Tuesday, July 31, 2007

Tipid Tips

Hay, buhay. Tumaas na naman ang presyo ng langis. Pwedeng limitahan ang suplay ng tubig dahil sa nagbabadyang tagtuyot (Asan na kayo Rosing at Reming? Kailangan namin kayo ngayon. Namimiss na namin ang "NO CLASSES" na dulot niyo). Tataas ang presyo ng bigas at mga guloy dahil sa pagkatigang ng lupa (Matigang na ang lahat, huwag lang ang ating sekslayp). Tataas ang singil sa kuryente kapag nagpatuloy ang tagtuyot hanggang Disyembre.

Dapat tayong magtipid.

Kaya naman naghanda ako ng ilang mga tips upang makatipid tayo sa pangaraw-araw na gastusin.

1. Deodorant o Dyodorant o Jodoran - Napakamahal ng deodorant. Biruin mo, gagastos ka ng P30 para lang mag-amoy "ocean breeze" ang kili-kili mo samantalang pwede mo namang gawin ito:

1. Bumili ng pisong Stork.
2. Kumuha ng bakal na almires (mortar and pestle).
3. Ilagay ang Stork sa almires at durugin hanggang maging pino.
4. Ilagay sa palad ang dinurog na Stork.
5. Ipahid sa kili-kili.

O diba? 'Sing lamig, pero di 'sing mahal!

2. Kape - Bakit ka pa maglulustay ng P100 para sa kapeng pinaganda lang ang pangalan? Pwede mo namang gawin ito:

1. Bumili ng pisong Kopiko o kaya naman ay X.O.
2. Mag-init ng tubig sa takure at isalin sa tasa.
3. Isubo ang biniling Kopiko o X.O.
4. Higupin ang mainit na tubig.

P.S. Maari ring magsuot ng I-Pod at Havaianas habang ginagawa niyo ito. Para Istarbak na Istarbak ang dating niyo. (Uy, walang magagalit! Hehe!)

3. Whitening Cream aka Chin Chun Su or Mena Cream - Para sa mga kasambahay natin na gustong-gustong pumuti, hindi biro ang pera na nasasayang para sa mga produktong ito. Minsan, hindi pa kaaya-aya ang nagiging resulta. Kadalasan, e nagiging kamukha nila si Majinbuu (Dragonball Z) sa sobrang pink na kanilang mga mukha. Bakit mo naman kailangang pagtiisan lahat yun kung pwede mo namang gawin ito:

1. Bumili ng pisong chalk/tsok/yeso.
2. Dikdikin ang chalk/tsok/yeso.
3. Ihalo sa isang 1/8 cup na maligamgam na tubig.
4. Haluin hanggang maging malapot.
5. Ipahid sa mukha bago matulog.
6. Banlawan paggising kinabukasan.

P.S. Ngayon, kailangan mo na lang maghintay na magkaroon ka ng An-an sa mukha. Huwag mangamba kung mangati ang mukha--normal na reaksyon lamang yun ng balat sa tsok. Huwag ding matakot kung magmukha kang dalmatian dahil magpapantay rin ang kulay niyan kapag pinagpatuloy niyo ang byuti tip na ito.

3. LRT/MRT - Para sa mga normal na mamamayan, napakalaking ginhawa ang dulot ng LRT at MRT. Ngunit para sa ibang mga tao, napakasakit sa bulsa ng P15 na pamasahe mula Recto hanggang Santolan; North Edsa hanggang Taft o Monumento hanggang Baclaran. Huwag mag-alala! Pwede niyo namang gawin ito.

Ipagpalagay natin na galing kang Recto papuntang Santolan.

1. Pumunta sa tapat ng gate ng Recto Station. Huwag papasok!
2. Tumingala. Ngayon ay kita mo na ang riles ng tren.
3. Magsimulang maglakad habang sinusundan ng tingin ang riles.
4. Ipagpatuloy hanggang makarating ng Santolan.

