Sunday, May 20, 2007

GMA-7, tigilan niyo na ang pagsira sa mga childhood heroes namin

Kamakailan kay nabalitaan kong i-reremake ninyo ang Shaider. Takte, pati si Shaider hindi niyo pinalampas! Talaga bang wala na kayong maisip na orihinal na konsepto kaya puro rip-off, adaptation at remake na lang ang ginagawa niyo?

Eksibit 1: Asian Treasures

Sinong tanga ang hindi makakapansin na ang Asian Treasures niyo ay hybrid ng Indiana Jones at Tomb Raider? Saka ang creative ng title niyo, parang isang taong pinag-isipan.

Eksibit 2: Captain Barbell

I-cut si Captain Barbell tapos i-paste sa storyline ng Smallville. Tapos.

Eksibit 3: Super Twins

Ang pinaghalong Sailor Moon at Amazing Twins.

Isa na namang napa-creative na title. At kapag narinig niyo ang mga sandata nila gaya ng Super Duper Sword mapapaisip na lang kayo kung mga college graduates o mga kindergarten students ang bumubuo sa creative team nitong palabas na ito.





Eto ang malupit:

"If you find similarities, it is outright coincidental. Hindi po ako nakakapanood ng Sailor Moon and Amazing Twins." - Dominic Zapata, direktor ng Super Twins.

Coincidental o sinadya talaga na maging coincidental?

Hindi ka pa nakakapanuod ng Sailor Moon?

Ulul.

Eksibit 4: Lupin

Dito talaga ako nabuwisit. Sa pagkakaalala ko e cool si Lupin. Yung tipong gusto mo na ring maging magnanakaw dahil napakagaling niya. Ayaw mo rin siyang mahuli ng Interpol at kung mahuli man siya e gusto mo siyang makatakas. Hindi katulad kapag nakikita ko si Richard--gusto ko siyang mabitay.

Eksibit 5: Shaider

Kung i-reremake niyo ito e siguraduhin niyong mas maganda ang effects niyo sa original. Tangina, 1984 unang ipinalabas to nakakahiya naman kung mas supot pa ang efffects niyo.

Takte, kaya niyo bang ipakita ang dilaw na panty ni Annie?

At hulaan niyo nga pala kung sino ang magdidirek nito. Tama, si Dominic Zapata na direktor din ng Super Twins na hindi alam kung ano ang Sailor Moon. Gud lak sa pagbaboy sa unang childhood hero ko.

Pero ngayong inisip ko yun, hindi mo na pala kailangan ng gud lak ko.

At kung buhay pa ngayon si Hiroshi Tsuburaya (Alexis/Shaider), e babangon yun mula sa puntod niya, para sabihin sa inyo na "BAKERO!"

Shigi, shigi...babuyan na!

***

Nakakaasar kapag nakikita kong binababoy yung mga palabas at heroes noong kabataan ko. Para bang nakakagago, lalo na kapag nakikita mong ang pangit ng pagkakagaya o gawa sa palabas.

Oo, may rights sila sa Lupin at Shaider pero hindi ibig sabihin nito na pwede na nilang babuyin ito. Sana ayusin naman nila ang pag-remake sa mga ito. Hindi yung bara-bara na lang may maipalabas lang.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ganito ang pag-uusap ng creative team nila...

Member 1: Pare, ano isusunod nating gawing project?
Member 2: Pare, Slam Dunk!
Member 1: Oo nga mukhang maganda nga yan. Sinu-sino kaya ang pwedeng maging cast?
Member 2: Pwedeng si Richard Gutierrez ang gumanap sa buong Shohoku! Babaguhin na lang natin ang hitsura niya para makamukha niya sina Rukawa, Mitsui...tapos sabay-sabay nating ipe-paste sa mga scene.
Member 1: E paano yung Ryonan?
Member 2: Siyempre si Dennis Trillo yung buong team ng Ryonan. Gago ka ba pare? Sila lang naman ang artista natin e.
Member 1 : Ay, tekputs, oo nga pala. So malamang si Angel Locsin na si Aya?
Member 2: Oo, gago. Siya lang naman ang artista nating babae dito e.
Member 3: Bad news, mga repapips. Hindi natin nakuha ang rights sa Slam Dunk!
Members 1and 2: Ano?!
Member 3: Panu na yan? Hindi na tuloy?
Member 2: Hindi pare palitan na lang natin ng title! Yung parang ginawa sa Super Twins!
Member 3: E anung ipapalit natin?
Member 1: SUPER BALLS! Pwede ring SUPER DUNKERS!
Members 2 and 3: Tangina, panalo yan! Shiyet may project na tayo!

