Thursday, August 30, 2007

Peys Op: Havaianas bersus Spartan

On the right corner, HAVAIANAS!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese), hah-vee-ah-naz (American English), OMG!-hAH-va-yaH-naZz!! :-) (Filipino).

Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik, mga mayaman at mga feeling mayaman.

Malulupit na katangian at kakayahan:
  • Masarap isuot.
  • "Shock-absorbent." Malambot ngunit matibay.
  • Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
  • Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
  • Mainam na pang-japorms.
  • Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
  • Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
  • Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
  • Magiging "fashionable" ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
  • Mahal
  • Mahal
  • Mahal
  • Nakakasira raw ng pedicure--sabi ni Malu Fernandez.


And on the left corner, SPARTAN!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines.

Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!

Malulupit na katangian at kakayahan:
  • Maaring ipampatay sa ipis.
  • Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
  • Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
  • Pwedeng ipamalengke.
  • Mainam gamitin sa tumbang-preso.
  • Mainam gawing "shield" kapag naglalaro ng espa-espadahan.
  • Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng picha.
  • Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumampid sa puno.
  • Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
  • Kapag ginupit-gupit nang pahugis "cube," e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo (kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).
Olats na mga katangian:
  • Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
  • Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
  • Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasampid sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

Kung ako lang, e Spartan talaga. Una, marami na akong ibang mas makabuluhang bagay na mabibili sa presyo ng Havaianas. At isa pa, pangit ang mga paa ko kaya magmumukha ring Spartan ang Havaianas kapag sinuot ko! Nyahaha!

At syempre, dahil diyan...


Ang panalo ay...


SPARTAN!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Wooh-Wooh-Wooh!


Image Sources:
Spartan
Havaianas
300

Wednesday, August 22, 2007

Separated at birth

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
The infamous Malu Fernandez

and

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Fat buu of Dragon Ball Z

Wednesday, August 15, 2007

Opo, Miss Minchin!

Naudlot ang bonding namin ng aking kama at unan nang mag-alarm ang aking cellphone bandang alas-nuwebe ng umaga. Nais ko pa sanang matulog ngunit may preliminary exams kami. Takte, ang lamig pa naman ng hangin na dulot ni bispren Egay.

Nagtungo ako sa sala at dali-daling binuksan ang telebisyon. Nilipat ko ito sa Star Sports upang tignan kung sino ang naglalaro sa Tennis Masters Series: Cincinnati. Nang makita ko na si Tommy Robredo ang isa sa mga manlalaro, ay hindi na ako nagdalawang-isip na ilipat ang channel. Nagpalipat-lipat ako hanggang nakarating ako sa ABS-CBN. Nalungkot ako sa aking nakita.

Katulong na si
Sara.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Source:http://www.little-princess-sara.net/mainE.html


***

Bwahahaha! Tinupok tuloy ako ng nostalgia.

Kung hindi ako nagkakamali, alas-tres ng hapon ang Princess Sara, samantalang ang Prince Cedie naman ay 9:30 ng umaga. At sa pagkakatanda ko, e ang dalawang 'to ang unang tikim ko ng anime kaya sobrang naadik ako. Sa sobrang kaadikan ko, e gusto kong maging mag-asawa sina Cedie at Sara. Bwahahaha!

***

Habang patagal nang patagal ang aking panunuod, e lalo akong nakukumbinsing may Hydrocephalus si Sara. Hindi ko ito napansin noong bata ako. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakalakad nang hindi sumususob sa sahig.

Si Lottie, tangina, ang sarap busalan ng bunganga ng gamit na brip.

Si Miss Minchin naman laging high-blood at mainit ang ulo. Napaghahalatan tuloy na kulang siya sa sex! Paano ba naman, ang mga lalaki lang na pumupunta sa Seminaryo ay sina Monsieur Dufarge (guro sa Pranses), Mr. James (ang kusinero), Peter (batang kutsero ni Sara) at si Jump (kabayo ni Sara). Alam niya na wala siyang pwedeng tirahin sa mga ito dahil:

Miss Minchin X Monsieur Dufarge - Hindi pwede dahil gurang na si Monsieur Dufarge. Malas niya dahil hindi pa naiimbento ang Viagra noong pahanon na iyon.

Miss Minchin X Mr. James - Hindi pwede dahil tiyak na mapupukpok sa ulo si Miss Minchin ng kawali ni Mrs. Molly, asawa ni Mr. James.

Miss Minchin X Peter - Hindi pwede. Pedophile.

Miss Minchin X Jump - Hindi pwede. Bestiality.

Kawawang Miss Minchin! Bakit kaya hindi na lang si Miss Amelia? Tiyak akong kasing tigang niya rin ni Miss Minchin kaya kailangang i-consider ni Miss Minchin ang option na ito.

Old hag-to-old hag incest!!! That's hot.

***

Maya-maya pa ay nagsisigaw na ang aking ina, "Aba Allan! Para kang walang pasok ah (wala pang announcement ang CHED)! Maligo ka na at baka hindi ka makakuha ng test!"

Marahan akong tumayo at lumakad papalapit sa aking ina. Pagdating ko sa harapan niya ay itinungo ko ang aking ulo. Nagkunwari akong umiiyak at pinanginig aking boses sabay bigkas ng,

"O--pooh.....Miss...Min---cheeen."