P.S. Huwag kalimutang magdala ng flashlight, kandila o gasera! Kakailanganin mo ito pagdating mo sa Katipunan Station (LRT-2) at Ayala/Buendia Stations (MRT). Underground stations ang mga ito at hindi mo makikita ang riles kaya kakailanganin mong tumalon mismo sa ibabaw ng riles. Magiging madilim sa ilalim kaya gamitin ang mga nabanggit para hindi maligaw.

5. Feminine Wash (for gals) - Bakit kailangan pang bumili ng PH Care kung pwede mo namang gawin ito:

1. I-dial ang telophone number ng boyprend mo.
2. Yayain siya sa bahay.
3. Pagdating niya ay hatakin agad siya sa banyo o sa kwarto.
4. Kailangan ko pa bang i-detalye? Memorize niyo na yan e!

O diba? 'Sing linis, pero di 'sing mahal. Masarap pa!

Thursday, July 26, 2007

TOP 10 EMERGING INFLUENTIAL BLOGS OF 2007

Dahil na-tag ako ni Paolo na gawin ito, e mukhang kailangan ko talagang gumawa nito. Nyahaha!

Pasensiya na kung hindi ito sampu dahil kakaunti lang ang alam kong blog na nagsimula noong August 2006 o later. Pipiliin ko na lamang ang mga blogs na madalas kong binibisita at mga blogs na tuwing binabasa ko e talagang nag-eenjoy ako.

Aba, pwede rin raw akong manalo ng tumataginting na $100 kapag nag-submit ako ng entry! Sana ako mabunot! Tag-hirap ako ngayon e.

Nga pala, kung gusto niyong sumali, post your entries HERE. Kailangan on or later than August 2006 ginawa yung blog na iboboto niyo.

Eto na sila:

1. The Philosophical Bastard

2. Jake the Miserable

3. Green Pinoy

4. Baguio Below

5. Buhay TAPA: Medyo Maalat

Ayan, sana mapasama kayong lahat sa top 10! At tuloy niyo lang ang pagba-blog dahil nakakatuwa kayong lima! Nyahaha!

Ako naman, sana manalo ng $100! Marami-raming siomai din ang mabibili ko dun!

Friday, July 20, 2007

Cram-o-thon

Diskleymer: Medyo serious at boring. Pagtiyagaan niyo na lang.

Nitong mga nakaraang araw wala na akong ginawa kungdi mag-cram. Kadalasan e 4:30 o 5:30 na ako ng umaga nakakatulog. Ang mas masaklap dito, hindi porke't natulog na ako e nangangahulugang tapos ko na ang mga assignments, papers etc. Kinakailangan ko pang sumaglit sa mga internet cafe tuwing may break para tapusin o i-edit ang mga takteng papers.

Sa totoo lang, napakatagal nang ibinibigay na oras sa amin para gawin ang mga assignments. Isa hanggang dalawang linggo pa nga e. Pero kahit na ganuon, e nagka-cram pa rin ako. Yan ang dinudulot ng katamaran at procrastination.

"Bukas na lang" at "mamaya na lang" ang dalawa sa mga paborito kong dialogue kapag mayroong assignment. Tapos, saka ako matataranta kapag pasahan na kinabukasan.

Naging bisyo (sakit) ko na ang pagka-cram. Elementary pa lang, ganito na ako. Kadalasan, sa eskwelahan na ako gumagawa ng assignments. Kung saklaping hindi matapos, e kopya na lang sa katabi o barkada. Kapag may quiz o test, sa jeep ako nag-rereview kaya parati akong tulala sa harap ng test paper. Awa naman ni Fafa Jesus e pumapasan naman ako.

Madalas ko kasing pairalin ang pride at yabang ko (lalo na noon). At dahil pumapasa naman ako at nakakakuha paminsan-minsan ng mataas na grado kahit hindi ako mag-aral, ang bumaon sa isip ko, e "Bakit kailangan ko pang mag-aral e pumapasa naman ako?"

