Sina Judy Ann at Mommy Carol o Sina Maverick and Ariel?
Takte! Dalawang araw na akong inuubo, nilalagnat at sinisipon!
Napakadalang ko lang magkasakit kaya naman kapag napagdiskitahan ako ng mga kaibigan nating viruses at bacteria e daig ko pa ang mga matatandang naghihingalo. Akala mo kung anong nakakamatay na sakit ang dumapo sakin.
Nagsimula ang lahat sa simpleng pamamaga ng lalamunan noong kinagabihan ng Martes. Siyempre, hindi ko ito pinansin at sige pa rin ang laklak ko ng iced tea na may ga-batong yelo. Kaya naman pagkagising ko kinaumagahan, e parang mini-waterfalls ang ilong ko. Yun nga lang, imbes na tubig, e malabnaw na uhog ang rumaragasa mula dito.
Pumasok pa rin ako kahit masama ang aking pakiramdam. Pinangako ko kasi sa aking sa sarili na magiging good boy ako ngayong semestre. Hindi na ako aabsent kapag walang silbi ang mga rason gaya ng kung may laban si Federer o may laban si Hingis.
Pagpasok ko sa silid-aralan e nahalata agad ng aking katabing si Adie na mukha nga raw akong may sakit. Sabi naman ni Christine (Hagrid), e mukha raw akong adik. Mangilan-ngilang tao rin ang lumapit sa akin at nagtanong ng, "Bakit parang malungkot ka ngayon? May problema ka ba?" Gusto ko sanang magtatatawa kaya lang pinigilan ko dahil siguradong uubuhin at maluluha na naman ako.
Bago umuwi, e dumaan muna ako sa bahay ng aking iniirog. Nagkwentuhan kami habang pasinga-singa ako sa bimpo ko na naging kulay gray at green dahil sa sipon. Kapag nakita niyo ito e hindi kayo maniniwala na dati itong kulay pink na may mga larawan ng kabute. Ang kyut no? Bimpo kasi ng nanay ko yun. Ubos na ang mga bimpo at panyo ko. Inuhugan ko na lahat.
Bukod sa pagkukuwentuhan, e binigyan niya rin akong strepsils. Hang swit ano? Whanepshyet! Hindi na rin ako nagtagal at umuwi na rin ako.
Pagdating ko sa bahay e bagsak agad ako sa kama at alas-onse na ng umaga nang magkaroon ulit ako ng malay. Eto na ngayon ang masaklap, paggising ko, e naramdaman kong punum-puno ng nanigas na uhog ang ilong ko o sa madaling salita, puno ito ng kulangot. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit kada hugot ko e may sumasamang buhok galing sa ilong! O KAY SAKIT!
Pagkatapos ng aking kalbaryo, e parang nakipag-eksena ako kina Ate Vi at Ate Guy. Drama siyempre! Gago, hindi threesome!
Ngayon naman ang aking kalbaryo e ang pagpili ng gamot na iinumin. Tuseran ba o Decolgen? Idol ko sina Maverick and Ariel kaya gusto ang Decolgen. Gusto ko rin naman ang Tuseran dahil ini-endorso ito ng Diyosa ng Alindog--si Judy Ann. Hirap no?
Tsk, ano nga ba ang mas epektib?