo idinikit ang chew-ngawa mo.

***

Heto ang ilan sa mga patunay na chew-ngawa haven ang ilalim ng mga lamesa:



Kinunan sa Social Sciences section ng UST Central Lib

Whanepshet! Parang mga chewing gum pa ito nina Jose Rizal sa sobrang itim!

1879, University of Santo Tomas...

Jose Rizal
: Hindi ko na kaya pang tiisin ang taliwas na pamamalakad ng mga prayleng Dominikano! Nagpupursigi naman akong mag-aral ng medisina, subalit bakit mabababa ang aking mga marka? Por que ba ako ay isang indio?

Iniluwa ni Jose ang nginunguyang Judge chewing gum at hinawakan ito...

Jose Rizal: Pakshet kayong mga Dominikano! Etong sa inyo! (sabay dikit ng chew-ngawa sa ilalim ng lamesa).

Jose Rizal:
Ang chewing gum na iyan ay tigib ng aking na laway. Aking laway na puno ng pait at suklam sa mga mapang-abusong prayleng Dominikano!



Kinunan sa Social Sciences section ng UST Central Lib

Halaw mula sa isang sikat na commercial ng gatas...

Bata:
Look ma! It's the Big Dipper!

Nanay:
That's right anak! And look over there o, it's Orion (Ohr-yon).

Bata:
Tanga! It's Oh-ra-yohn! Di kasi nagni-Nido!

***

Pero kung gusto mo talagang magkaroon ng sense of accomplishment at satisfaction, bakit hindi mo idikit ang iyong chew-ngawa sa buhok ng mortal mong kaaway?

Naalala ko tuloy nung Nursery pa ako. Pumasok ako na uka-uka ang buhok dahil may kupal na nagbato ng chewing gum sa buhok ko. Putangina, Bazooka pa yata yun.

ung maswerte ka sa nanay, bubuhusan niya yan ng langis ng niyog at saka pagtitiyagaang tanggalin. Pero kung naging nanay mo ang nanay ko, hindi na siya magpapakahirap. Kukuha na lang 'yan gunting at saka gugupitin ang buhok mo na nalagyan ng chewing gum! Kesehodang magmukha kang na-murder ng barbero!

***

Ang tagal ko ng hindi nakakakain ng chewing-gum kaya bibili ako ng Bazooka. Pagkatapos kong nguyain 'to e rorolyohin ko ito at gagawin kong singsing! Magbibilog pa ako ng isang maliit na parte ng chewing gum na magsisilbing bato sa gitna!

Ireregalo ko 'yun sa nanay ko. Kung ayaw naman niya, ididikit ko na lang sa ilalim ng lamesa namin. Ang problema lang, gawa sa salamin ang lamesa namin.