Asar ako noong elementary at high school sa mga estudyanteng pala-aral at napakabookish. Iniisip ko na kaya lang naman sila nakakakuha ng mataas na grado, e dahil kabisado nila ang buong libro. Win-win situation para sa akin ang hindi pag-aaral. Kapag nakakuha ka ng mataas, ang lupit ng dating mo. Kapag bumagsak ka naman, okay lang--di ka naman nag-aral e.

Ito na marahil ang dahilan kung bakit ni minsan e hindi ako nagka-honor noong elementary at high school. Kaya nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ako naging pala-aral noon at kung bakit pinairal ko ang aking kayabangan. Natatawa ako dahil ang mga nilalait ko na pala-aral at bookish, e ang mga nagsipagmartsa ng may medalya noong high school graduation.

Noong unang taon ng kolehiyo e bitbit ko pa rin ang ugaling iyon. Saka lang ako medyo natauhan ng makatikim ako ng grade na 75 o 3 sa History. Mula elementary hanggang high school kasi, e 85 ang pinakamababa kong nakuha. Pers taym kong maka line of 7 kaya ang sama ng loob ko.

Na-realize ko na hindi na uubra ang dati kong ugali ngayong kolehiyo kaya naman kahit papaano e nage-effort na akong mag-aral ngayon. Kaya lang, mas madalas talaga ang mga araw na tinatamaan ako ng dati kong sakit--katamaran, procrastination at kayabangan. Takte, ikaw ba naman ang ipanganak na Leo sa Year of the Dragon! (Nyak, isinisi sa Astrology!)

Gaya ngayon, may paper na naman na due sa Wednesday pero wala pa akong naiinterbyu para sa article ko.

Bukas na lang.

Sunday, July 15, 2007

Shaido? Bwahahahahaha!

Hindi pumayag ang may-ari ng Shaider na ibigay sa GMA-7 ang rights para sa character ni Shaider!

MAGBUNYI! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA....HA...HA...HAAAA!

Pero siyempre ang GMA-7 ayaw talagang papigil kaya itutuloy pa rin nila ang project sa ilalim ng ibang titulo. Iibahin rin nila ang kwento at ang bantog na si Dominic Zapata pa rin ang magdi-direk kaya siguradong orihinal at sariwa ang mga ideya na ihahain sa atin--ASA PA!

Ang tentative na titulo raw ng palabas na ito e, "Pulis Pangkalawakan: The Descendants of Shaider." Pero may nakapagsabi raw na pwedeng maging SHAIDO ang final title nito.

Nyeeeek! Ache-che! Magkano binayad sa nag-isip ng title na yan? Bwahaha!

Imbes na isa, e gagawin nilang tatlo ang main protagonists na sila namang gagampanan nina Marky Cielo, Dennis Trillo at Raymart Santiago (muli tentative pa rin 'to).

Bakit hindi na lang sina Bearwin, Bentong, at Dagul o di naman kaya, e sina Maverick, Ariel at Vhong ang gawin nilang mga bida?

Aba, manunuod ako kung ganun! Lalo na kung si Mommy Elvie (nanay ni Ariel) ang gaganap na Annie (pero mukhang di na isasali ang character niya)!

Shigi-shigi!

Sources:
"Shaider" will not fly on Philippine television anymore
"Pulis Pangkalawakan" replaces "Shaider"

Wednesday, July 11, 2007

Mga Jeepney at FX Blues

Para sa mga simpleng nilalang na gaya ko na walang kotse, e wala tayong magagawa kungdi mamasahe sa kung saan natin nais magtungo. Kailangan nating magtiis sa init ng araw na pinalala ng global warming at sa nakasusulasok na utot ng nga tambutso. At para gawing mas malala ang ating sitwasyon, e gumawa si God ng mga nilalang, bagay at sitwasyaon na lalong magpapahirap sa ating buhay pasahero.