***

Patawarin niyo ako kung fans kayo ng mga sumusunod. Naasar lang talaga ako. Sana huli na yang Shaider. Baka mamaya makarinig ako ng remake ng Maskman. Kung ganoon ang mangyari, tangina, Aura Power na!

37 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hahaha!dos!dos!dos!

May 20, 2007 at 8:28:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Amputakte! Pati si Shaider??? Ano ba naman yan?! Wala na b tlg silang maisip na gawin at originality! Lhat copy-paste (yan na term ku sa kanila!!!) Yaong asian treasure gets ko na tlgng kinopya dun sa tomb raider ba un? bsta un! Tapos yan supertwins maniwala namn akong di nya alam ung sailormoon eh napakauso nila noon. Yung amazing twins yun ang di ko tlg alam! Taz ung Lupin, ampangit! Di ko feel! Yung story nila hnd nmn nla ata binase dun sa lupin III na anime. Ang alam ko novel ng France na title eh Lupin ang pinagbasehan nla ng story. Ganun din siguro yung sa anime na lupin III. Pro kht n ampangit pa rin ng Lupin ng GMA. Hindi purkit patay na ang 22ong si Shaider eh gaganyanin na nla aang palabas na yan! Bababoyin! Ampness! Dati rati fan ako ng GMA at okey pa nmn ung Encantadia at Mulawin nla pro sunod-sunod na mga fantaserye na walng kwenta na pinapalabas nila kaya dun na muna kmi sa DOS. Hay! Please lang sna wag nilang iremake ang SLAMDUNK! please langggg!!!!! Pinakapeyborit ku un na anime. Iniiyakan ko pa! GrrrRR! Wag sna nilang babuyin at paglaruan! At sila dennis trillo at angel locsin at richard uli ang makikita kong pagmumukha! NEVERRRRRRRRRRR!!!!
Xnxa maxado highblood! Kasi fan ako ni Shaider!

May 20, 2007 at 8:45:00 PM GMT+8  
Blogger ***jane*** said...

pOtah poli ang galing moh tlga! oo nga, putcha binaboy ang sailormoon!!! XD <-- smiley ni myjel =D

May 20, 2007 at 8:57:00 PM GMT+8  
Blogger pb said...

wag kang hot. Toh naman eh.. haha! Naiintindihan kita pero mainit na ang panahon. Wag mo ng painitin ulo mo. Sige ka… baka masunog buhok mo nyan.
Ow well.. maka 2 kasi ako kaya hindi ko mapansin ang mga panget na pagkakagawa sa mga palabas sa 7. Nyahaha.. pero ramdam ko ang galit mo at mukhang panget nga talaga. Haha.
Fan ako ni Lupin at lagi syang palatawa pero si Richard eh tae… hindi ko nakitang nagjoke eh.
Asian Treasures? Diba palabas ni ano.. ni.. yung sa face off? Teka.. isipin ko ah. Yung bida sa Ghost Rider.. si… tae! Hindi ko maalala.. teka.. mag tatanong ako sa txt. Ah… “si Bruce wilis naiisip ko” haha!
Tae! Wag na wag nilang gagalawin ang Slam Dunk. Sobrang fan ako nun. May mga card pa nga ako nun dati.. At ang pinaka gusto ko eh si Ryota. Wah!!!

Kilala ko na.. sya si… Tom Cruise… haha! Biro lang.. si Nicolas Cage pala. hehe

May 20, 2007 at 9:21:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

PUTANG INA NINYONG LAHAT!!!!

*ehem*

GMA used to be promising, with Filipino traditional concepts like Mulawin and Encantadia. What the fuck happened to them? Why do they have to imitate when Mulawin was a big hit, even if it used Pinoy themes?

What the fuck?

May 20, 2007 at 11:32:00 PM GMT+8  
Blogger p said...

wag nilang isiping gawan ng remake ang bioman kundi hahabulin ko sila sa time space warp!

