Master X. X.
Mayroon laman silang maliit na pagkakaiba. Ang una papatuluin ang luha mo; ang sumunod naman e iba ang papatuluin sa iyo.
Noong labing-isang taong gulang pa lamang ako, Abante at Abante-Tonite ang dyaryo na inirarasyon sa bahay. Abante kapag MWF at Abante-Tonite naman kapag TTH. Ito ang gusto ng nanay ko dahil ultimo headline ng dyaryong ito e tsismis. Ako naman e walang kahilig-lihig noon na magbasa ng mga dyaryo kaya hindi ko ito pinapansin kahit pakalat-kalat lang ito sa loob ng bahay namin.
Isang Miyerkules, bumisita sa bahay namin si Kuya Ryan, pinsang-buo ko. Ang tantsa ko e mga labing-siyam na taon na siya noon. Kumuha siya ng dyaryo na nakakalat sa sala namin. Binuklat niya ito sa pahina kung saan may krosword puzzle at saka nagbasa ng tahimik. Maya maya pa e tinanong niya ako kung asaan raw yung dyaryo namin nung Lunes.
"Nasa bodega." Sagot ko.
"Ah, pwedeng mahiram?" Tanong naman niya.
"Teka, ano ba kasi yung binabasa mo?"
"Basta. Hindi pambata." Mariin niyang sagot.
Dahil doon e hindi na ako nagtanong pa at kinuha ko na lang yung dyaryo namin noong lunes at ibinigay sa kanya. Maya-maya pa e nagtanong ulit siya. Kung pwede raw mahiram yung pam-Biyernes. Siya na lang ang pinakuha ko dahil alam na naman niya kung saan nakalagay ang mga ito. Nagpatuloy lang ang ganitong eksena hanggang maisipan niyang umuwi na.
Siyempre dahil isa akong napaka-usiserong bata e kumuha ako ng dyaryo at binuklat ko doon sa pahinang may krosword. Pagtingin ko doon ay tumambad sa akin ang kolum ni Xerex Xaviera, binasa ko ito at di ko namalayan, e kinukuha ko na rin yung mga nakaraang dyaryo.
Simula noon e lagi na akong nagbabasa ng dyaryo. Hehe! Pinuri pa ako ng nanay ko na marunong na raw akong magbasa ng dyaryo. Hindi na raw pulos laro ang inaatupag ko. Ang hindi nila alam e kolum lang ni Xerex ang binabasa ko. Bukod sa alam niyo na, e maganda rin ang mga istorya nito kaya nakaka-adik talaga.
Hindi ko naiintindihan lahat ng nababasa ko pero kahit papaano ay mayroon akong ideya kung ano yung mga yun. Malawak naman kasi ang imahinasyon ko, lalo na noong bata pa ako. Sa pagbabasa ng kolum niya ako unang naramdaman ang libog. Hehe! At bukod "doon" ay marami akong natutunang salita gaya ng: pulandit, rurok, tarugo, pearly shell, hiyas, ayuda, tahong at kung anu-ano pa.
Tsk, tsk, Eto na ang masaklap. Nahuli akong nagbabasa ng Xerex ng nanay ko! Nagalit siya dahil hindi nga raw pambata iyon. Laking lungkot ko na lang kinabukasan ng Tempo ang inirasyon na dyaryo at hindi Abante.
Dahil doon, e natuto akong dumukot ng limang-piso sa pitaka ng nanay ko (hanggang dalawang-piso lang ang kaya kong dukutin noon) para ipambili ng Abante at para masubaybayan si Xerex. Pagkabili ko ng dyaryo e itinutupi ko ito hanggang sa maging maliit ito na parisukat na siya namang iniipit ko sa garter ng brip ko para hindi makita ng nanay ko. Didiretso ako sa kwarto ko at saka ako magkukulong para makapagbasa. Hehe!
Nagpatuloy lang ang bisyo kong ito hanggang dumating ang araw na itinigil na ang kolum niya. Laking lungkot ko nung araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit nawala yung kolum niya. Basta pagkatapos nung huling kwento e basta na lang siyang nawala. Ni hindi ko man lang nalaman kung babae ba siya o lalaki! Hehe!
Idol ko si Xerex! Hehe! Siya ang aking master. Sa kanya namulat ang isip ko ukol sa bagay na pilit na itinatatwa at binabansagang imoral ng mga tao. Sa kanya ko natutunan na hindi dapat pandirihan ang sex dahil isa ito sa pinakamaganda at sagradong bagay dito sa mundo.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang masama sa salitang sex, kantot, tite, puke atbp. Kung bakit tinatawag ang mga itong imoral, masama at nakakadiri.
Mga ipokrito.