  • Mga pasaherong amoy alas-kwatro y medya na ng hapon gayong hindi pa man nagbubukang-liwayway.
  • Mga jeep na usad pagong. Habang nasa loob ka, e iisipin mo na sana ay naglakad ka na lamang. Hindi mo naman ito magawa sapagkat napakasakit sa damdamin ang binayad mong P6.00 kay manong tsuper.
  • Mga naninigarilyo sa loob ng jeep. Nahihilo kasi ako sa kahit anong klase ng usok. Sana kung maninigarilyo sila sa loob ng jeep, e singhutin na nila yung usok bago pa man ito lumabas sa mga bunganga nila. At sana lang ay hindi nila ginagawang ash tray ang katabing pasahero.
  • Mga taong bubukaka na para bang manganganak, pagkatapos ay matutulog o magkukunwaring tulog.
  • Mga babaeng feel na feel ang kanilang mahabang buhok. Yung mga tipong magsusuklay pa at ipagwawagwagan ang buhok sa mukha mo hanggang malamon mo na ito. Jackpot ka kung may kasamang lisa at kuto.
  • Ikaw lang ang tao sa sa loob ng jeep, pagdating sa may kanto ay may sumakay. Uupo siya sa dulo, katapat ng iyong kinauupuan, pagkatapos ay sasabihan niyang "Bayad ho," sabay abot sayo ng pera niya. Takte, mukha ba akong alalay mo?
  • Mga paseherong nang-aagaw ng FX na pinara mo. Yung tipong papasakay ka na e sasalisihan ka pa.
  • Mga pasaherong magbabayad ng isang libong buo tapos magrereklamo at papalatak sabay bulong ng "Ano ba yan," kapag dumaan sa gas station si manong tsuper upang magpapalit.
  • Mga drayber na susuklian ka ng kulang pagkatapos ay sasabihing "Sensiya na ha, akala ko dalawa e!" Ikaw naman ay magtataka dahil nag-iisa ka lamang sa loob ng FX o jeep.
  • Mga drayber na kahit poste e tinitigilan upang ayaing pumunta sa Quiapo.
  • Mga barker na sumisigaw ng "Lima pa! Sampuaan po iyan! Ayus-ayos lang," kahit ang mga pasahero sa loob e magkakadikit na ang mga kili-kili at isang pisngi na lang ng kanilang mga puwit ang nakadikit sa upuan.

Friday, July 6, 2007

We Accept All Major Credit Cards, Checks and COD. Call Now!

Noong bata pa ako, e napakahilig kong manuod ng mga infomercials sa Home TV Shopping at sa kung anu-ano pang shopping channels. Nakakamangha kasi ang mga produktong ipinapakita rito.

Kapag walang cartoons, eto ang tinitira ko dahil siyang tunay na nakakaadik ang mga infomercials. At dahil sa sobrang kaaadikan ko e umabot na ako sa punto na kabisado ko na ang pagkakasunod-sunod ng mga produktong ipapalabas pati na rin ang bawat linya ng mga hosts.

Kaya naman gusto ko sa inyong ibahagi ang ilan sa aking mga paboritong infomercials:

1. Magic Static Duster



Espesyal na Kakayahan: Gumagamit ng static electricity upang mahila ang mga alikabok at dumi. May kakayahan rin itong sumuot sa masisikip na lugar gaya ng mga pagitan ng Venetian blinds at mga sulok-sulok ng bahay.

Makalaglag Panga na Sandali: Hawak ng isang kunwa-kunwariang nanay ang duster sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay may hawak ng isang kumpol ng balahibo. Bibibitawan niya ang balahibo at didikit ito ng kusa sa duster. Tatanggalin niya ito at papaulit-ulitin ang proseso.

Siyempre, habang ginagawa niya ang lahat ng ito e, todo ngiti siya habang ang mga mata naman niya ay nanlalaki.

2. Buster Cat Pest Repellent

Espesyal na Kakayahan: Nakakapagtaboy ng mga daga at ipis sa pamamagitan nang paggawa ng high-frequency sound waves na sila lamang ang nakakarinig. Kapag hindi nakaalis kaagad ang mga peste, e sisirain ng high-frequency sound ang kanilang central nervous system.