May 20, 2007 at 11:37:00 PM GMT+8  
Blogger Nikki said...

wala itong kinalaman dito pero nabasa ko sa inquirer.net na i remake ang marimar at si angel locsin ang marimar...

napaka ridiculous nung ginagawa nila sa totoo lang... mas gusto ko 7 sa 2 pero this is getting out of hand na

May 21, 2007 at 11:58:00 AM GMT+8  
Blogger mikaela said...

idol ko tlga sina sailormoon kasi may hentai sila..kung kaya nilang maglabas ng bold na super twins edi ok na.

Lupin tlga ang pinaka binaboy nila.tangna mo richard! dapat kinakaskas din nya mukha nya sa boobs ni ehra at katrina..
ganun si lupin kay fujiko dba?

hahaha

May 21, 2007 at 12:05:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

paano ba yan? maka-RPN ako...

hahaha... alam mo ba kung bakit nila niririp-off lahat na halos ng childhood heroes natin? para ihatid naman nila sa mga bata ngayong uto-uto na bumubuo sa halos 45% ng ratings demographics natin... ayun. kaya ganun. hindi na nila inisip yung mga matanda nang tulad natin. hah.

pero okay lang naman sila sa akin, kasi tuwing nakikita ko ang mga pinsan kong uto-uto na tuwang-tuwa sa super twins ay maligaya na ako...
super duper uto-uto..
kaawa naman ako, na kanilang dakilang baby-sitter...
anyways, mas ayoko naman ng mga drama-fest ng dos..
kaya naman, eto ako ngayon nagtitiyaga sa ABC 5 at sa RPN 9...
it's about time na maibigay naman sa iba ang ratings, sa kanila na lang dalawa lagi hati eh...
kakasawa na... :D

May 21, 2007 at 12:48:00 PM GMT+8  
Blogger cha said...

hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nila at mukhang nag-eenjoy sila sa paggawa ng mga palabas na puro super heroes ang bida,,

May 21, 2007 at 4:48:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Now you feel what I feel whenever some uncool self-proclaimed singers revive the songs from the past.

But anyway, I don't really care much about these things because

1 - fan ako ng mga old cartoons at na-retain na sa utak ko ang mga iyon
2 - wala na akong magagawa
3 - fan ako ng GMA-7 public affairs programs...ibig sabihin, yun lang ang pinapanood ko sa GMA (ay, pati pala Eat Bulaga minsan) kaya kahit mawala yung ibang programa nila, okay lang
4 - mag-iisip pa ako ng iba pang dahilan

Huli talaga ako pagdating sa balita tungkol sa shows ng ABS-CBN (which I totally NOT watch, sobrang mediocre nila) at GMA-7. Ang alam ko lang bukod sa current events sa Pinas eh yung mga chismis sa mga artista. Hehe.

Isa pa, ang primary target naman kasi talaga nila ay mga taong di pa pinapanganak nung mga kapanahunan nyang mga yan.

May 21, 2007 at 8:15:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

RAK ON PARE!

What has science done?!

Isa rin akong number one ni Shaider. Sana nga hindi nila babuyin ang ating pulis pangkalawakan. Makakatikim sila ng LASER PROJECTION sa'kin!~

Buti na lang, hindi na ako nanonood ng TV. :D

May 22, 2007 at 11:20:00 AM GMT+8  
Blogger kim said...

haha.. npaka jologs nmn pra sabihin niyang coincidence lng ang pagkakapareho ng supertwins sa sailor moon!

tae sana wag nilang gayahin ang masked rider dahil favorite ko un!

at sana nmn ang gumanap na Annie si Francine Prieto, o si Cindy Kurleto pra nmn sexy pag kita panty!

Tae baka nmn c Pauleen Luna ang Annie! YUck

May 22, 2007 at 4:04:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Hmp! Tama ka!

Super Twins: Ewan ko ba kung bakit pa ito pinayagang maipalabas, eh wala namang halos kwento.. umiikot lang sa isesave ang mundo... nakapagtataka din talaga... bakit yun lang ang lugar na tinitira ni Eleazar kung gusto nyang sakupin ang mundo...

Lupin: Nakakainis, hindi ko malaman kung comedy ba xa o slick teleserye. Natatawa lang talaga ako kay Janno Gibs kaya mas gusto ko rin na hindi na nya pakawalan si Lupin dun sa kulungan at mabaliw na para tapos na ang kwento...