Aray! Batok ang napala ko.

Friday, August 10, 2007

Para sa nagnakaw ng minamahal kong payong...

Kung sino ka man na nagnakaw ng payong ko noong Martes sa UST Central Library--ang sama mo. Napakaitim ng iyong budhi! Nanakawan mo lang ako ng payong, e sa kalagitnaan pa ng bagyo at baha.

Sa dinami-dami ng payong sa "umbrella rack" sa tapat ng main entrance, e payong ko pa ang napagdiskitahan mo. Hindi mo ba alam na P100 lang yun na made in China? Hindi ka lang masama, tanga ka pa! Kung ako ikaw, yung United Colors of Benetton na payong ang ninakaw ko!

Bwahahahahaha--ha-ha-haha!

Hindi mo na inisip ang aking kapakanan.

Alam mo ba na para akong basang sisiw na naglalakad mula sa Santolan LRT-2 station papuntang Ligaya?

Alam mo ba kung ilang patay na daga ang katumbas ng baho ng medyas ko?

Alam mo ba kung ilang ulit na tumindig ang aking balahibo tuwing nababasa ng ulan ang aking yagbols?

At alam mo bang habang naglalakad ako na basang-basa, e wala akong magawa kungdi tumingin sa kawalan habang kumakanta ng Umbrella ni Rihanna kahit hindi ko alam ang lyrics? Kahit na naging tunog Mandarin version ito?

Kung nababasa mo ito, magtago ka na! Dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na kumuha ng malaking payong para isaksak ko sa loob ng pwet mo! At hindi lang iyon, kapag nasa loob na ng pwet mo ang payong, e bubuksan ko ito! Nyahahahaha!

***

Pasensiya na, wala lang akong magawa. Hehe.

Sunday, August 5, 2007

Tag-tarag-tag-tag...I've been tagged! (2)

Na-tag ulit ako! At dahil tinatamad pa akong mag-update ng matino, e gagawin ko muna ang meme ni Nelo. Hindi ko alam kung bakit Jesse ang pangalan niya sa blog roll ko.

Ikuso:

3 names you go by:

Allan, Poli, Policarpio

3 screen names you've had:

  • Poli-magma,
  • Poli-pocket
  • Poli-nomial
At kahit anong maisip ng mga tao na idagdag sa Poli-

3 physical things you like about yourself:

  • Mga balikat at mga hita; ang pagiging atletik.
Hindi ko gets kung ang physical things e parte ng katawan o physical qualities kaya halo-halo na lang.

3 physical things you don't like about yourself:

  • Taghiyawat--yun lang. Mawala lang yun, e maligaya na ako.
3 parts of your heritage:

  • Wala, purong Tagalog ako. Gusto ko sanang maging Atlantian o taga-Atlantis. Kathang isip man o hindi! Hehe!
3 things that scare you:

  • Yung mga jeep na may portrait ng mga tao.
  • Si Jamie Rivera.
  • Si Lotlot De Leon.
3 of your favorite bands:

  • Eraserheads
  • Keane
  • Muse (salamat Bets).
3 of your favorite songs:

  • Everything is Changing by Keane
  • Littlest Things by Lily Allen
  • 68 Dr. Sixto Antonio Ave. by Eraserheads
3 things you want in a relationship:

  • Money
  • Sex
  • More money and sex
Bwahaha!

2 truths and a lie in no particular order:

  • Magaling ako sumayaw.
  • Hindi ako marunong mag-bike.
  • Hindi ako marunong lumangoy.
3 things about the preferred sex that appeals to you:

  • Buhok
  • Hindi maarte (Hilahin ang dila ng mga babaeng maarte ang letrang R!)
  • Malibog. Nyahaha! Biro lang!
3 of your favorite hobbies:

  • Paglalaro ng tennis.
  • Pang-aasar ng kapatid.
  • Paggawa ng kung anu-anong kwento tungkol sa mga tao.
3 things you really want to do badly right now:

  • Tumae
  • Kumain ng sinabawang gulay
  • Patayin ang katulong namin
3 careers you've considered/you're considering:

  • Weather man a la Ernie Baron
  • Pagiging pornstar
  • Pagsusulat
3 places you want to go on vacation:

  • Bucharest
  • Tokyo
  • Antarctica (kapiling ang mga penguins)
3 kids' names you like:

  • Gagay
  • Aweng
  • Bino
3 things you want to do before you die:

  • Makapagsulat ng libro
  • Mapatay ang katulong namin
  • Ma-devirginized
3 ways that you are stereotypically a guy:

  • Malibog
  • Sabik sa laman
  • Mahilig kumambyo
3 ways that you are stereotypically a girl:

  • Maharot
  • Matagal pumili ng damit
  • Pakipot
3 celebrity crushes:

  • Karolina Kurkova
  • Ana Ivanovic
  • Ruby Rodriguez
3 persons you're tagging:

  • Irene
  • Kim
  • Louise
***
Sa susunod na ang matinong post! May mga naiisip na akong paksa pero tinatamad pa ako!

At mag-aaral pa ako! Bwahahahahaha!