Makalaglag Panga na Sandali: Naglagay ng humigit-kumulang limang daga sa isang glass case. Isinaksak nila ang Buster Cat sa isang outlet at ini-on. Di nagtagal e nagkagulo ang ang mga daga na parang mga adik na nag-aagawan sa bato. Tawa ako ng tawa dahil para silang mga nagii-slamming. Pagkatapos ng slamming session, e nangisay at natepok ang mga ito.

Ano kaya ang high-frequency sound na ginagawa ng Buster Cat? Siguro Ulan ng Cueshe o dili kaya, e yung Kering-Keri ni Kim Chiu ang naririnig ng mga daga at ipis kaya sila mga nabaliw.

3. Sandolin Breast Enhancer

Espesyal na Kakayahan: Isang capsule na nakakapagpalaki ng suso. Kung gagamitin mo ito sa loob ng tatlong buwan, mula 32 A, e magiging 34 C ang laki ng inyong suso.

Ang infomercial ay may ipinapakitang before and after video ng mga babaeng gumamit ng Sandolin kung saan daliri lang ang pinangtatakip nila sa kanilang mga utong upang makita ng mabuti kung gaano kalaki ang ipinagbago ng mga suso nila bago gumamit ng Sandolin.

Makalaglag Panga na Sandali: Nang makita ko na ang first 100 callers ay makatatanggap ng Rosy Areola Cream. Ang cream na ito ay ipinapahid sa utong upang maging kulay rosas ang mga ito.

Sa sobrang epektib, e kayang-kaya nitong gawing kulay rosas ang mga utong niyo kahit na mas maitim pa ang mga iyan kaysa sa alkitran o kamagong. Bwahaha!

Nakakatakot naman kapag maitim yung mismong suso pero pink yung utong diba? Parang strawberry-filled, chocolate donut dating nun!

4. Ab Flex



Espesyal na Kakayahan: Kung ikakadyot mo ito sa iyong tiyan sa loob 3 minuto bawat araw, e siguradong pwedeng-pwede ka nang isali sa pelikulang 300.

Makalaglag Panga na Sandali: Nang mapansin ko na ang Ab Flex ay kamukha ng Jet Cannon ng Maskman.



Di ba?

***

Ilan lang ang mga iyan sa mga paborito ko pero dahil ang haba na nito e itinigil ko na.

Teka muna, bago ko tuluyang tapusin ang entry na ito, e may itatanong ako sa inyo:

Bakit lahat ng produkto sa mga shopping networks, kung hindi P1995, e P2995 o P9995? Bakit kailangang P*995 ang presyo? Sagutin niyo ako--matagal na yang bumabagabag sa isip ko.

Sunday, July 1, 2007

experiMENTAL PSYCHOlogy

Ngayong semestre e may subject kaming tinatawag na Experimental Psychology. Mmm...sounds exciting...sounds paahbolous! Ngunit ako'y nabigo noong aming first meeting. Hindi dahil sa subject--sa propesor. Taragis, kung matatawag nga siyang propesor.

Hindi ko maintindihan kung anong klase siyang nilalang. Hindi mo malaman kung isa siyang frustrated na madre o founder ng isang kulto. Maaari ring sexually deprived lang talaga siya.

Bago magtapos ang aming unang meeting, ipinalista niya ang aming cellphone numbers upang ma-text niya raw kami kung sakaling mayroon siyang mahalagang announcement. Ngunit mayroon siyang isang kondisyon--hindi mo maaring ilagay ang number mo kung mayroon itong tatlong 6.

Hindi ko inaasahan iyon kaya napakamot na lang ako ng ulo. Malas raw yun kaya ayaw niya. May napuntahan raw kasi siyang website kung saan ipinaliliwanag ang salot na dulot ng tatlong 6 sa tao kung mayroon nito ang sim card o ang mga microchips mo.

