Thursday, September 13, 2007

Tag-tarag-tag-tag...I've been tagged! (3)

Dahil dalawang tao na ang nag-tag sa akin (sina Nelo at Redlan), ay napagdesisyunan ko nang gawin ang mga ito.

Ang unang tag e galing kay Nelo. Sa tag na ito, ay kailangan kong magbigay ng mga kinaiinisan kong bagay ayon sa mga ibinigay na kategorya.

Food
  • Halos lahat ng klaseng luto ng pagkain e kinakain ko. Kahit siomai na nalaglag na sa sahig hindi ko pinapatawad. Huwag lang siguro ang inihaw na fetus. AMP kung sino man ang nag-email nung mga larawan na yun!
Fruits
  • Ayoko ng dalandan. Ang asim.

Veggies
  • Lahat ng gulay kinakain ko pwera talong at kalabasa! Kinikilabutan ako kapag nakakakain ako ng mga yan.

People
  • Friendly naman ako e. Mahal ko kayong lahat! Nyahahahaha!

Events/Situations/Incidents
  • Kapag nagapapasulat ang prof namin ng hard news! AMP, hindi talaga ako marunong. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko alam kung ano gagawin ko sa mga press releases! Sinusumpa ko ang newswriting!
  • Kapag may parating nag-aapura na gawin ko 'to, gawin ko yan.

TV Shows/Movies
  • Lahat ng remakes ng GMA-7--ibig sabihin, lahat ng palabas nila.

Music
  • Mga pogi rock bands. Tae. Bakit dito sa Pilipinas, e matuto ka lang ng kaunting chords at matuto ka lang sumulat ng nursery rhymes e pwede ka ng mag-banda? Sugarfree lang yata ang matinong banda ngayon. Si Ebe lang ang marunong kumanta.

Things around the world
  • Teka anong ibig sabihin ng "things around the world?" Sige gagawin kong literal ang interpretasyon at sasabihin kong ozone layer--butas-butas na kasi ito. Dapat yung mga bwisit na artista gaya nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Richard Gutierrez at Sam Milby, e ginagawang pantapal sa butas ng ozone layer.

Household Chores
  • Tae, meron bang household chore na hindi kinaiinisan?

Things about myself
  • Moody ako. Tae, pakiramdam ko nga e bipolar ako.

***

Ang pangalawang tag naman ay galing kaya Redlan. Sa tag na ito, ay kailangan ko raw mag-post ng limang lumang entries. Apat sa limang entries na i-popost ko, ay galing pa noong mga panahong trying-hard akong mag-English. Sa totoo lang ay nagdadalawang-isip akong i-post ang mga ito dahil nako-kornihan ako kapag nababasa ko!

Pasensiya na po sa mga grammar gods kung may mga mali ako. Handa ko pong pagbayaran at harapin ang mga kaparushan! Bwahaha!

Heto na sila:

1. Bakit ba parating namamatay ang mga bida sa mga koreanovela?


2. Mga nagseseksihang mga babae sa mga video games.


3. Batong-bato ka ba tuwing bakasyon?


4. Ang aking tuli experience.


5. Samahan niyo ako sa aking pagtatate sa UST.

15 Comments:

Blogger RedLan said...

hindi ka rin pala nanonood ng gma.

September 13, 2007 at 7:45:00 PM GMT+8  
Blogger JoiceyTwenty said...

ahmm, ayus. boycott gma. shet alam mo bang nung highschool eh 4 na taon akong staffer ng school paper namen pero never ako natuto magsulat ng news. kaya inggit na inggit ako sa ate ko na magaling sa newswriting, at kuya ko naman sa sports. ako eh hanggang literary lang, na takte, hindi ko pa mamaster. yuhooo

oh bipolar. hmmm.

September 14, 2007 at 1:03:00 AM GMT+8  
Blogger JoiceyTwenty said...

nga pala, birthday ng nanay ko ngayon! hahaha :)

September 14, 2007 at 1:04:00 AM GMT+8  
Blogger nelo said...

ayos nasagutan mo na rin pala..ayoko rin manood ng mga remakes..ok na pantapal sa ozone layer yung mga nabanggit mo ah.

ok rin namanang english blogs mo pero syempre mas astig kapag tagalog.

September 14, 2007 at 11:58:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

naaliw ako sa mga "back issues" hehe. magaling, magaling, magaling

September 14, 2007 at 2:24:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

whapakkkk! sakto ang mga pantapal mo sa ozone layer. kay kim chiu pa lang, tapal na tapal na. ayoko kasi sa kanya..lalo na pag kumakanta. ampanget ng boses. sabi nga ng kaibigan ko ayaw ko daw sa boses kiki...nyahahaha!

malupit ang "back posts"..bagay sa tanong. =)

September 14, 2007 at 3:05:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ay wait lang! so malamang hindi mo papanoorin ang shaido. wahaha! costume pa lang mukha nang lata ng sardinas. mahal ko si alexis kaya ayokong dalihin lang ang kanyang tv series.

peace out!

September 14, 2007 at 3:06:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hahaha binasa ko ung Tae-xtacy na post mo. walangyaa ang kulit! Hahahahahaahaa.. astig ka talaga! Mas maganda parin ang post pag tagalog kasi ang malalim na medyo makabuluan. Hahaha.

Yea, agree ako sayo, panget GMA! LOL.

mooody ka rin? Ako madalas natatamaan ng bipolar pag problemado. Haha.

YNGATZ

September 15, 2007 at 2:00:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

lolz! magagalit sa'yo GMA.. =P

September 15, 2007 at 2:44:00 PM GMT+8  
Blogger july said...

onga. idol ko den si ebe. napakataas ng boses pero walang effort. ayos den ang silent sanctuary, parang nakababatang kapatid ng sugarfree

September 15, 2007 at 10:31:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Wahh?! sandali lang sandali lang! Maganda pa rin ang Encantadia ah!!!

T_T


ehehehe...


friendly daw ha. ahahaha! ^_^

September 18, 2007 at 10:13:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

hahaha. kakatawa naman to. di rin ako nanu2od ng gma.

September 18, 2007 at 11:37:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Sadly, I don't know any current OPM right now. :O

September 19, 2007 at 2:09:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

napaisip ako dun ah! anong meron sa talong at kalabasa? hmm.. haha. ^_^

September 19, 2007 at 11:37:00 AM GMT+8  
Blogger archiemb said...

anti-gma ka pala..hahaha...

October 28, 2007 at 6:51:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home