Asian Treasures: Aynako. Sinabi mo. Ayan, may pa-susi-susi pa silang nalalaman, napakagasgas na, na ang susi e yung bida nalang palagi.

At bakit marami akong alam dito? Heheh. Dahil akong taga-hugas sa gabi, hindi ko sila mapilit na ilipat sa dos. hay nako. x_x

Bakit nga ba nawalan na sila ng creative touch gaya ng Encantadia? Nagpipilit silang mag-iba, pero sa totoo lang nanggagaya sila. x_x

May 22, 2007 at 11:16:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Isang blatant rip-off yung damit sa Super Twins, e wala naman kinalaman yung sailor outfits sa Pinas ("sailor" uniforms worn by schoolgirls in Japan)...

May 23, 2007 at 2:15:00 AM GMT+8  
Blogger Lei_SATG said...

omg pati si shaider pulis pangkalawakan? nooooooooooo!!!!!!!

May 23, 2007 at 12:47:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

pusang kinalbo tlga yang GMA n yan.. grr.. lahat na lang binaboy... pati bleach binaboy... yung remake ng kisapmata ni baboy na si yasmin kurdi... lahat kayo baboy.. pati pres ng GMA baboy!!!

May 23, 2007 at 12:51:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

tae nila. sinira nila alaala ng minamahal kong si alexis. mga anak ng tokwang hilaw!

sinong gaganap na annie?! kaya ba niyang magpakita ng panty?!

time and space warp, ngayon din!

-bitch3

May 23, 2007 at 9:35:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

grabe wala ba silang bright ideas.. puro remake.. puro pambata..

May 24, 2007 at 12:29:00 AM GMT+8  
Blogger pusa said...

hahaha super funny naman tong blog mo... at sa'yo ko lang nalaman na ire-remake din ang shaider. OMG, tang na naman oh fave ko un nun bata ako tapos bababuyin!

di rin ako nakakanood ng super twins pero nakita ko lang un pictures nila sa blog mo naisip ko na agad na damit ni sailor moon yun.. coincidence mukha nila!!!

partida isang episode lang ng barbel ang napanood ko sa bus pero napansin ko agad na rip off talaga ng smallville yan barbel na yan!

buti na lang hindi na ako nanonood ng local tv shows, wala naman pala ako nami-miss!

May 24, 2007 at 3:18:00 PM GMT+8  
Blogger The Rain Sprite said...

/kapangyarihan ng araw.. taglay ay liwanag..

blah blah

kami ang super twins!/


alam ko hindi ganyan magtransform si amy at minako.

May 26, 2007 at 12:45:00 AM GMT+8  
Blogger Doubting Thomas said...

Malamang ulul nga yung direktor na yan. haha. hindi pa sya nakakapanood ng sailor moon. anyways... hindi naman talaga ako nakakarelate dahil hindi naman ako nanonood ng anything primetime sa 7.

gross. :P

May 26, 2007 at 4:29:00 PM GMT+8  
Blogger The King said...

Haaay oo nga. Pati ba naman Marimar?!

Medyo may bias ako nang kaunti, kasi Kapamilya ako. Pero kung sa panggagaya rin lang, mas magaling ang ABS-CBN..

Pero magaling mag-hype ang GMA-7.

Wala naman ako pakialam sa Amazing Twins o Sailor Moon, pero dahil fan ako ng Smallville, nainis ako sa panggagaya ng Captain Barbell dito.

May 27, 2007 at 9:50:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Hindi ako kapuso pero nanonood parin ako ng GMA kahit papano... para may pumansin naman sa kanila.. hehehe jowk... rounin pinapanood ko eh.. sabi nila gaya gaya naman daw sa star wars... pero lupit ng effects.. hehehe..

May 29, 2007 at 10:24:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

pati nga Meteor Garden hindi pinalagpas eh... asar!!!...

May 29, 2007 at 10:26:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

baka po mamaya pati ghost fighter gawin din nila wehehehe

May 31, 2007 at 12:47:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Shaider i-re-remake ng GMA7? Noooo!

Fuma Lei-Ar: Ida, ano pa tinatanga-tanga mo jan? Ang time space warp!

Ida: Time space warp ngayon din!

Shigi!shigi!makam shigi uh wah!