Tsk, tsk. Ipinagmamalaki pa namang niyang isa rin siyang researcher bukod sa pagiging propesor, counselor at matandang dalaga tapos naniniwala siya agad sa mga bagay na nababasa niya sa internet?! Takte.

Paano kaya kapag namili siya at ang kabuuang babayaran niya ay P334 ngunit wala siyang barya kungdi P1000 na buo?

Siya: Miss bale magkano lahat ito?
Saleslady: Three hundred and thirty four pesos po ma'am.
Siya: (iniabot ang P1000)
Saleslady: Ma'am I received 1000 pesooos! (binuksan ang cash register at kumuha ng panukli)
Saleslady: Ma'am here's your change! 666 pesooos!
Siya: AAAAAAAAAARRRRRRRRRGGGGGGGGHHHHH!
Saleslady: Bakit ho ma'am?
Siya: Anung bakit? Hindi mo ba alam na malas ang tatlong 6! Nabasa ko sa internet!
Saleslady: Ah ganuon ho ba?!
Siya: Ay naku! Mabuti pa e alisin mo na lang itong Lactacyd sa mga pinamili ko! Tutal wala namang aamoy at kakain ng pu@% ko.
Saleslady: Buti nga sa inyo ma'am adik po kasi kayo. Pero, pasensiya na po ma'am pero hindi po pwede. Nailagay ko na po sa loob ng cash register ang pera at naka-store na sa memory ng computer ang halaga ng pinamili niyo. Ako ang malilintikan kung pakikielaman ko iyon. Bakit di niyo na lang ihagis yung piso diyan sa sahig para maging P665 na lang yan? Ma'am naman hindi ginagamit ang utak.

***

Noong sumunod na meeting naman ay may itinuro siyang dasal na nakakapagligtas raw ng isang libong kaluluwa sa mundo. Tuwing dadasalin mo raw ito e magkakaroon ka raw ng isang libong kaluluwa. The more you pray and the more souls you save, the more chances of going to heaven! Naks, parang raffle promo lang!

Pagkatapos naming dasalin iyon, e nagcompute siya sa board kung ilang kaluluwa ang ang nailigtas namin. Nagcompute rin siya ng projected number of souls na maililigtas namin sa loob ng isang buwan kung dadasalin namin iyon at least once a week (tuwing klase niya).

Siya: Okay class, who can give some of the strenghts and weaknesses of a case research strategy? Anyone? You!
Ako: Ma'am nagkakamot lang po ako ng ulo.
Siya: Di bale. Just answer my question, hijo.
Ako: One of its strenghts is its ability to give a detailed description. Sa weakness naman, it has potential for selective bias.
Siya: Very good hijo! 5462 souls for you
Siya: Class, may I just remind you na kapag naka 5,000,000,000,000 souls kayo at the end of the semester, e uno na kayo sa klase ko! Kahit bagsakan kayo sa quiz! Basta ma-meet niyo lang ang quota, ayos na!
Ako: YES! 4,999,999,994,538 souls na lang, uno na ako!

***

Wala namang katutwang nangyari sa sumunod na meeting bukod sa quotable quote niya na...

"Sa Numerology, importante ang numbers."

Tae, maluha-luha na ako sa pagkabagot at antok. Parusa talaga ang tatlong oras na kapiling namin siya. Takte, takte, takte.

Kaya naman, kung anu-anong masasayang bagay na lamang ang iniisip ko. Iniisip ko na dinidikit niya ang dila niya sa blade ng electric fan. Iniisip ko na binubunot niya ang bulbol niya isa-isa gamit ang plais (pliers para sa mga sosyal). Iniisip ko rin na nilaglagyan niya ng Mighty Bond ang mga kili-kili niya. Kapag natuyo, e bigla siya magja-jumping jacks.

Hay buhay. May quiz kami bukas at hindi pa ako nag-aaral. Kung bumagsak ako at na-singko, e isa lang ang dahilan-- ang blog entry na ito.