Makipag-chat kay Rosa Macamay
Kapag nakakita ang Pinoy ng isang computer na may internet connection, hindi pupuwedeng hindi siya mag-log in sa YM at makipag-chat kahit ang taong gusto niyang kausapin ay nasa tabi lang niya. Wala lang. Masabi lang na nakikipag-chat siya.
Alam kong guilty kayo. 'Di bale, pare-parehas lang tayo. Hehe.
Talaga namang bahagi na ng ating kultura ang pakikipag-chat (gawa-gawa ko lang 'to). Kahit sino marunong nang mag-chat. Magugulat ka na lang na mas marami pang online friends kaysa sa'yo ang katulong o yaya mo. Magugulat ka na lang na isang araw, makikipag-EB ang nanay mo sa food court ng SM Megamall--malapit sa skating rink.
Pero kung may isang aspeto ng ating buhay ang naapektuhan ng lubusan ng internet chatting, ito ay angsex pag-ibig.
Yihee!
Isipin mo na lang kung gaano karaming kalalakihan na laging basted sa totoong buhay ang nagkaroon ng sandamakmak na online girlfriends gaya nina "hORnyBiTCh" at "sWeeT_titZ."
Isipin mo na lang kung gaano karaming sawi sa pag-ibig ng napaligaya ng simpleng "Poli, 19, M, Pasig" at "Yolanda, 52, F, Garden of Eden."
At higit sa lahat, isipin mo na lang kung gaano karaming Pinoy at Pinay ang naiahon ang sariling mga pamilya sa kahirapan pagkatapos makapangasawa ng isang matandang foreigndyer.
Talagang napaka-tempting. Kaya ang iba ay gagawin ang lahat para lang maka-attract lang ng mabibiktima. Andyan ang pagpapakita ng katawan at ang maseselang bahagi nito (siyempre hindi kasama ang mukha...mahirap na), ang paggamit ng mga malalaswa at pamatay na username at ang paggamit ng profile pic ng bestfriend mo na ninakaw mo pa sa friendster account niya.
Talagang na-inspire ako sa mga tao at pangyayaring ito kaya nuong pinagawa kami ni Sir Eros Atalia ng tugmaan (para siyang tula pero hindi tula, na kailangang nagtataglay ng rhyme scheme at pantay na dami ng syllables) para sa klase namin sa Retorika, ay ito ang aking napiling paksa.
Iniaalay ko ang tugmaang ito para sa lahat ng mga chatters ng na walang ibang hinangad kungdi ang maghilom ang kanilang mga pusong sugatan at sa mga chatters na gustong lang namang magkaroon ng mas maginhawang buhay. Hehe.
Rosa Macamay
Pumasok sa YM para mag-chat,
Maghahanap lang ng masisipat.
Tanging kailangan ng pusong wasak,
Ngalan at ASL na tunay na swak.
Pinili ko si "Rosa Macamay,"
Mukhang sa kama'y napakahalay
Ako'y bumanat nang walang tangan,
Totoy Mola ang aking pangalan.
Agad lumandi si Rosang kanti,
Kanya raw ipapakita, yaong mani.
Teka lang, sandali. Parang ang bilis,
Ika’y hindi pa nakikitang bihis.
Siya’y nagpadala ng kanyang litrato
Ako nama’y naghintay na parang aso.
Nang aking nakita yaong hitsura,
Putaragis ‘yan, ako’y napamura.
Ang buong akala’y, bebot si Rosa,
Ayun pala ay mukha siyang kakosa.
Ang monitor tinakpan ko ng kumot,
Baka sa pagtulog ako’y mabangungot.
Alam kong guilty kayo. 'Di bale, pare-parehas lang tayo. Hehe.
Talaga namang bahagi na ng ating kultura ang pakikipag-chat (gawa-gawa ko lang 'to). Kahit sino marunong nang mag-chat. Magugulat ka na lang na mas marami pang online friends kaysa sa'yo ang katulong o yaya mo. Magugulat ka na lang na isang araw, makikipag-EB ang nanay mo sa food court ng SM Megamall--malapit sa skating rink.
Pero kung may isang aspeto ng ating buhay ang naapektuhan ng lubusan ng internet chatting, ito ay ang
Yihee!
Isipin mo na lang kung gaano karaming kalalakihan na laging basted sa totoong buhay ang nagkaroon ng sandamakmak na online girlfriends gaya nina "hORnyBiTCh" at "sWeeT_titZ."
Isipin mo na lang kung gaano karaming sawi sa pag-ibig ng napaligaya ng simpleng "Poli, 19, M, Pasig" at "Yolanda, 52, F, Garden of Eden."
At higit sa lahat, isipin mo na lang kung gaano karaming Pinoy at Pinay ang naiahon ang sariling mga pamilya sa kahirapan pagkatapos makapangasawa ng isang matandang foreigndyer.
Talagang napaka-tempting. Kaya ang iba ay gagawin ang lahat para lang maka-attract lang ng mabibiktima. Andyan ang pagpapakita ng katawan at ang maseselang bahagi nito (siyempre hindi kasama ang mukha...mahirap na), ang paggamit ng mga malalaswa at pamatay na username at ang paggamit ng profile pic ng bestfriend mo na ninakaw mo pa sa friendster account niya.
Talagang na-inspire ako sa mga tao at pangyayaring ito kaya nuong pinagawa kami ni Sir Eros Atalia ng tugmaan (para siyang tula pero hindi tula, na kailangang nagtataglay ng rhyme scheme at pantay na dami ng syllables) para sa klase namin sa Retorika, ay ito ang aking napiling paksa.
Iniaalay ko ang tugmaang ito para sa lahat ng mga chatters ng na walang ibang hinangad kungdi ang maghilom ang kanilang mga pusong sugatan at sa mga chatters na gustong lang namang magkaroon ng mas maginhawang buhay. Hehe.
Rosa Macamay
Pumasok sa YM para mag-chat,
Maghahanap lang ng masisipat.
Tanging kailangan ng pusong wasak,
Ngalan at ASL na tunay na swak.
Pinili ko si "Rosa Macamay,"
Mukhang sa kama'y napakahalay
Ako'y bumanat nang walang tangan,
Totoy Mola ang aking pangalan.
Agad lumandi si Rosang kanti,
Kanya raw ipapakita, yaong mani.
Teka lang, sandali. Parang ang bilis,
Ika’y hindi pa nakikitang bihis.
Siya’y nagpadala ng kanyang litrato
Ako nama’y naghintay na parang aso.
Nang aking nakita yaong hitsura,
Putaragis ‘yan, ako’y napamura.
Ang buong akala’y, bebot si Rosa,
Ayun pala ay mukha siyang kakosa.
Ang monitor tinakpan ko ng kumot,
Baka sa pagtulog ako’y mabangungot.
***
Kung Rosa Macamay ang iyong pangalan, peac tayo. Hindi ko sinasadyang gamitin ang pangalan mo. Hehe.