Hay naku pwede bang i-send sa time space warp ang creative writers at director ng remake na ito?! Pero in fairness, Marky Cielo seems fit for the role if only the story will turn out as it should be!

May 31, 2007 at 6:00:00 PM GMT+8  
Blogger kim said...

ginaya pa nga ng asian treasures ang da vini code.. si Eddie Garcia gnaya nila kay Sir Leigh

June 2, 2007 at 12:47:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Pare! napadaan lang, pwd ko b gawin link ung page mo????!! hahahaha, takti! PANALO AS IN!!!! ANG LUFET!!! Wahahaha!!! sapol na sapol =p

June 13, 2007 at 12:42:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

Grabe talaga...
Baka sa susunod Voltes V naman gawin nila.. tapos papasok ulit si alwina para maging c Erika ng Diamos.. Nakakamiss pa naman c Ukirampa... ung nagpapalaki ng mga halimaw sa Shaider.. sana c Richard nalang gumanap dun..

Kaya lang naman pinapanood cla dahil sa mga boobs nila Angel Locsin, Katrina at Bakekang.. ULOL NYO!!!


GMA-7 Lakas nyo mang-gaya,..

June 13, 2007 at 1:33:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

ah remake pla ng shaider? hehe may idea ako since i think hnd nman nyo mapapantayan ung shaider, y not change it to SHY-GURL, at ang bida c DIEGO!!! hehe.. this is for direk "i dont know sailormoon"

June 13, 2007 at 2:30:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

anak ng tokwa! gandang blog ah..

yeah right nakita ko na ung commercial nila 4 marimar..balita ko ngha2nap cla ng folgoso(ung aso) bakit pa nandyan nmn c richard gutierrez!

kahit isang episode ng super twins or captain barbel wala akong napanood dahil commercial pa lng eh di ko na maatim sa ka cornyhan!

kawa2 nmn shaider..hai..maba2boy na sya ng tuluyan..errr

June 18, 2007 at 1:58:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

excuse me lang, c UKIRAMPA sa MASKMAN at hindi sa Shaider. hehehehe,,, anyway

KORNI talaga ng 7. tapos may MARIMAR remake, kmusta nmn un? bwahahaha, sino gaganap dun? ang walang kamatayang si angel locsin? tapos ang kakapal ng mukha nila na paratangan ang 2 na paulit-ulit ang mga artistang binibida sa primetime. at sn galing ung mga ratings nyo na kesyo kayo ang no.1? duh! nagpopost kau lagi sa inquirer ng mga ratings na ewan kung sn lupalop ng universe pinagkukuha.

June 20, 2007 at 7:58:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

akala ko ako lng ang nakakaramdam ng ganyang pagkainis. hindi dahil hindi ako kapuso, kundi dahil mahilig akong manood ng tv.
at NAGSASAWA NA KO KAY RCIAHRD GUTIERREZ, DENNIS TRILLLO AT ANGEL LOCSIN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
..kahit hindi ako nanonood ng mga leche at walang kwenta-kwentang teleserye ay nagsasawa padin ako sa mga pagmumukha nila. tatlo lng ang artista ng GMA!!!!!!!!!!!!!
XD

July 14, 2007 at 11:31:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

galing nitong post n 'to! sa totoo lang ok ang channel 7 sa news, credible talaga. pero pagdating sa entertainment 'd best ang channel 2. pinaka-ok lang talaga skin ung mulawin.

July 18, 2007 at 11:58:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

well, agree ako lalong lalo nasa wala nilang puknat na paggamit kina Richard, Dennis at Angel. Ang rami rami nilang artista tapos yung tatlong hinayupak na nakakasawa na talaga yung palaging ginagamit?! ano ba yan, nakakairita na eh!

August 17, 2007 at 12:16:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

kung ako sa GMA dapat pinapalabas nilang cartoons ay yung HITMAN REBORN o kaya NAruto shippuden basta mganda yun kasi yung pinapalabas nila paulit ulit lng tulad ng jackie chan ewwwwwwww kadiri nmn cla chaka lahat cguro ng cartoon nila galing sa cartoon network hayzzz ampangit chaka ambabaduy ng panghapon na drama nila ewwww ampangit tlga palitaqn nyo na kala nyo lagi silang no.1 di na man kac dati kapuso ako ngayon di na KAPAMILYA NA aKO!!!

July 28, 2009 at 10:30:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home